LUMIPAS ang mga araw naging lubusan na nga ang kaligayahan ni Jenny sa piling ni Jason. At katulad na nga ng inasahan na niya simula pa lamang nang maging nobyo na niya ang binata, ang nangyari sa kanila ay naulit na nang naulit, sa hindi na niya halos mabilang na beses. Hanggang sa kung tutuusin nga para na silang mag-asawa, kulang nalang sa kanila kasal. Madalas mangyari iyon sa bahay nina Jason. Dahil nga wala naman itong kasama doon at isa pa doon sila madalas mag-stay. Ang totoo ang lahat ng nangyayari sa kaniya ay purely unintentional. Although sumasagi sa isipan niya na kapag nagpunta siya sa bahay ni Jason ay posibleng may mangyari na naman. Pero hindi iyon ang tipo na nagpupunta sila doon para gawin ang bagay na iyon. Siguro talagang mapusok lang si Jason. At siya naman ay mahi