Chapter 9 MARK POV's: "I WANT TO MARRY YOU MARK, AS SOON AS POSSIBLE. Bakit ba ang hirap para sa'yo na pakasalan ako? Akala ko ba, we talked about this na? Pero bakit kailangan na paabutin pa ng isang taon bago tayo ikasal? Yung totoo, gusto mo ba talaga ako panindigan o hindi?" Ito ang katagang binitawan ni Andrea na paulit-ulit niyang nirerequest sa akin. Halos dalawang buwan ko na itong naririnig mula sa kanya. Medyo naririndi na rin ang aking tenga dahil para siyang sirang-plaka na hindi napapagod sa pagpapaalala nito na dapat daw kaming magpakasal. Napag-usapan na namin ito noon pa man nang ibalita niya sa akin na nagbunga ang aming pagtataksil sa kanyang pinsan na si Angelie. Nagawa ko kasing lokohin si Angelie ng isang gabi dahil na rin sa init ng katawan na hindi ko napigilan.