"Siguradong mag e-enjoy kayo!" excited na tono ng boses ng babae na katabi ni daddy na nakaupo sa dulo ng bangka. Nag-smile na lang ako para ‘di naman siya mabastos. Hindi ko pa rin siya kasi kilala at kung siya man ‘yung mommy ni Fatima, I'm sure na nagmana si Fatima sa itsura niyang sobrang ganda pero parang hindi rin kasi. Dahil parang hindi sila close ng lalaking katabi ko.
Habang patungo kami sa isla sakay-sakay ng maliit na bangka na kaya naman kaming anim na isakay dito. Napaisip ako, naalala ko tuloy ‘yong mga bonding moments namin ng pamilya ko noon kasama si daddy Joel at mommy Romina. Nang sakay-sakay din kami ng bangka noon sa may sapa noong nasa probinsya pa kami nakatira ng parents ko. Hindi pa kami mayaman. Ang saya ng mga araw na ‘yon na hindi ko kayang kalimutan at burahin sa alaala ko.
"Andito na tayo, Fatima." biglang malakas na boses ang bumulyaw sa tainga ko. Pagkatapos bigla akong napatayo at napaapak sa buhangin dahil sa gulat. Subalit, hindi ko naabot ang buhangin na sanhi nang muntik kong pagkahulog.
“Ay!” napasigaw ako dahil sa gulat at sa pag-aakalang ako'y masudsud sa buhangin.
Napapikit ako, naramdaman kong parang may kakaibang nangyari. Pinisil-pisil ko ng bahagya kung ano ang aking nawakan at ako'y napahawak dito ng madiin. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at napagtanto ko na ako'y nakahawak sa isang matipunong braso at nang tingnan ko ang mukha ng lalaking nakasalo sa akin. Si Anthony pala, nasalo niya ako mula sa pagkahulog.Ngunit ang expression ng kanyang mukha ay gano’n pa rin, walang pagbabago, laging nakasimangot.
"Bakit ba ang clumsy mo, weak!" pang-aasar niya sa akin habang binaba niya ako bigla at buti na lang nakatayo agad ako. Para akong na estatwa sa sinabi niya.
"Weak . . . weak . . . weak", paulit-ulit na kong naririnig sa aking isipan. Hindi ako mahina, hindi ako mahina, hindi ako mahina! Napatingin ang mga taong nakapaligid sa amin. Akala siguro nila nababaliw na ako dahil napasigaw pala ako nang pagkakasabi. Sobrang nahiya ako sa ginawa ko buti na lang at wala na si daddy at ‘yong kasama niyang babae rito. Baka napagalitan na naman ako ni daddy.
"Ano bang nangyari Fatima?" tanong ni Manang Elsa sa akin na halatang nagulat din sa ginawa ko.
"Tara na, Manang." pag-alok ko kay Manang sabay hablot sa mga dala niyang tupperware na naglalaman ng pagkain. Habang ang freak stupid kong kapatid nakangisi lang sa gilid ko na parang masaya siya sa nangyari. Pero in fairness, ang cute niya pag ngumiti siya, weirdo naman.
"Daddy, I'll just take a walk. May tatawagan lang ako." nagpaalam ako kay Emilio pagdating namin sa cottage para tawagan si daddy Joel at pumayag naman siya.
"Pero ‘wag ka lumayo, hah. Dadating ‘yong ninong mo rito." bilin ni Emilio.
Naglakad ako papalayo sa cottage kung saan malapit lang sa beach. Pumunta ako sa may pool para maghanap ng signal, medyo walang signal dito kaya nag hanap-hanap ako. I dial the number that I called a while ago.
“Hello?" sinagot ni daddy pero parang kakaiba ang tono ng boses niya. I think he isn’t my dad. Pero sinubukan kong kausapin.
"Ahm, nandyan ba si Joel Berjame?" tanong ko sa kabilang linya.
"Sino po sila?" sinagot niya ako ng patanong din. Nakakainis. Pero kailangan kong maging humble for the sake na makausap ang pamilya ko.
"A client, I want to talk to him. Just an important matter with regards to our business."
"Hindi niyo po ba alam na . . .,” bigla akong kinabahan sa sinabi niya, “. . . matagal ng patay ang Berjame Family. Pagkatapos sa nangyari sa anak nila, plano sana nilang tumira sa States. Pero sumabag ‘yung airplane na sinasakyan nila at ako po ang caretaker ng bahay nila." malungkot na pagkakasabi ng matandang boses ng babae.
"Hello . . . hello?" paulit-ulit na sabi ng babae ngunit hindi ko na siya pinakinggan at binaba ko na ang tawag.
Hindi ko alam kung ano dapat ang maging reaksyon nang marinig ang tungkol sa pamilya ko. Sobrang sikip ng dibdib ko, hindi na ako makahinga. Paano na ang buhay kong ito kung wala na rin naman pala ang mahal ko sa buhay. Wala na akong babalikan. Nag-umpisang tumulo ang mga luha ko. Ilang taon na ba ang nakalipas at nawala na agad sila.
"Fatima, bakit ka umiiyak?" pagtatakang tanong ni manang Elsa sa akin habang nakatayo siya likuran ko, hihinahaplos ang likod ko, trying to comfort me. Wala na akong naisagot sa kanya kundi ang yakapin lang siya nang mahigpit para maibsan ang sakit na dulot ng malaman kong wala na pala ang mga magulang ko.
Makalipas ang ilang minuto, medyo napapawi na ang ang sakit ng dibdib ko marahil sa haplos ni manang Elsa na ramdam ko rin na parang hindi ako nag-iisa.
Tinanong ulit ako ni manang Elsa, "Ano bang nangyari sa ‘yo? Bakit ka umiyak?"
"Namatay kasi lolo ng kaklase ko before."
"Ah, gano’n ba? Kawawa naman ‘yong kaklase mo!"
Habang naglalakad kami pabalik sa cottage, nakita ko agad na may isang lalaking nakasuot ng magarang damit, kulay itim na tuxedo. Sobrang formal ng kanyang dating.
"Oh, heto na pala ang inaanak mo kompare!" Emilio said while holding my shoulder.
"Sobrang laki na pala nitong inaanak ko." sabi ng matandang lalaki sabay tapik sa ulo ko na para akong aso. "At ang ganda pa. Manang-mana sa nanay niyang si Amanda." he added.
Ngumisi na lang si Emilio na parang he felt awkward sabay nakaw-tingin sa babaeng nasa loon ng cottage, nag-aayos ng mga pagkain namin.
"By the way pare, let's eat. Naghanda ako sa loob ng pagkain, just for us." alok ni ninong bilang pagbawi niya kay Emilio.
"But we brought foods too." Emilio insisted while ninong acted na aalis na sana, ngunit lumingun si ninong at he said. "Dalhin niyo na lang ‘yan lahat sa loob. I'll prepare a room for all of you." sabi ni ninong.
Pagpasok namin sa isang maliit na hotel na may tatlong floor. Sobrang ganda na hindi mo akalaing sa liit niya, naliliitan kasi ako kompara sa mga bagong buildings, malls, and resorts na halos magmukhang tower sa haba at laki. Ang mga bulaklak na rosas na halatang bagong bili at ang mga staffs nila sobrang ganda nang mga ngiti like we’re all welcome everyday dito.
"Kain na kayo. After nating kumain may surprise ako sa inyo." sabi ni ninong na parang excited siya sa tono nang kanyang pananalita. Kaya kumain lang kami nang kumain, lakas kong kumain dahil gutom na gutom talaga ako. Hindi ko alam kung ano kinakain ni Fatima at parang wala akong kain kung kumain, eh, sobrang yaman naman ng pamilya niya.
"Baboy ka na pala ngayon?" may biglang nagsalita sa right ear ko kasabay ang mahina niyang tawa. Lumingon ako sa left side ko para tingnan kung sinong abnormal nagsabi n’on. Ang weirdong freak na naman, eh, sino pa ba aasahan kong mang-aasar sa akin. I stared him like gusto ko na siyang tusukin ng fork na hawak-hawak ko.
"Anthony, stop it! Nasa harap tayo ng kainan and mahiya naman kayo sa ninong mo, Fatima!" bulyaw ni Emilio na nakaupo sa harap namin katabi n’ong babae niya.
After namin kumain. Nagpaalam muna ako saglit kay manang Elsa na pupunta lang muna ako sa banyo to fix myself kasi parang ramdam ko na, hindi na ako fresh. So, pumunta ako sa banyo. Syempre hindi ko pa alam pasikot-sikot dito kaya nagtanong ako sa isang babaeng nakatayo malapit sa amin.
"Ate, saan ba dito ang c.r. ninyo?" tanong ko.
"Ah, straight ka lang po rito ‘tapos sa dulo may sign na po diyan kung saan ka liliko." sagot niya na sobrang kalmado lang ang boses.
I followed what she said ayon sa direction na tinuro niya. Kaya madali ko na lang nakita at narating ang banyo nila. Pumasok ako sa banyo and I saw someone fixing her make up, retouching. She smiled when she saw me sharing mirror with her and I smiled back to show some respect.
Pumasok muna ako sa cubicle para umupo muna, hintayin ko lang siyang matapos. Nakakailang din kasi pag may nakatingin sa ‘yo, diba? Nagsara na ang pintuan kaya lumabas ako para tingnan kung may pumasok ba o lumabas na ba siya. Confrm, lumabas na nga siya marahil wala na ang bag at katawan niya rito. I look on the mirror to see my reflection. Sobrang nangingibago lang ako sa itsura at katawan ko. I keep on thinking kung paano ako napunta sa katawang ito. Did I possess her body o kinulam ako? Sumakit na ang ulo ko sa kakaisip at may biglang kumatok.
"Sino ‘yan?" tanong ko sabay tingin sa pintuan.
"Tawag ka ni daddy. Ang tagal mo, para kang natutulog na baboy diyan." sabi ni Anthony. Sinabayan pa ng pang-aasar. Kainis talaga. Nang hilamos muna ako bago lumabas, kumuha ako ng tissue na nakalagay lang sa gilid ng salamin. Pinunasan ang mukha ko. Paglabas ko ng pintuan, nakatayo lang siya sa harap ng pintuan at pinakita niya sa akin ang nakasimangot niyang mukha. Signature na niya siguro ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na sa dining room.
"Nandiyan ka na pala, Fatima. Hali na kayo may ipapakita ako sa inyo sa labas." sabi ni ninong. Saktong-sakto, paglabas namin ng building may pumutok sa langit na may iba't-ibang kulay – fireworks. Is this his surprise?
I almost forgot to tell. Newly open pala nila nitong resort ngayong araw kaya may pa-fireworks si ninong to kick out all bad luck and bad spirits daw ayon sa mga beliefs nila. Nag-enjoy naman ako sa panunuod hanggang sa nakaramdam na ako nang pagod kaya umupo muna ako sa gilid ng pool para makapagpahinga.
"Ang ganda ‘no?" may biglang nagsalita sa right side ko. Boses ng isang lalaki. Base on his voice tone, I can say already that he has a pretty face. I turned my head to see him. Ayon nga hindi ako nagkakamali, ang gwapo niya.
Pero, ‘di ko masabi kung ano kulay ng balat niya dahil walang gaanong ilaw dito sa pool dahil pinatay para mas mangingibabaw ang ilaw ng fireworks. But I can still see his long nose, thick eyebrows, and his comforting smile.
"Ah, oo nga." sagot ko sa kaniya na naiilang dahil sa nakatitig pala ako sa kaniya ng ilang minuto rin.
"Ikaw ba ang anak ni ninong?" tanong niya. Wala akong clue kung sino tinutukoy niya.
"Hah?" ang tangi kong naisagot sa kanya.
"I mean, ikaw ba si Fatima Madrigal? Nag-iisang anak na babae ni Emilio Madrigal, ang may-ari ng isang bagong sikat na malaking computer brand sa Pilipinas?" paglilinaw niya na ikinagulat ko. Ako? Isang anak ng sikat na computer brand sa Pilipinas? Napakasikat nga. Syempre malaking pera ang naipapasok at nakukuha ng pamilya ni Fatima.
"Ah, oo. Ako nga." sagot ko sa kaniya. Hindi pa rin ako maka-get over sa narinig ko.
"Excuse me lang, hah. Balik lang muna ako sa kwarto." pagtakas ko sa kaniya. Dami niyang alam, eh. Iniwan ko siyang mag-isa sa gilid ng pool.
"Dad, I'm just going to rest na po." paalam ko kay Emilio sabay kiss sa pisngi niya. Nagulat siya sa ginawa ko. He just nodded.
"Erica, kindly assist Miss Fatima sa kwarto niya." utos ni ninong sa isa sa mga staff niya.
"Let's go, Miss?"
Umakyat kami gamit ang hagdanan. Wala kasing elevator dito. Hindi kasi gaano ka strong ‘yung soil dito. Hindi kakayanin ng island to hold heavier equipment lalo na't elevator, gagalaw ito and that would possibly shake the ground. Guess, I’m fine.
"Nandito na po tayo. Dito po kayo magpapahinga." nakatayo siya sa gilid ng pintuan habang tinuturo ng mga kamay niya. She is showing my room with a welcoming gesture.
"Thank you!" pasasalamat ko sa kanya while holding the doorknob para buksan na ito.
Umalis na siya at pumasok na rin ako. Pagpasok ko, bumungad agad sa akin ang isang medyo enough single size na bed with white bed sheet, white pillow, at puting habol. The light bulb may pagka-orange ang ilaw, may lagayan din ng damit, at lamesa na brown sa gilid ng kama.
Perfect for single person na matutulog dito at tsaka may window pala that made out all with glasses na nakatakip ng gray curtain. Binuksan ko ang kurtina para medyo maging malawak ang paligid ko. Ang ganda ng kalangitan, ang daming stars, and the moon is also stanning. Humiga ako sa bed facing the night sky. I fall asleep.