bc

The Sorcerer's Ring

book_age16+
592
FOLLOW
1.4K
READ
adventure
revenge
dark
others
witch/wizard
mystery
scary
detective
realistic earth
horror
like
intro-logo
Blurb

How could you escape to a curse given by inheritance, a legacy? A ring that will tie to every woman in your blood will bound to be in just one fate. Death!

Si Chelsea ang ika-pito na babae na mapapasama sa babaeng mapapabilang sa pamilya Artajo. Susubukang alamin ang misteryo kaugnay sa sinasabi nilang sumpa at kung bakit mamatay ang bawat babaeng pinapakasalan ng isang Artajo men.

Sa pagtuklas sa misteryo ng pamilya Artajo ay makakadaupang palad si Tiburcia Masangkay, ang babaeng tunay na nagmamay-ari ng singsing. Ang singsing na dahilan ng kabiguan niya sa pag-ibig, ang singsing na simbulo ng pagtataksil ng lalaking pinakamamahal at ang matalik na kaibigan at ang singsing kung saan ay sinumpa na ang lahat ng babaeng mapapabilang sa mga Artajo ay mamamatay.

Kamatayan para sa lahat ng babaeng iibig sa mga Artajo! Kamatayan para sa nabigong pagmamahalan.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: The Ring
"Are you sure?" mariing tanong ng kaibigan niyang si Debby. "My God, Chelsea! This is marriage, it's not a joke," dagdag pa nitong turan sa kanya. Pero buo na ang pasya niya. She will marry Vien, para malaman niya kung totoo ang sabi-sabi tungkol sa pamilya nito. 'Hindi ako titigil hanggang hindi ko napapatunayan ang tunay na pagkamatay ng aking tiyahin,' ngitngit niya sa kanyang sarili. Hindi siya naniniwalang namatay ito dahil sa isang sumpa. Kaya heto siya ngayon handang tahakin ang landas ng kanyang tiyahin. 'Is it true that this ring will lead me to death?' tanong sa isip habang nilalaro ang singsing na binigay ng kasintahan. "Ano ang meron ka na lahat ng babaeng nadidikit sa pamilya Artajo ay namamatay?" aniya habang matamang tinitignan ang singsing. Ayon kay Vien, matagal na matagal na raw nagpasalin-salin sa kanilang pamilya ang singsing. Tradisyon na nilang ibigay sa babaeng mapapakasalan ng lalaki sa pamilya nila. At ang unang anak na lalaki ang magmamana ng singsing, it was Vien. After four years, na walang kinasal na lalaki buhat sa pamilya nito. Naramdaman niya ang pagyakap ng lalaki mula sa likod niya. Katatapos lang ng engaged party nila kaya naroroon pa siya sa bahay ng mga Artajo. "Happy?" tanong nito buhat sa kaniyang likuran. "Yeah," iksing sagot niya. 'Kailangan kong gawin ito para sa katotohanan at hustisiya para sa aking tiyahin. It's been a decade of waiting, a decade of planning. I will do everything, para malaman ang misteryo na nasa likod ng pamilya Artajo,' aniya sa kaloob-looban. Hindi pa siya pumayag kay Vien na magsama sila kahit gusto na nitong sa mansyon nila siya tumira, hindi pa kasi siya handa lalo pa at wala pa silang kongkretong plano ni Moneth. Mabuti na lamang kapag ganoon ay walang nagawa si Vien kapag igiit niyang huwag muna. Saka na lang sila magsasama kapag tuluyan na silang nagpakasal. "Are you sure?" ulit muli ni Debby nang makauwi siya sa boarding house nila. "Yes! Wala nang atrasan, nasimulan ko na eh," aniya sa kaibigan. "Natatakot ako para sa'yo, girl. Paano kung totoo ang sumpa?" naiiyak nitong kumbinsi sa kanya. "If it's true, I am ready, pero iba ang feeling ko Debby parang may mali. Isipin mo kung talagang may sumpa ito, bakit hanggang ngayon nagpapasalinsalin pa sa kanilang lahi?" Pag-aanalisa niya sa mga pangyayari. Biglang natigil ang usapan nila nang biglang lumagabog buhat sa kung saan. Nagtingin silang dalawa saka hinanap kung saan galing ang tunog. Pero wala silang nakitang bumagsak o anumang bagay na dahilan o lumikha ng ganoong uri ng tunog. May kaba man pero pinilit nilang ituon ang pansin sa pinag-uusapan. Bumalik sila sa pinag-uusapan nila. "Bakit hahayaan nila ang asawa nilang mamatay dahil lamang sa isang tradisyon o sumpa? Ibig sabihin noon ay hindi nila mahal ang mga babaeng papakasalan nila para hayaan na lamang na basta-basta na lamang mamatay?" dagdag pa sa kaibigan habang nasa sala sila. Natigilan ito at nagsimulang mag-isip. Alam nito ang dahilan nang pagpasok niya sa buhay ni Vien. Para sa katotohanan at hustisiya para sa tiyahin. Ang tiyahing nagpalaki sa kanya mula noong maulila siya. Akala niya, hindi na magpapakasal ito kasi trenta'y singko na noon. Then Valentine came, Vien's uncle. Her aunt fell in love and they decided to get married. She was twelve years old at that time, her aunt was very much excited about her upcoming wedding. She almost used to live at Artajo's mansion after their engagement. Then suddenly news came that she was died as others were. That every woman tends to be married to Artajo's men shared with one fate. Death. It was a curse of a ring. A legacy. "Pero girl, hanggang kailan ka mabubuhay ng ganyan. Ako ang natatakot para sa'yo," alalang turan ni Debby. Ngumiti siya sa kaibigan. "Basta kapag, nakasal na ako't hindi mo na nakikita. Ipagdasal mo na lang ako," biro sa kaibigan. Nakita niyang napalunok ito. "Huwag ka ngang magbiro d'yan?! Seryoso ako eh," anito sabay hampas sa kanya. Ganito silang magkaibigan nang bigla itong natigil. "May naalala ako," sabay baling sa kanya. "Kanina nang nasa bahay ako ng mga Artajo, napansin ko ang isang sungay ng usa," anito na bakas ang takot sa mukha dahilan upang magbunghalit siya sa tawa. Nadadala na yata ito sa kabang nararamdaman. Tumitig si Debby sa kanya. "Totoo, girl! Alam kong normal lang 'yong sungay ng usa pero ang pinagtataka ko ang itim na kandila at parang may bibliya na hindi ko mawari kung bibliya ba o hindi kasi hindi ko mabasa ang nakasulat. Para itong simbahan kong tutuusin pero imbis na larawang ng Diyos o Mama Mary ay sungay ng usa ang nasa altar," marubdob nitong wika sa kanya na kumuha ng kaniyang pansin. Hindi pa niya nakikita 'yon. "Saan mo 'yan nakita?" curious na tanong sa kaibigan. "Isang kuwarto siya, girl. Hindi ko alam kasi ihing-ihi ako kanina. Sa kahahanap ko ng CR ay aksidenteng napasok ko iyon," wika pa nito at ramdam pa rin ang pagbalisa sa bagay na nakita nito. 'Mukhang masyadong maraming misteryo sa mansyon ng mga Artajo?' aniya sa sarili. "Tapos may dumating na matanda, sabing umalis na raw ako bago pa may mangyari sa akin. Natakot ako kaya ang bilis kong nakalayo doon sa kuwarto na 'yon," 'di matapos-tapos na kuwento ng kaibigan na panay ang buntong-hininga nito. 'Anong misteryo ang bumabalot sa inyo? Maaaring hindi ko pa alam pero sa abot ng aking makakaya ay malalaman ko rin,' sa isip ni Chelsea. Masyado siyang nabaghan sa kuwartong tinutukoy ng kaibigan. Malaki ang mansyon ng mga Artajo at hindi pa niya nakikita ang kabuuhan nito. Noong makita niya ang bangkay ng tiyahin niya noon, she was totally burn but her flesh is still intact and she saw a stubbed on her chest. 'I know it wasn't done by an accident or what? In due time I will know it,' pangako sa sarili. Kailangan pa niyang magsanay ng self-defense para may magagamit siya in case na may mangyari sa loob ng mansyon ng mga Artajo kapag tuluyan na siyang tumira roon. Ayon sa datos na nakalap niya, lahat ng lalaking nakikipag-asawa sa mga Artajo men ay sa mansyon tumira. Masyadong mayaman ang mga Artajo. Naglalakihang mga kompanya at establisyimentong pag-aari ng mga ito. 'Talagang mahirap kalabanin', aniya sa sarili. Pero ito ang isang nakakalokong nasagap ng imbestigador na inupahan niya. Lahat ng babaeng dapat pakasalan ng Artajo men ay birhen. Naaalala niya nang minsang tanungin siya ni Vien tungkol sa bagay na iyon. 'Pero bakit?' anang ulit ng isip niya. 'Masyado na akong naaatat malaman ang lahat?' dagdag pang usal sa sarili. Nag-ring ang kanyang cellphone. Si Moneth ang nakita niyang nakalihestrong tumatawag. Agad niyang sinagot ang tawag nito dahil tiyak niyang may kinalaman ito sa mga Artajo. "Hello, Moneth may balita ba?" bungad niya rito. Si Moneth ay kagaya rin niya, naghahanap ng hustisiya para sa kapatid nito. Ate niya ang recently victim ng devil ring pero gaya niya hindi ito naniniwala. Four years ago nangyari sa kapatid at gaya ng Tita at mga iba pa, they're burned with a stubbed on their chest. Sa paghahanap ng katarungan, pumasok ito bilang NBI agent, investigative office siya naka-assign pero kahit wala sa kasong hawak ang Artajo mystery ay naisisingit niya. Para sa kapatid at para sa hustisiyang pinaglalaban. "I just find out from the police office here in Sta. Barbara, I know you won't believe this. Wala akong nakitang any records na may namatay sa pamilya Artajo since the curse of the ring was publicly announced. I even tried to seek on the oldies ospital here," rinig niyang balita nang nasa kabilang linya. "Sh*t!" mura niya sa sarili. "But how come, they said curse started over 6 decade already?" hindi siya makapaniwalang sagot sa kausap. "Yah, but it is possible right? Maybe their old is 80 or 90 years old already?" anitong kalkula ng kausap. "Have you been seen the entire Artajo's mansion?" sabad naman ni Chelsea upang maiba ang usapan nila ng kausap. "No!" anito. Natigil siya noong maalala ang sinabi ng kaibigang si Debby kanina. Sa misteryosong silid na napasok nito, sa sungay ng usa, itim na kandila at librong hindi niya mabasa. "Debby said she find a room in Artajo's mansion. A church looklike but it wasn't God's image, sungay ng usa. Itim na kandila at librong hindi niya mabasa?!" pagkukuwento rito. Narinig niyang napamura din ang kausap. Hanggang sa tuluyan itong magpaalam. Alam niyang malaking tulong ang babae sa paglutas nila ng misteryo sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay. Masyado malawak ang Artajo mansion at malayo sila sa kabahayan. Sa likod ng mansyon at isang masukal na kagubatan na kanugnog ng bundok. 'Kailangan ko na ring siyasatin ang loob ng masyon ng mga ito. Masyado nang maraming nangyayari,' aniya sa sarili. Nag-vibrate ang cellphone niya. Text iyon pero hindi galing kay Moneth o sa mga kaibigan. Na-curious siya sa laman ng text. Binuksan niya at kita ang ka-bold letter lahat na salita. BEWARE! "Sh*t!" malutong na mura ulit sa sarili. Sinubukan niyang tawagan ang numero pero unattended na ito. Lumingon-lingon siya sa paligid pero wala siyang napansing kakaiba. Pumasok na siya sa kanilang silid ni Debby at naligo habang ang kaibigan ay abalang naghahanda ng kanilang agahan. Gaya nang nakagawian niya hinuhubad niya lahat ang alahas sa katawan. Nakita niya ang singsing sa kanyang daliri. Kagabi lang ito napasakanya, unti-unting hinubad at inilagay sa gilid ng lababo saka siya naligo. Pagkatapos maligo ay pumanaog siya sa kusina at pagsaluhan nila ni Debby ang niluto nitong almusal. Ganoon lagi ang routine nila. Si Debby ang magluluto habang naliligo siya at siya naman ang magliligpit habang ang kaibigan ang naliligo. Masaya itong pumanaog pataas sa kuwarto nila. Nagsisimula siyang maghugas ng mga pinagkainan nila nang marinig niyang nagsisisigaw si Debby.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Andriano's Fat Baby

read
44.1K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
350.6K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
418.1K
bc

A B***h Virgin (TAGALOG)

read
526.4K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
323.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook