Andito na kami sa harap ng school. Sobrang dami na ng mga students na papasok na rin sa campus kasabay namin. Habang binubuksan na ng guard ang gate ay kinuha ko muna yung phone ko para tawagan si Icy if she is also going to school. Hinanap ko muna yung phone ko sa bag and sobrang nakakainis dahil hindi ko mahanap kung saan. 'Asan ba kasi ang phone ko.' *Clok... tok!* The car's door opened. I turn my head kung bakit biglang lumiwanag sa loob ng car. "Hindi ka ba lalabas o ikukulong kita dito sa loob?" Pilyo niyang pagkakasabi. Si Anthony pala. Nakatayo na siya ngayon sa labas ng sasakyan at nakaharap sa akin. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa parking lot ng school sa harap ng main building. Alam ko dahil kasi sobrang familiar ng front building. "Ito na lalabas na po ako!" Pa