Chapter 17 MR. ARTHUR's POV: It's another day again Panibagong araw para sa panibagong trabaho. Nagising ako sa oras na alas syete ng umaga. Kaya agad akong kumilos para ihanda ang aking sarili na pumunta ng kompanya. Mahalagang araw ito sa akin dahil ito ay araw ng lunes at alam kong marami akong trabaho na gagawin. Tiyak na tambak na naman ang meeting na pupuntahan ko para sa mga investor ng aming kompanya. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi na ako nag-aksaya ng oras na makisalo sa almusal na hinain ni Manang. Kailangan ko kasing agahan ang pagpunta roon dahil ayoko namang pinahihintay si Miss Gie. Tiyak kasing naroon na siya sa kompanya dahil ito ang naging bilin ko sa kanya na dumiretso na siya rito sa kompanya at dito na lang kami magkita. Kaya pagdating ko sa kompanya, siya aga