"Haaaaaaa!" malakas na sigaw ni Debby habang nakikita ang dugong dumadaloy mula sa singsing ng kaibigan. Halos takbuhin si Chelsea pataas ng kuwarto nila. Nakita ang kaibigang nakahandusay sa sahig ng banyo nila.
Agad niya itong dinaluhan nang ituro ang kanyang singsing. Nabigla siya sa kanyang nakikita. Dugo ang umaagos galing sa singsing niya. "Sh*t!" mura niya sa kawalan. Hindi maaaring dugo niya 'yon dahil wala naman siyang sugat sa daliri.
Mabilis niyang sinuyod ang mata sa loob ng banyo. Baka may palatandaan kung may nakapasok sa bahay nila. Wala siyang makitang bakas nang may intruder pero may maliit na patak ng dugo malapit sa may pintuan.
Agad niyang tinanong ang kaibigang yakap-yakap niya habang umiiyak. "Hinawakan mo ba ang singsing?" tanong niya. Binaling nito ang ulo tanda ng kasagutang hindi niya ito ginagalaw.
Agad niyang tinawag si Moneth upang kunan ng blood sample ang dugo. "Hindi ako naniniwalang galing ito sa singsing," aniya kay Moneth. "I saw a little stain of blood close to the door. Debby doesn't touch the ring after she saw it," paliwanang sa kausap.
Nasabi niya rin sa babae ang tungkol sa text message na nabasa niya matapos itong tumawag sa kanya. Buti at malapit lang sa kanila ang babae kaya nakapunta agad. Ganito rin siya kadesididong malutas ang misteryo sa singsing.
Nang makaalis si Moneth ay nakita niyang bitbit ni Debby ang malaking bag pababa ng hagdan. Batid na niya ang ibig sabihin noon. Lumapit ito sa kanya para magpaalam.
"Alam ko, ang kaibigan ay hindi nang-iiwan sa gitna ng lahat. Lalong-lalo sa panahong kailangang-kailangan ng kaibigan," bungad sa kanya habang hawak-hawak ang kamay niya. "Na ang kaibigan handang gawin ang lahat para sa kaibigan pero natatakot ako, Chelsea. Mahal kita at ayaw sana kitang iwan pero alam mong ako lang din ang inaasahan ng pamilya ko," naiiyak nitong turan.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito. "Masyadong misteryoso ang bagay na kinasasangkutan mo. Chelsea, may panahon pa para itigil mo ito. Ang buhay ng Tita mo hindi na maibabalik kahit malaman mo pa ang lahat. Hindi mo sila kayang kalabanin, mayaman sila," pangungumbinsi sa kanya ng kaibigan.
Walang salitang namutawi sa bibig niya. Hindi siya maaaring bumitaw, malapit na niyang malaman ang lahat. Anim na buwan na lang ikakasal na sila ni Vien.
"Kung hindi na magbabago ang isip mo. Uuwi muna ako sa amin, Chelsea. Ayaw sana kitang iwan pero kailangan. Kaya mo bang mag-isa dito?" concern na tanong sa kanya.
Malapit na ring tumulo ang luha niya. Napamahal na si Debby sa kanya pero gaya ng babae, ayaw niyang madamay ito sa buhay na gusto niyang tahakin. "Nabuhay akong mag-isa, to the fact that I was twelve years old then. Ngayon pa kayang malaki na ako," pilit na ngiti sa kaibigan.
Ninakap siya nito tanda ng pamamaalam sa isa't isa. "Huwag kang mag-alala, malayo man ako. Lagi akong nasa tabi mo bilang kaibigan, mga dasal at panalangin ko ang gagabay sa'yo," luhaang turan ng kaibigan bago tuluyang umalis.
Siguro'y mabuti na rin ito, hindi rin niya kakayaning madamay ang kanyang kaibigan. Matapos ang lahat ay nagpasya siyang ipasuri ang singsing sa alahera. Kung may kakaiba bang makikita sa singsing. Lahat gagawin niya masagot lamang ang lahat ng katanungan sa kanyang isip.
Matapos busisihin ng isang magaling na alahera ay napag-alaman niyang, ordinaryong singsing lang daw ito. Tunay na ginto, napapalibutan ng diyamante at talagang antigo na ito. Matagal na matagal ito dahil sa petsang nakaukit sa gilid nito.
Sabi ng alahera may nakaukit din daw pangalan sa loob ng singsing. Masyado nang gasgas at sa katagalan ng singsing ay hindi niya mabasa kung ano 'yon? Parang Tiburcio daw ang nababasa nito.
Dumaan siya sa kanyang maliit na negosyo, ang flower shop. Dalawa sila ng tiyahin ang nagtayo noon dahil gustong-gusto ng tiyahin ang mga bulaklak. Maayos at maganda naman daw ang takbo ayon sa kaibigang pinagkakatiwalaan niya.
Masyado na kasi siyang natutuon ang atensyon sa kanyang misyon mula nang sinimulan niya ito. Umupo siya at nag-inat. Hinubad ang singsing sa daliri habang tinititigan ito. Masyadong natutuon ang atensyon sa singsing nang hindi namamalayang pagdating ng lalaking mapapangasawa niya.
"You seems really think about people say about our ring, huh," wika ng kasintahan na matiim na nakatingin sa kaniya. "Do you really believe about that story?" dagdag pang tanong sa kanya.
Tumingin siya sa kaharap, masyadong defensive ito sa isyu ng singsing. "Don't worry, if you think it would be my ground to backout on our marriage. You're wrong. I will probe to them, there's no curse!" desididong wika saka ngiti sa lalaki.
Nakita niya rin ang pagsibol ng isang ngiti sa labi nito. Siguro'y akala na napaniwala siya nito. 'Itutuloy ko ang kasal hanggang makuha ko ang kasagutan sa lahat ng katanungan ko at katarungan para sa lahat ng babaeng namatay sa maling espikulasyon,' aniya sa isipan.
"Narito nga pala ako kasi gusto ni Mamang dumalo ka sa isang hapunan sa amin, para makilala mo na rin ang ibang kapamilya. Hindi kasi nakadalo ang iba noong engagement natin," yaya sa kanya.
Guwapo si Vien, typical na galing sa mayamang pamilya. Siya ang CEO ng Artajo's Trading Inc. Matagal niya nang sinubaybayan ito, inalam ang lahat bago siya pumasok sa buhay nito. May kasintahan ito noong una niyang nakita, hindi niya lang alam kung bakit sila naghiwalay.
"Oh, natutulala ka na naman," agaw atensyon nito sa kanya. Ngumiti siya sa kasintahan para huwag itong mag-usisa kung ano ang iniisip niya.
"Wala, naiisip ko lang ang nalalapit nating kasal," kailang turan niya sa lalaki.
Gaya ng dati ay mamamasyal sila, manunood ng sine at kakain sa labas. Habang nasa sinehan, hindi niya matuon ang isip sa pinapanood. Naalala niya ang isang datos na nakalap niya. Aalamin niya ang dahilan kung bakit kailangang berhin ang mapapangasawa nila.
Pero hindi siya pweding magpahalatang nang-uusisa siya masyado. Na interesado siya sa mga bagay na nagdidikit sa misteryo ng singsing. Sumandig siya sa balikat ng kasintahan at bumulong. "Do you think we can do it already?" aniya sa binata. Napalunok ito sa kanyang sinabi. Initiating pre-marital s*x.
Wala siyang intensyong gawin 'yon, gusto lang niyang makita ang reaksyon nito. Parang normal lang naman na lalaki pero hindi ito nagsasalita. Then suddenly she heard his voice. "Not now, it's not the proper time," sagot nitong nagpangiwi sa kaniya.
'Masyadong santo ang lalaking ganito, dahil ang iba nga 'pag babae na nag-initiate wala nang papalampasing pagkakataon? Masyadong napakaimportante ang pagka-berhin kapag ganito kadesidido ang lalaki,' aniya sa sarili habang pinapakiramdaman ang kasintahan.
Matapos kumain sa labas ay hinatid na siya sa boarding house niya. Napansin nitong wala si Debby, nagkaila siyang may pinuntahan itong trabaho. Masyadong madadamay ang kaibigan kung sasabihin pa niya kung nasaan ito.
Kaalis lang ni Vien nang mag-vibrate ang cellphone. Hindi nakalihestro ang numero. Agad niyang binuksan ang mensahe. Gaya ng una. Bold letter lahat.
BEWARE, DEVIL!
"Sh*t!" bulalas niyang mura. "Kung sino ka man hindi ako natatakot sa'yo!" turan sa kawalan.
Agad niyang tinawagan ang numero pero gaya ng una ay unattended na ito. Sinubukan niya ring replyan ito.
"Kung sino ka man, hindi ako natatakot sa'yo!" halos pasigaw niyang turan.
Dali-dali siyang pumanaog sa kuwarto niya. Nang mabungaran ang isang bridal gown na puno ng dugo. Tinitigang mabuti ang bridal gown, ito ang bridal gown na sinukat niya last month sa bahay ng mga Artajo.
'Bakit puno ng dugo? Bakit ito nandito?' tanong sa sarili. Pagbuhat sa kahon ay naglaglagan ang mga larawan ng mga babaeng suot ang iisang gown.
Mabilis na dinampot ang mga ito at inisa-isang tignan. Anim na larawan, anim ba babae, babaeng iisa ang kapalaran.
"Sh*t!" himutok sa sarili. Agad niyang tinawagan si Moneth, kahit natutulog na ito ay pumunta pa rin sa kanya ng sabihin ang tungkol sa duguang gown at mga larawan.
Nakita niya ang masayang ngiti ng tiyahin niya sa larawan suot ang gown, maging ang kapatid ni Moneth. Nakita ang pagdilim ng mukha ni Moneth ng masilayan ang larawan. Sa likod ng larawan kasi ng Ate Monica nito nakalagay ang katagang sino ang susunod rito.
Tumingin si Moneth sa kaniya. "Masyado nang maraming nangyayari, ikaw ang puntirya nila ngayon dahil alam nilang ikaw ang susunod. Kaya mo pa ba?!" matiim na tanong nito sa kanya.
"Bago ko sinimulan ito, tinanim ko na sa puso't isip ko na kakayanin ko hanggang sa huli!" matatag na sagot niya sa kaibigan. Kinuhanan niya rin ng blood sample ang gown bago tuluyang umalis.
Sinunog niya ang duguang bridal gown saka tinawagan si Vien. "Kung ito ang gown na sinuot ko sa kanila ibig sabihin ay wala na ito!" aniya sa sarili. Tinawagan ang kasintahan at sabihing gusto niyang isukat ulit ang gown niya kapag nagpunta siya sa mansyon ng mga ito.
Nakahiga na siya sa kama niya pero ayaw siyang dalawin ng antok. Nakailang baling na siya sa kanyang kinahihigahan nang mag-vibrate ang cellphone niya. Habang hawak niya ito nang sunod-sunod na nag-vibrate iyon. Nang matapos mag-vibrate ay agad tinignan at inusisa. Anim na mensahe ang dumating sa kaniya.
BEWARE, LIZA
BEWARE, CALITA
BEWARE, SANDRA
BEWARE, MATILDA
Hanggang sa makita niya ang pangalan ng tiyahin niya.
"Beware, Felomina," nanginginig na basa sa pangalan ng tiyahin. "Beware, Monica," tukoy sa kapatid ni Moneth at halos mapasinghaps siya nang biglang mag-vibrate ang hawak na cellphone. Katunayang may dumating na mensahe sa kaniya.
Tila nagdadalawang-isip oa siya kung bubuksan ang huling mensahe ngunit nanaig ang kuryusidad sa kaniya. "Beware, Chelsea!" basa sa kaniyang pangalan. Naningkit ang mata niya nang makita ang kanyang pangalan sa huling mensahe.
Halos hindi siya makahinga sa mga nangyayari. Kaya minabuting lumabas muna siya sa verandang kanugnog ng kanyang kuwarto para makasagap ng hangin.
Matagal-tagal nakatayo habang nakahalukipkip at nakatingin sa kawalan nang mapansing parang may matang nakatingin sa kanya.
Nilibot niya ang kanyang mata. Gaya pa rin naman ng dati, tahimik ang mga kapitbahay sa villa na iyon. Bagaman hindi niya kilala lahat ang kabitbahay ay batid na nakikiramdam din ang mga ito. Kahit pa sabihing may kanya-kanyang buhay kumbaga.
Pero parang may humahatak sa kanyang pakatitigan ang sasakyang nakaparada sa katabing bahay. 'May garahe naman bakit sa labas pa ginagarahe sasakyan nila?' tanong niya sa sarili pero sabagay normal na 'yon mula nong lumipat siya doon ay doon na rin nakagarahe sa tuwing sasapit ang gabi.
Sa loob ng sasakyan naroroon ang isang lalaking matagal nang nagmamatyag sa kanya. Mula noon hanggang ngayon ay patuloy na sumusubaybay sa kanya.