Tinawagan niya ulit si Debby matapos maputol ang tawag rito ngunit puro ring lamang nang ring ang cellphone nito. Subalit hindi siya sumuko, kailangan niyang paalalahanan ang kaibigang mag-ingat ito. Nang biglang sumagot sa kaniyang tawag.
"Hello, Debby?" agad niyang turan pagkasagot sa cellphone nito. Puro hingal ang naririnig niya sa kabilang linya, parang tumatakbo ang kaibigan niya. "Debby?" ulit niya na kinakabahan na talaga siya.
Nang marinig niyang sumisigaw ang kaibigan ay napasigaw na rin siya. "Debby?! Debby?!" sigaw rin niya sa kabila ng pagsigaw ng kaibigan. Batid niyang hindi na si Debby ang may hawak ng cellphone nito dahil kahit nasigaw ang kaibigan, halatang malayo ito.
"Hello?! Hello?!" sigaw niya sa kabilang linya ngunit isang mala-demonyong halakhak ang kanyang narinig. "Sh*t!" malakas niyang mura. "Kung sino ka man pakawalan mo ang kaibigan ko! Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito kaya ako ang harapin niyo! Mga demonyo kayo!" malakas niyang turan.
"Magkikita rin tayo!" ang nakakatakot na boses ng nasa kabilang linya. Habang rinig niya ang boses ng kaibigang humihingi ng tulong.
"Debby?! Debby?!" sigaw niya sa pangalan ng kaibigan na nagsisimula na siyang maiyak. "Hayop! Pakawalan mo anh kaibigan ko!" sigaw pa pero mukhang pinatay na nang kausap ang tawag niya. Mas lalong napamura nang mawala ito sa linya. Batid niyang nasa panganib ang kaibigan niya.
Bumuhos ang luha para sa kaibigan, umalis ito para makalayo sa gulong maaaring idulot ng kaniyang pagpapanggap pero mukhang nasundan siya ng mga demonyong kalaban niya. 'Mga hayop kayo, Artajo! Hinding-hindi ako titigil!' ngitngit na turan habang pinapahid ang mga luha niya.
Habang nasa sasakyan si Denver ay tinawagan niya si Sky para sa progress ng pinapakuha niyang tao. Kakailangan niya rin ito balang-araw.
"Konting tiis na lang Don Valentino, magtutuos din tayo," aniya sa sarili. Nang makitang parang may nangyayari sa bahay ng babaeng sinusubaybayan ay napaayos siya ng upo. Bukas kasi ang ilaw at aninag mula sa bintana ang ginagawa at kilos ng babae.
Nabaghan siya sa ginagawi ng babae kaya napilitan siyang bumaba ng sasakyan at lumapit sa bahay nito. Nasigaw ito at nang maulinigan ang sinisigaw nito ay nakilala ang pangalang tinatawag nito. Pangalan ng dating ka-boardmate nito, nang timigil na ito ay agad siyang tumalilis papasok sa kotse niya. Kailangan na niyang maging maingat lalo na't nagsususpetsa na ito sa sasakyan niya.
Agad na tumayo si Chelsea at nag-ayos. Pumasok siya sa kuwarto nang mabungaran ang bridal gown. 'Hindi maaari!' inis niyang turan sa isipan. 'Sinunog na kita!' inis na kinuha iyon at pinagmasdang mabuti. Ilalabas na sana niya ang gown nang makita ang nakaipit na sulat.
BEWARE, CHELSEA!
"Mga hayop kayo, hindi ako natatakot sa inyo!" bulalas niyang sigaw.
Muling nag-vibrate ang cellphone niya at nakitang may bagong mensahe galing sa unknown number.
BEWARE, DEVIL HERE!
Mabilis pa sa alas kuwatrong siniyasat ang buong kabahayan niya pero wala siyang nakita. Sa ikalawang pagkakatain ay sinunog niya ang bridal gown.
Habang naliligo ay iniwan ang singsing sa may cabinet niya kasama ang iba pang alahas. Masyado nang nakakaba ang mga nangyayare habang papalapit ang araw ng kanilang kasal. Naisip ang kaibigan at isipin pa lamang na hawak ito ng mga Artajo ay umaahon ang valit sa dibdib. 'Nasaan kaya siya?' katanungang umuukilkil sa kaniyang isipan.
Agad siyang nagtapis ng tuwalya papalabas ng banyo nang makita ang duguang salamin ng kabinet na nakasulat ang mga salitang nagpapaalalang mag-iingat siya.
Nang balingan ang singsing ay halos manlaki ang mga mata nang makita itong puno ng dugo. 'Hindi maaari ito,' hagulgol niya sa prustrasyon. Agad niyang tinawagan si Moneth. Ito lang ang tanging mahihingan niya ng tulong hinggil sa kinasusuungang misteryo.
Tinignan niya rin ang sasakyang laging nakaparada sa katabing bahay naroon pa rin ito. Dumating si Moneth, sinabi niya lahat. Ang kay Debby, bridal gown, sulat at sa dugong sulat sa salaming nakikita rin nito. Kinunan niya rin ng blood sample ito gaya ng mga nauna.
Hindi niya rin maiwasang sabihin sa kaibigan ang tungkol sa sasakyang pinaghihinalaan niyang nagmamanman sa kaniya. Kasama si Moneth ay sinugod nila ang sasakyan.
Inilawan ni Moneth ng dala nitong maliit na flashlight ang sasakyan para makita nala ang loob pero walang tao. "Negative," rinig na turan ni Moneth hudyat na kailangan na nilang bumalik sa bahay niya at pag-usapan ang susunod na hakbang.
Samantala, pabalik na sana si Denver sa sasakyan nito nang makita ang dalawang babaeng nang-uusi sa kotse niya. Napamura siya nang makita si Chelsea. Nagsususpetsa na nga ito sa kanya. Buti na lang pala kumalam ang tiyan niya at kailangan niyang bumili ng pagkain sa malapit na tindahan kung hindi buko na siya nito.
"Makinig ka Chelsea," baling ni Moneth sa kanya ng makapasok sila sa bahay niya. "Hindi natin alam kung sino ang kaaway natin kaya konting ingat lang. Mag-lock kang mabuti," payo sa kanya. "Huwag kang mag-alala, tumawag na ako sa hepe ng pulis sa probinsya ng kaibigan mo. Sa ngayon ay pinaghahanap na siya."
Bumuntong hininga siya. "Hindi ko alam kung sino ba talaga ang nasa likod ng lahat ng ito," naguguluhang turan sa kaharap.
"Sumusuko ka na ba," anito.
"Hindi, basta alam natin na hindi kagagawan ito ng singsing. Pero sino ang nakakapasok ng bahay ko kahit naka-lock ito," aniya kay Moneth.
Tumingin ito habang nag-iisip ng posibilidad. "Nakuha mo ba ang susi kay Debby?" tanong nito.
"Hindi pero not possible, Debby is my friend and she's in trouble now. Beside this is happen already before she left," depensa sa kaibigan.
"Wala ka bang pinagbigayan ng ibang susi ng bahay niyo?" tanong ulit nito. Nag-isip siya pero wala talaga eh. "Konting ingat tayo Chelsea maaaring nasa paligid lamang sila," paalala ni Moneth.
Nang mag-ring ang cellphone niya. Nagtaka ng makita ang numero ni Debby. Tumingin siya muna kay Moneth bago tuluyang sinagot. "Hello?" sagot niya.
Walang sumagot sa kabilang linya. "Hello," sigaw niya. "s**t kung walang magawa sa buhay mo pakawalan mo ang kaibigan ko," inis niyang turan pero putol na ang linya.
Matiim na nakatingin si Moneth kay Chelsea. Tinging hindi mawari. Saka tuluyang magpaalam na umuwi.
Papasok na siya sa opisina niya nang mabungaran si Venus ang pinagkakatiwalaan niya ng kanyang flower shop. Napatingil siya at tinitigan, parang nakita niya ito sa hapunang dinaluhan niya sa mga Artajo noong nakaraan.
'Mayaman ang mga Artajo, hindi siya magpapakababa ng ganito kung isa siyang Artajo,' aniya sa sarili bago tumuloy sa kanyang lamesa.
Habang busy siyang inaayos ang mga bulaklak ay naalala ang tiyahin. Habang inaayos ang mga bulaklak noon laging may hawak na rosaryo, pero mula nang makilala si Valentine hindi na niya na nakitang hawak pa ito.
Sumagi ang isip sa mga rebultong nakita sa isang bodega lang, bago pa ang mga ito. Maaaring regalo ng mga kaibigan. At ang sungay, itim na kandila. Nang halos mapasigaw siya sa pagkabigla nang mag-ring ang cellphone niya. Si Moneth.
"Hello, ano may result na ba?" tanong niya.
"Oo, iisa ang tipo ng dugo sa lahat ng nakuha kong dugo. Sinisiyasat ko pa kung makakakuha ako ng ibang update sa previous victim kung ito rin ang dugong ginamit," rinig niyang turan ng pasimpleng napalingon siya kay Venus.
Nagbawi agad ito nang tingin pero nakita niya kung paano siya tignan nito. Nababaghan man sa kinikilos ng kasama sa trabaho ay kibit balikat lang. Siguro ay nag-alala lang ito sa palagiang wala sa negosyo niya.
Dumating si Vien sa kanyang shop. Nakita niya kung paano sila magtinginan ni Venus kaya lumapit siya sa lalaki. "What brought you here, hon," nalambing niyang turan sa lalaki.
"Nothing just wanna see you," malambing din nitong turan sa kanya. Total linggo naman ay yayayain niya ang lalaking magsimba. "So, can we eat out," yaya nito sa kanya.
Tumango siya. "Sure but I think we better drop to church first, hon. Oarang ang tagal ko nang hindi nakakapasok sa bahay ng Diyos," sadyang turan sa lalaki. Masyadong misteryoso sila, masyado nilang pinangingilagan ang Diyos.
Nakita niyang parang natigilan ito sa sinabi niya. 'Wala ka bang kinikilalang Diyos?' aniya habang naniningkit ang mata niya.
Samantala sa mansyon ng mga Artajo. Habang palalim ng palalim ang gabi, dalawang anino ang pangahas na pumasok sa misteryosong masyon. Mabilis na nagpulasan ang mga anino nang may marinig na mga yabag.
Naghiwalay ang mga anino para mahalughog ng mabilis ang buong mansyon sa lawak nito. Walang makita ang mga ito na magtuturo sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng mga babeng nauugnay sa mga Artajo.
Nang mapasukan ng isang anino ang kuwarto kung nasaan ang sanctuario ng mga Artajo. Lumapit siya sa altar. Sa lamesa nakalagay ang isang samurai o espada. Sa harap naroon ang sungay ng usa at ang letter V simbolo ng pamilya Artajo.
Napaigtad ang anino nang biglang lumagitik ang pintuan tanda ng may papasok sa kinaroroonan niya. Mabilis siyang nagtago. Nakita niyang pumasok ang isang naka-wheel chair na matanda.
'Sh*t!' mura ng anino. 'Hindi maaaring buhay pa ito?' anito sa sarili. Nakita niya rin ang matanda na ring lalaking tinulak ang wheel chair papunta sa altar. Namangha siya sa nakikita dahil pagdating ng lalaking naka-wheel chair sa altar ay bigla itong lumakas at tumayo.
Nakita niya rin itong nakailang nag-antanda sa altar nila. Humalik sa harapan ng mukha ng usa. 'Ito ba ang diyos-diyosan nila?' hindi makapaniwalang turan.
Hindi namalayan nang anino sa pag-usog nito ang matutumba ang isang bagay. Kumalansing ito upang mapukaw ang konsentrasyon ng dalawang lalaki sa ginagawa.
Hindi niya alam kung saan siya tatakbo, hindi siya maaaring mahuli ng mga ito. Wala daw nabubuhay o nakakalabas sa mga mansyon na itong nakakaalam ng lihim nila.
Kinabahan ang anino nang makitang papalapit sa kanya ang isang lalaki. 'Sh*t!' mura sa sarili. Mabubuko pa yata siya.