Chapter 8 ANGIE's POV: NILOKO. PINAGPALIT. NASAKTAN... NAG-GYM. Iyan ang proseso ng buhay ko ngayon. My lifestyle has changed. Malaki ang binago ko sa sarili ko. Hindi ako nag-aksaya ng oras sa pagda-diet. Alam ko na hindi madali ang ganitong proseso. Hindi madali ang magbawas ng timbang. Pero nagpursige ako. Patuloy pa rin ako sa pagsabak sa gym. Umaasa na papayat at magiging sexy katulad ng mga babaeng nasa billboard. Ayoko kasing pantayan si Andrea. Gusto kong higitan siya para manghinayang nang husto si Mark. Sa sobrang pagpupursige ko at pagseseryoso ko sa gym ay hindi ko namalayan na halos magdadalawang buwan ko na pala itong ginagawa. I focused on myself. Ni ayoko nang alamin pa ang tungkol sa dalawa. Dahil baka isipin ni Andrea ay masyado akong patay na patay sa binata. Kaya