Hara Berjame was the one and only daughter of successful entrepreneurs in the Philippines, Mr. Joel Berjame and Mrs. Romina Berjame. A simple, talented, smart, and nerdy girl. Isang nerd dahil sa kung paano siya magbihis ng damit at pati na rin kung paano siya makitungo sa maraming tao.
She wasn't bad dahil sa pagiging nerd niya, ang masama lang ay . . . ayaw ng mga student ang klase ng mga ganoong babae lalo na sa generation natin ngayon. Honor student siya simula noong bata pa siya hanggang sa college.
Then, she was graduating na sana that month na namatay siya but because what happened sa tragic na gabing ‘yon, hindi na tuloy. Naudlot ang matagal na gusto ng mga parents niyang makatapos siya sa kursong accounting.
Her family was living in a high-class mansion dahil nga naman sa pagiging successful ng parents niya, nakapagpagawa sila ng bahay. Simula noong mas lumago pa ang business ng parents niya, halos wala na silang oras para kay Hara at naging abala na sa office work.
The day before the tragic night. Nasa bahay lang noon si Hara para mag-prepare sa school niya marahil may pasok pa siya.
"Yaya, ‘asan si mommy?" tanong niya sa katulong nila while preparing for her breakfast.
"Umalis na siya kasama ang daddy mo. Kailangan daw kasi nila pumunta sa office nang maaga marahil may special guest daw for the upcoming graduation mo." sagot ng katulong nila habang nilalapag ang pagkain ni Hara. Nang narinig ni Hara kung bakit wala ang parents niya, mas excited pa ang parents niya sa kanya. They’re all preparing for Hara's graduation yet wala naman silang time to spend with their daugther.
After niyang kumain, hindi nga niya inubos ang pagkaing nakahain sa harapan niya dahil nga nawalan na siya nang gana. Araw-araw na lang kasi gano’n, iba't-ibang rason pero iisa lang ang patutungohan, opisina . . . opisina.
Hara decided to go to school na at baka ma-late na siya sa first subject niya. Kahit na malapit na ang graduation nila, her strict old accounting teacher ay pumapasok pa rin to give them task and other things na kahit pabalik-balik na.
But, wala silang magagawa kundi pumasok at baka ito pa ang maging dahilan ng hindi nila tuluyang pag-graduate.
"Hara, nanriyan na sa labas si manong. Ready na ang car!" tawag ng isa sa mga katulong nila sa bahay.
"Yes yaya, on my way na." sagot ni Hara at kinuha na ang bag niya sa sala. Habang papalabas na sana siya ng bahay nang makita niya ang malaking photo frame sa wall ng bahay nila sa sala with her mother, father, and she.
Hara missing her parents a lot, liked nagagawa pa nilang lumabas-labas ng bahay para kumain sa labas and mag-shopping, bonding together as a family noon. Pagkatapos niyang magdamdam, lumabas na siya ng tuluyan sa bahay at dumiretso na sa loob ng sasakyan.
Early in the morning, paggising ko sa loob ng mansion sa kwarto ni Fatima. Pumunta agad ako ng banyo para magbawas muna nang na ipon kong wastewater sa katawan ko. Tapos tiningnan ko mukha sa salamin and I was expecting na sa paggising ko, nasa katawan na ako. I mean sa sarili kong katawan, ni Hara. Pero ito pa rin, stuck sa katawan ni Fatima. Well, I must accept the fact na ito na talaga ang magiging buhay ko with this body and with this . . . her family. I must live for the purpose na nabuhay pa ako ulit.
I must set goals and objectives para magamit ko ng tama ang life na ‘to. But ‘di ko alam kung sa anong paraan at paano ako kikilos. Do I need to act like Fatima or me? Hays, di bale na. Mabuti na lang at matalino rin itong Fatima.
Hindi ako mahihirapan na makipag-usap at makipag salamuha sa maraming tao. I mean, matalino naman talaga ako back then, and of course, using someone’s body and became the matalino type of girl. That would possibly frighten some of her friends around or even her family. I have the brain and beauty plus mayaman din sila. All I need to do is live this life and stick to the objectives.
Naligo na muna ako para matanggal ang dumi sa katawan na I'm sure my twenty-three percent of bacteria na ang nakakapit sa katawan ko and I'm surely sure na, ew, na ako nito. Yeah, yeah, I'm a health conscious.
Maarte na ako kung tawagin but buti na lang ‘yon kaysa hindi sigurado at baka magkasakit pa ako. Ayaw kong magkasakit ‘no, lalo na't iisa lang ang buhay ko. Pinalad lang akong mabuhay ulit.
“Gosh ang ginaw!” I pushed the hot button para ma-mix ‘yong hot water sa tubig na sobrang lamig.
When the bathtub fulfilled with warm water, nilunod ko na agad ang katawan ko para makaligo na at para matanggal na ang baho ng katawan ko marahil halos dalawang araw na simula noong nabuhay ako.
Tumunog bigla ang phone ko. May nag text. So, I checked it muna kung sino ang nag text. Kinuha ko ang phone sa gilid ng bathtub na nakalagay sa ibabaw ng mesa.
Text Message: Icymie Llanos
“Hey girl. Jorge told me that pumunta ka raw sa opening ng resort nila?”
After kung mabasa ang text ni Icymie, binalik ko ‘yong phone sa mesa. Hindi ko muna siya kakausapin kasi ‘di ko pa siya kilala. Kung sino nga ba siya sa buhay ni Fatima. At nagpatuloy na lang muna ako sa pagloblob sa tubig para makapag-relax. Plano ko kasing pumunta sa bahay namin. Bahay ni Hara Berjame.
Ilang minuto, tumunog ulit ang phone ko. Pero hindi na tunog ng text message lang. Tawag na ang ingay nito. Kinuha ko ulit para tingnan kung tawag nga ba ito. Hindi ko pa kasi familiar ang mga bagay-bagay sa mga gamit ni Fatima. Ito kasing phone niya ang ginagamit ko ngayon, nilagay ko muna yung iPhone na nabili ko sa mall noong pumunta kami sa resort ni ninong, sa loob ng hunos.
Tawag nga. Si Icymie ang tumatawag. Nalilito ako kung sasagotin ko ba o hindi. Ang kulit naman ng babaeng ‘to. Hindi ako masyadong mahilig makipag-usap sa tao, lalo na sa hindi ko kilala at hindi ko pa close. Sinagot ko na lang ‘yong phone para matigil at matahimik na rin ang buthi ng babaeng ito.
"Hello?" sagot ko sa kabilang linya.
"Hoy, Fatima! Bakit ang tagal mong sumagot? Pero never mind, I am going to your place now. We need to go out and get shopping!" bulyaw niya agad sa akin pagkasagot ko ng phone. Wait, what? Pupunta siya rito? Eh, may pupuntahan ako.
"Ah, Icy? May lakad kasi ako ngayon. Puwede sa susunod na lang?" pagbabasakali ko na sasang-ayon siya sa gusto ko.
"No girl, we have to go. Dahil guess what? Jorge has a party this coming Wednesday. So, we have to go and dapat maging mas maganda tayo sa buong babaeng dadalo ng party." sobrang excited na tono ng kanyang pananalita.
So, I guess . . . wala akong choice kundi umoo na lang sa kanya. "Sige, bye na! Naliligo ako, eh." "Good. Para pagdating ko riyan, dapat prepared ka na." sagot niya sabay patay ng phone.
Parang magiging busy ang schedule ko ngayon. Ito na siguro ang umpisa ng pagiging Fatima ko. Kakayanin ko kayang gangpanan ang buhay niya? Kaya ko kayang ma-reach ang nga goals and objectives ko? Tanong sa sarili ko habang patayo ako paalis ng bathtub.
Kinuha ko ang towel at pinunasan ang basang-basa kong katawan. Pagkatapos tinapis ko ito while facing the mirror. Looking my whole image and giving myself more courage to strike my intentions of living my purpose.
Nagbihis agad ako pagkatapos kong maligo. Nagmamadali ako at baka dumating na si Icymie, sabi niya kasi; "on the way" na raw siya. Ano kaya susuotin ko? Naguguluhan na kasi ako sa dami ng damit ni Fatima rito sa loob ng pink niyang wardrobe.
Nag-isip muna ako kung ano pipiliin. Dress na kulay red na hanggang ibabaw ng tuhod o denim pants with plain black t-shirt. In the middle of critical situation, my phone rings and so, I grabbed it immediately. I answer the call. It is Icymie on the other line.
"Hey, girl. I'm on my way in nasa bahay n’yo. You better get prepared; I'll wait you in the sofa. Okay?" she hanged up the phone. Then naisipan kong tingnan ang gallery ng phone ni Fatima.
I'm trying to check kung may mga photos ba siya ng mga sinusuot niyang damit. I'm sure she had lots of OOTD since she is a kind of woman that posting outfits and other social stuffs on social media. Yes! Napasigaw ako ng wala sa oras dahil hindi nga ako nagkamali. Two hundred and thirty photos, almost three hundred. Tiningnan ko kung ano ang pwede kung suotin basi sa kung paano siya magdamit.
So mahilig pala si Fatima magsuot ng dress, while scrolling my phone. Good thing that we have in common. Sobrang dami naming gusto sa life and status ng brain namin. I obviously no wonder, kung bakit sa katawan ni Fatima ako napunta. This body suits my characteristics, except for the part na nerdy ako tapos siya brainy din, pero well sociable.
"Fatima, nanriyan na si Icy sa sofa. She's waiting for you to come down." Manang Elsa said from outside of my room.
"Okay, Manang. Malapit na ako matapus dito." I replied, while putting lip tint on my lips. Eh, parang hindi talaga bagay sa akin ang maglagay ng lip tint and hindi naman kasi ako mahilig maglagay ng ganito, eh.
I'm just trying to put lip tint dahil ginaya ko mukha niya sa phone niya para magmukha talaga akong si Fatima. Pero kasi hindi ako marunong maglagay and it messes up my look. So, I decided na burahin na lang ito at baba na lang. I grabbed my phone and lumabas na ng kwarto.
While heading down and from the stairs, nakita ko agad ang isang babae na kasing edad ko lang pero, halatang medyo matangkad ako. She has a black average hair leveled on her neck, thin eyebrows, small-pointed nose, and wearing a red-brown lipstick. She is totally a high-class kind of a beautiful girl in her outfit. She wore a fit black dress that completely suits her looks.
"Oh, there you are girl!" I've been waiting here for decades." she stumbled and rolled her eyes.
"I'm so sorry girl?” naiilang kong sagot sa kaniya, like hello? Hindi ko pa siya kilala and it's my first time seeing her in person.
Parang madaldal nga siya in person. "So, let's go? pag-aya ko sa kaniya upang makaalis na.
She grabbed my left arm para mahawakan niya ako. Pagtapos hinila na niya ako palabas ng bahay habang naiwan ang ulo ko sa pagkakahila niya sa akin.
"Bye, manang!"
Nasa harap na kami ng isang magarang sasakyan na halatang mamahalin ito. A Mercedes-Benz Maybach Exelero. Well, hindi naman ito ka shock, shock sa akin dahil meron din kasi si daddy nito. Si Emilio Madrigal ang tinutukoy ko. Ganito rin kasi ginamit namin noong pumunta kami sa resort.
Pumasok na kami sa loob ng sasakyan sa may likuran. "Manong, take us to heaven." Icy told her driver with an excitement of her voice. Parang gusto ko tumawa sa pagkakasabi niyang take us to heaven. It was like parang gusto niya ‘atang mamatay because we can only reach heaven if we're already dead, diba.
"Hey, girl! Parang may napapansin ako sayo." she said while nakatitig sa mukha ko ng malapitan. Parang gusto niya ako tunawin sa titig niya. Medyo lumalakas na ang t***k ng puso ko. I'm feeling nervous na. What if?
Nahahalata ba niya na hindi ako si Fatima or what? Imposible naman na malaman niya.
"Uhm . . . what?" I answered her, stammering.
"Bakit wala kang lipstick today?" pagtataka niyang tanong. Hays! Akala ko naman kung ano na.
"Eh, hindi ako nakapaglagay kasi nagmamadali ako." sagot ko sa kaniya at nagbitaw ng malalim na paghinga.
Tumawa siya ng mahina, "You're so different these past few days. You haven't uploaded your summer photos and also, your status sa IG, twitter, f*******:, and pinterest. What's wrong about you?" she asked while fixing herself from sitting.
"I just want some space. Sobrang dami kasing nangyari sa bahay." sagot ko.
Ang dami palang responsible ni Fatima sa buhay niya. It's like, she is caring the whole social media platforms. Kailangan ba talagang updated palagi? Hays. Nakakapagod naman ‘tong buhay na ganito.
"Oh, we're almost there." biglang sigaw ni Icymie sa may tainga ko. I was shocked to death and hurt from her high sharp pitch of her voice. Gosh. Akala ko naman kung ano na nangyari. Napahawak ako sa tainga ko dahil sa sakit. Natawa si Icymie sa ginawa niya and the way I reacted. Nag-smile na lang ako para sabihing okay lang. Che!
Pagkarating namin sa parking lot. May security guard na agad na lumapit sa kotse nang sinasakyan namin to assist the driver where he can park the car. After niyang mag-park ng car, lumabas na kami ni Icy.
"Manong, aalis na kami. Don't follow us na okay. I'll call you later, if tapos na kami. So, you can help us carry our baggage." bilin ni Icy sa driver niya at dumiretso na kami sa entrance.
Nandito na kami sa harap ng main entrance ng mall. So, ito pala ang ibig sabihin niyang heaven. Natawa ako sa sarili ko dahil sa pag-iisp ng negative about sa heaven na sinasabi niya. Without noticing na naiwan na pala ako sa labas ng mall.
"Hey, girl! What are you waiting for?" she shouted from inside of the mall. Nahimasmasan ako nang marinig ko ang boses niyang sobrang lakas. Kaya pumasok na agad ako. Parang mapapahiya pa ako dahil para lang nasa bahay siya kung umusta rito.
Dumiretso agad kami sa Gucci Store. Pumasok kami rito at ayon nga, namili agad si Icymie ng mga damit na puwede naming suotin para sa party. For the 30 minutes plus, she realized na wala palang damit na bagay para sa amin. So, lumabas kami sa store at naglakad patungong boutique.
"Ano pala ginagawa natin doon sa Gucci Store? Eh, akala ko ba magdre-dress tayo?" I asked her confusingly.
"Wala. May tiningnan lang ako." sagot niya at parang kinikilig. Tumingin ako sa Store para tingnan kung bakit siya kinikilig. Wala naman akong nakitang rason para kiligin ‘to.
"Bakit ka kinikilig?" tinanong ko siya ng diretso at pinisil ang tagiliran niya.
"Hah? Nakalimutan muna ba na . . . na si Jorge Hugo ang model ng isa sa mga product ng Gucci?" sagot niya sabay tadyak ng right foot niya at hinampas ako ng bag niya.
"Aray!" pag-react ko sa pagkakahampas niya ng bag sa akin. Jorge? Parang familiar ang pangalan niya.
"Sino nga yun ulit?" tanong ko sa kaniya.
"Jorge Hugo, anak ng ninong mo!" sagot niya sa akin na may halong kalungkutan sa mukha niya.
"Oh, ba’t ka naging malungkot diyan?"
"Hello? Nakakainggit kaya. Sobrang close ng family mo sa daddy niya."
Now, I remembered. Si Jorge Hugo pala ‘yong anak ni ninong na pinakilala niya sa amin noong nasa resort kami. So, Hugo pala ang apelyido niya. Nakaramdam ako nang gutom kaya I invited Icymie to eat muna. I can't ease the hunger anymore.
"Icy, can we eat muna?" while holding my stomach.
"Okay, let's go. Parang nauuhaw din kasi ako. Sobrang hot kasi ni baby Jorge ko!" sabay hablot ng kamay ko and with a big smile on her face.