Habang nagmamadali kaming umalis palabas ng kwarto ko upang puntahan na agad ang lola ni Jade, para malaman ko kung ano ang nangyayari sa akin ngayon. Pero naabotan kami ni manang Elsa pagbaba namin sa hagdanan. "Saan kayo pupunta? At parang nagmamadali yata kayo!" Wika ni manang Elsa. "M-may pupuntahan lang po ako manang. Babalik rin agad ako." Sagot ko kay manang at habang binibigkas ko ang bawat letra ay nanalangin akong hindi magtanong pa si manang ng iba pa at baka kami'y magabihan sa daan. "Oh! Sige. Pero wag kayo magpapagabi hah! Ikaw Fatima, alam mo naman kung ano nangyari pagkatapus nung hindi ka umuwi ng isang gabi!" Pagpapaalala ni manang. "Opo. Hindi na po yun mauulit." Paglalambing kong sagot kay manang. At pumayag naman siya kaya umalis agad kami. Kung ano man ang magiging
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books