CHAPTER 20

1029 Words
Nakakainis na talaga itong bwisit na isa na 'toh! Anito ni Carlos. He mad sa mga pagtulong-tulong ng mga kaibigan ni Lalaine sa kanya. Naiirita siya. Nais na talaga niyang sugurin si Carla. Malakas na ang kaba niya mula sa init at galit na pinaghalo dahil sa kadaldalan ni Carla. Nagawa pa kasi ni Carla na pagtawanan si Carlos. Na mas ikinagalit nito. Umaapoy na nga siya sa galit. At kaunti na lang maaari na kumawala. Nagngingitngit na nga mga ipin ni Carlos na parang evil na nakatitig sa mga kaibigan ni Lalaine. Huminga ng mabigat si Carlos habang sinusubukan pa ring pigilan ang kanyang sarili mula sa pasabog na niyang galit. She's annoying. Nanggigigil niyang bulong habang nagsimula na naman magsalita si Carla. “Alam mo, Trisha. Itong lalaking 'to!" Turo nito kay Carlos. She pointed Carlos mula sa mga idinadaldal niya kay Trisha. “Parang walang batuta." “Este!" Napaisip ito na kinangisi niya. “Ahm, pakiwari ko tila ba baka maiksi ang kanyang batuta kaya maging pasensya at ugali niya maiksi rin talaga." aniya na sabi habang ngiting-ngiti siya. Nakuha pang ikatawa ng mapa-hagikhik ito sa tuwa niya ng nagpaparinig siya kay Carlos. Inaasar niya ng todo si Carlos maiganti lang niya si Lalaine sa mga panlalait at pangungutya sa pagkatao ni Lalaine. Habang feeling ni Carlos tuluyan na siya magkakaroon ng kahati sa kanyang mamanahin dahil sa pagpasok sa buhay niya ni Lalaine once na makasal sila. Napalunok si Carla, ang daliri niya she pointed again. Turo nito ay si Carlos pa rin. “Ikaw na brusko ka!" She barely sighed. Habang lumapit pa siya kay Carlos. Hinihila naman siya ni Lalaine habang ayaw magpapigil nitong si Carla. Ang tigas ng ulo at talagang hindi mapigilan sa kanyang ginagawa na pang-aasar. “Tama na!" pakiusap na naman ni Lalaine. Hawak si Carla sa braso. “Please, Carla. Tama na, wag mo na siyang patulan at pansinin." pakiusap na naman ni Lalaine ng maitulak siya ni Carla ng hindi sinasadya dahil sa panggigigil nito. Nakainom kasi. Isa pang dahilan kung bakit hindi ito mapigilan sa pagdaldal niya. At kung bakit makulit na rin ito. “Ikaw na lalaki ka! Wag na wag mong isipin na dahil maikasal sayo si Lalaine. Eh dahil lang sa naghahabol lang siya sa pera mo. For your information. Kahit singko walang interes itong mahal naming kaibigan sa yaman… na mamanahin mo." “Poor Lalaine. Kawawa naman." nang hindi na nga nakapagpigil pa si Carlos at para siyang babae na sinabunutan si Carla. “Ouch!" habang hinila niya pa ang buhok nito. Panay ang palag ni Carla subalit dahil sa higpit ng mga pagkakasabunot ni Carlos hindi siya makawala. Lalo lang siya nasasaktan. “Ano ba! Tanggalin mo 'yang kamay mo sa buhok ko." “Ang daldal mong masyado." furious si Carlos. “Ano ngayon? Hindi ka maka' daldal ano?" “Stupid!" gigil na pahayag ni Carla. “Itong stupid na 'toh aalisin lahat ng buhok mo." “Carlos, tama na! Nasasaktan si Carla. Bitiwan mo na siya." “Ayaw ko!" sagot ni Carlos kay Lalaine. “Please, Carlos." nang si Lalaine na ang pagbalingan nito. Hinila niya si Lalaine ng hindi na ito nakapalag. Nakiusap nalang si Lalaine na wag na silang sundan at hayaan nalang na sumama siya ng maayos kay Carlos. Ayaw man pumayag ni Carla. Wala din sila nagawa ni Trisha at tinitigan nalang nila si Lalaine habang papalayo kasama ng lasing na si Carlos. Tahimik lang si Lalaine habang hindi na napigilan ang luha niya na pumatak. Pinunasan niya gamit ng isang kamay ang tumutulong luha niya. Naiwan niya pala ang bag niya sa bar. Saka lang niya naalala ang naiwang gamit niya ng malayo na sila at hindi alam saan ba siya dadalhin ni Carlos. Hindi alam ni Lalaine kung saan siya dadalhin ni Carlos. Hila-hila pa rin siya nito habang hawak sa braso. Nasasaktan siya, napangiwi habang nararamdaman n'ya ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa kanya. Nakasunod siya at hindi siya makapalag kay Carlos. Alam niya kasing lasing ito at tiyak na marami itong nainom na alak. She hardly sighed habang huminto sila sa isang tabi. “Ang kapal ng mukha mo talaga!" furious, sabi nang balingan nito si Lalaine ng makahinto silang dalawa sa paglalakad. “Nakuha mo pa talaga mag-celebrate?" ingos na sabi na may mapaklang ngiti. Ikinalilag naman ni Lalaine nang akala niya ay tatamaan siya ng kamay ni Carlos. Umangat kasi iyon bigla na akmang sasampalin si Lalaine. Hindi lang nito natuloy. Natigilan agad ni Carlos. Nang maiangat ang kamay at akmang tatama na sana sa mukha ni Lalaine nang mapansin niya ang pag-ilag nang mabilis ni Lalaine. Napapitlag kasi agad nang hindi inaalis ni Lalaine ang tingin niya kay Carlos. Kaya mabilis siyang nakailag ng mapansin agad. Buti nalang hindi pala dahil sa grabe ang kaba na dala n'on sa kanya. Natakot talaga siya na masaktan ni Carlos. “Ikaw na babae ka! Sa tuwing nakikita kita umakyat ang dugo ko sayo." hysterical nito na sabi. Nanggigigil at mapapansin sa itsura ni Carlos. Tila ba irritated si Carlos, at parang wala na sa mga sinasabi. Lasing na nga talaga ito. Dahil sa mga pagkilos at paggalaw niya na pagewang-gewang. Duro ng daliri niya si Lalaine. Subalit napapikit ang kanyang mata. Napapakurap. “Okay ka lang?" tanong ni Lalaine ng mapansin na tila babagsak ito. Sa kalasingan tila ba nagdidilim ang kanyang paningin at napapikit na nga ng paunti-unti ang kanyang mga mata. Pilit naman ni Carlos idinidilat. Subalit mabigat na talaga ang talukap ng kanyang mga mata. “Uy, Carlos!" tawag ni Lalaine ng sinipat niya ito habang napahawak si Carlos sa kanyang ulo. Biglang sumakit ang ulo ni Carlos. Dala ata sa kalasingan. Hindi sigurado, pero iniisip na rin ni Lalaine na baka dahil sa alak at dami ng nainom nito. Gusto sana hawakan ni Lalaine si Carlos. Kaya lang natatakot siya na baka magalit ito. Napaatras kasi bigla si Carlos. Para na ito babagsak sa kanyang pagkakatayo. “Hoy, Carlos!" tawag muli ni Lalaine dito. Pero hindi sumasagot si Carlos at nanatili ito na pilit na initatayo ang kanyang mga binti upang maiwasan ang kanyang pagbagsak sa cemento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD