Chap 3. "Interview"

1466 Words
Dahan-dahan kaming naglakad sa hallway. Nakarating kami sa tapat ng masyadong magarang opisina na. Gawa sa marbel ang pader at napakakintab pa ng sahig na kulang lang ay makita ko na ang sarili kong anyo. Ang dami ring mga tea boy at cleaners. May tig-iisang Receptionist rin kada palapag. "Mister Eric, dito sa 10th floor mo mahahanap ang opisina ng General Manager o ang GM ng kompanyang ito. Siya si Mr. Reo Azuma." Sabay hinto niya sa malaking pinto na magarbo at itinuro ito. Kaya ngumiti na lang ako na pinapahiwatig na nakuha ko na sinasabi niya. Nagpatuloy kami ulit sa paglalakad, madami talagang ilaw kada distansya na nagbibigay liwanag pa lalo sa hallway at may Incense burner scent kaya napakabango ng paligid. Agad niya tinuro sa akin 'yong iba't ibang room ng bawat department katulad ng Accounting Department, IT Department at lalo na yung President's Office na mas magara ng doble. Bumulong sa akin si Cecil. "Huwag na huwag kang magkamaling pumasok diyan sa President's Office. Dahil bilang respeto sa kanila. Pinagbabawal sino man ang pumasok diyan maliban doon sa pinagkakatiwalaan niyang secretary na si Saku. Kaya kung gusto mo siyang kausapin. Idaan mo muna sa kanyang sekretarya at may extension number naman. Ang pangalan pala ng presidente ng kompanyang 'to ay si Araragi Hatanaka. Anak niya ang boss natin sa Purchasing Department na si Aiko Hatanaka. Si President Araragi din ay isang Yakuza ng Mafia. Kasama sa malalaking sindikato rito sa Japan kaya milyonaryo talaga sila. Bali-balita pa ngang Drug Lord 'yan. Ayoko na magsalita. Basta sundin mo na lang patakaran na sinabi ko." Hinatid na niya ako sa maliit na Meeting Room at nagmungkahi ulit sa akin. "May dalawa tayong Meeting Room, Mister Eric. Ito 'yong isa: maliit na meeting room at 'yong pangalawa naman ang Malaki. Doon tayo pumupunta kapag may mga Business Dealers galing ibang bansa na gusto makipagtalakayan ukol sa ating kompanya at business deals," paliwanag ulit ni Ms. Cecil. Agad akong umupo pero bago ko siya tuluyang paalisin ay nagsalita muna ako. "Ms. Cecil, sorry ulit sa nangyari sa elevator ha?"sabi ko na humihingi ng tawad. "Wala 'yon! Sige na! Good luck sa interview," nakangiti niyang sabi na nakapagluwang ng dibdib ko. Iniwan na niya ako sabay sinara ang pinto. Magara ang lamesa at gawa sa kahoy pero makintab. De Aircon ang kuwarto at may blind curtains na nakasabit sa bintana. May isang artificial na halaman na bonzai at kabinet na gawa sa salamin. Nagulat na lang ako nang magbukas na ang pinto na ikinabahala ko at sunod-sunod na ang kaba sa dibdib na tila binahayan ng daga. Agad pumasok itong isang babaeng napakabango. Mukhang nakasuot ng 100% furry cotton jacket tapos ay naka-mini skirt na kitang-kita ang kaputian at hugis ng binti na parang nang-aakit. Long-legged siya. Wala ka man lang makikitang bahid ng nunal o peklat sa pangangatawan at kutis porselana talaga na mas nakapagpagana sa akin. Ang suot naman niyang pang itaas ay tube na halos lumuwa na ang dibdib dahil sa kalakihan na kita na ang hiwa ng kanyang dibdib. Matambok at malaki na parang nakakapuwing talaga sa mata. Parang celebrity ang datingan, glamoroso na napaka-sophistikadang tingnan. Nakapusod ang buhok niya na may pagka-brown na brunette kaya di ko matantiya kung gaano ito kahaba at naka-lipstick ng kay pula, kulay na tila kumain ng pagkadami-daming cherry. Sabay naka-shades ng de-branded at may malakihang hikaw na loop ang disenyo. Umupo siya sa harap ko kaya mas lalong sumikip ang dibdib ko. Tahimik lang siya. Agad siyang tumingin sa akin mula ulo hanggang baywang. Nagsimula nang bumuka ang kanyang bibig na kahit ngipin niya ay napagtripan ng mata ko. Pantay-pantay at mapuputi. Lalo na ang dila niya na malambot na tila napalunok at nauhaw ako bigla. "Mister Eric Lavinia, Where's your CV?" Medyo nag-init at pinagpawisan ako. Artistahin talaga at may alindog ang kaharap ko. Ngayon lang ako na starstruck sa isang babae. Ngumunguya pa siya dahil may bubble gum sa kanyang bibig. Nanginginig na talaga ang kamay ko habang binubuksan ko ang aking folder at agad iniabot ang CV sa kanya. Agad niya itong kinuha. Naka-fake nails at cutics pa siya ng puti. Mukhang malambot at maputi rin ang kamay niya. Tila walang nakahawak pa sa kamay nito. Kaya para na akong pinagpawisan nang malamig. Dahil sa lakas ng s*x appeal ng bago kong boss. Lalo na noong agad niyang tinanggal ang salamin o kanyang shades at binuksan ang Louis Vuitton niyang purse sabay sinuot ang salamin niyang de grado na mas lalo ako nabighani. Napakaganda niyang babae. Mata pa lang niya ay pamatay na talaga. Hindi siya chinita dahil malaki ang mata niya pero makikita mo pa rin ang pagka-Asian Mongol Breed niya. Mukhang anghel na may pagkademonyo dahil sa mapupungay nitong mata na tila mas lalo ako nataranta at nakaramdam ng kaunting init sa katawan. Para maiwasan ko ang madarang ay agad na lang ako nagsalita ng walang pakundangan. "I'm Eric Lavinia Fuuka. I am literate in using computer software such as outlook for emailing, word, access and graduated here in Japan. I can speak Japanese and can read Japanese Kanji..."  Kung ano ano na ang mga sinasabi ko habang binabasa niya ang 'curriculum vitae' ko at ngumunguya pa rin ng bubble gum. Hanggang sa binaba na niya ito sabay tinanggal ang salaming suot na de grado at sinabing, "You're hired Mr. Eric, you can now start tomorrow as my legal secretary and Miss Cecil well help and teach you." Nagulat ako. Ni hindi man lang niya ako tinanong at tanggap na agad ako sa trabaho. Hindi ko alam kung interview ba 'yon. Naging assumero pa ako na baka naguwapohan at na starstruck din siya sa akin kaya tanggap na ako sa trabaho. Grabe siya! Hindi man lang niya pinakilala ang sarili niya. Kaya nang pagtayo niya sa upuan ay agad din akong tumayo at tinanong siya agad. "Aahh... Ma'am, may I know your name please and cellphone number?" Nakita ko na parang nainis at kumunot ang kanyang noo sabay tumalikod at hinarap ako. Nasunggaban na naman ng mata ko bigla ang cleavage at naglalakihan niyang dibdib na puputok na sa tube niya. "Didn't Miss Cecil introduce me to you?" tanong niya na sarkastiko ang mukha. Napakamot na lang ako sa aking ulo sabay nilisan niya ako at parang nagalit na wala talagang pakialam sa akin. Pagkalabas niya ay sinundan ko siya at pinagmasdan ko ang bawat galaw ng katawan niya lalo na ang tumbong niya na mas malaki pa kay Cecil. Nakatingin lang ako sa takong ng sapatos niya at sa bawat hakbang ay tila huni lang nito ang nag-iingay sa mahabang hallway dahil sa pag-apak nito ng dahan-dahan sa kumikintab na sahig. Ang ganda talaga ng boss ko. Biglang may tumapik sa aking balikat. "Uy! Huwag mo na 'yang pagnasaan! Huwag mo 'yang gawin. Pinapanood tayo ni Big Bro. Tingnan mo mga CCTV sa taas!" pang-aasar ni Ms. Cecil. Agad ako tumingin sa taas at ang dami nga. "Grabe pala rito. Ang gara! Sino pala si Big Bro?" tanong ko. "Siympre sino pa? Edi ang tatay niya. Ang Presidente ng kompanya. Tara, Lunch tayo. Libre ko!" aya ni Cecil ng nakangiti. Agad kami nag-lunch na dalawa. Mabait talaga siya. Parang wala lang at kinalimutan niya ang nangyari sa elevator. Habang kumakain kami ng sushi ay nagtanong na ako ng mga dapat alamin. "Cecil, ilang taon ka na nagtatrabaho sa mga Hatanaka na yan?" Ngumiti si Cecil. "Pang-three years ko na 'to sa kanila kaya medyo kilala ko na mga ugali at sekreto nila." "Ganoon ba talaga boss natin? Masungit pero talagang napakaganda?" tanong ko ulit habang patuloy na lumalamon ng sushi. "Basta malalaman mo rin pagdating ng araw. Ang pag-igihan mo ay makapasa ka sa probation natin na 3 months. Ang laki pa naman ng sahod mo. One hundred fifty thousand Japanese yen agad. Noong ako nga one hundred twenty thousand lang nagsimula tapos nag-request pa ako na taasan nila kaya naging one hundred fifty thousand yen," daing ni Cecil. Biglang may sumigaw na tila tawag kami. "Uy! Si Cecil...kasama niya 'yong pogi!" Pagkatalikod ko ay nakita ko sila. Grupo ng babae at medyo nakilala ko 'yong isa. Ito yung Receptionist na si Tricia at may mga kasama pa siyang tatlong babae hanggang sa lumapit sila sa amin. Nagulat ako at puro sila Filipina. "Eric, kilala mo na siguro ang Receptionist. Siya si Tricia. Bale ito lang tatlo ang hindi. Sila ang mga kasama natin sa Purchasing Department Office pero mas mataas 'yong posisyon nating dalawa dahil Assistant tayo. Ito si Lily, Mia at Penelope," pakilala sa akin ni Cecil. Sabay-sabay silang kumaway sa akin at sabay upo sa table at um-order pagkatapos ay sinamahan kami. "Hi Eric, hindi ka ba nagtataka ikaw lang ang lalaki sa amin?" Pangangatyaw ni Lily at nagtawanan sila na tila gusto akong asarin. "Malalaman mo rin kung bakit! Balang araw..." kindat sa akin ni Mia kaya parang nagtaka ako sa linya niya. Si Penelope naman ay walang imik. Pinakamaganda pa rin sa kanilang lahat si Ms. Cecil para sa 'kin. Dahil nadadala ito ng kanyang kabaitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD