Girlfriend

1255 Words
CHARM'S POV Wala na si Ma'am Sally kaya medyo nararamdaman ko na ang pressure dito sa loob ng office ni Atty. Xavier. Mukhang wala s'ya sa mood kanina nang dumating dahil sobrang salubong ang mga kilay nito. Pero bakit gano’n? Kahit yata sumimangot s'ya ay gwapo pa rin s'ya. Mukhang kabilang pa yata ‘tong si Atty. Xavier sa iilang populasyon ng mga lalaking pinagpala! "Ay! Palakang pinagpala ng kagwapuhan!" hindi sinasadyang bulalas ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa matinding gulat nang ibagsak n'ya ang mga kamay n'ya sa table. Namimilog ang mga matang napatingin ako sa kanya at nakita kong kunot na kunot ang noong nakatingin s'ya sa akin. "What did you say?" salubong ang mga kilay na tanong tuloy n’ya. "Po? Ano na nga po ‘yon, Attorney?" napatingin ako sa taas at pilit inaalala ang sinabi ko kaninang nagulat ako. Natural na kasi sa akin na nasasabi ko ang mga nasa isip ko lalo na kapag nagugulat ako. Ano na nga ba 'yon? Hmmm... teka... tinitingnan ko lang siya kanina, e. Kasi naman nakakunot noo siya tapos ang hot- Shit! Nang maalala ko ang nasabi ko ay agad akong napatingin sa kanya at bigla ding napatingin sa taas na kunwari ay nag-iisip pa rin at hiniling na sana ay magpalit na lang kami ng pwesto ng butiking natatanaw ko sa kisame ngayon. Halos pagpawisan na ako ng malapot nang mapansin kong hinihintay pa rin n'ya ang sasabihin ko. Ano nga ba ang pwede kong ipalusot para makawala ako sa mapanuring mga mata ni Atty. Xavier? Sasabihin ko bang pinagpala ng ka gwapuhan iyong butiki sa itaas? Bebenta ba 'yon sa kanya? Diyos ko, Charm! Mahilig ka talaga sa butiki! Naalala ko tuloy ‘yong ex-boyfriend kong bukod sa mukhang butiki na nga at maitim ang gilagid, ang lakas pa ng loob manloko. Kapal talaga ng mukha! Magsama sila ng ipinalit niya sa'kin na mukhang bisugong rabbit! At hindi ako bitter, ha? Nagkukwento lang ako. Magsasalita na sana ako habang nakatingin pa rin sa itaas nang biglang mahulog ang butiki mula sa itaas at nag landing iyon diretso sa ibabaw ng dibdib ko. "Ahhhhhhhhh! Butiki!" malakas na sigaw ko. At dahil sa gulat at pagkabigla ay napatalon talon pa ako. Nakita ko namang tumayo si Atty. Xavier at gulong gulong nakatingin sa akin. "What are you doing? Bakit ka ba nagtatatalon d’yan-" "May butiki, Attorney! Utang na loob, pakitanggal! Oh s**t!" tarantang tarantang sabi ko at lumapit sa kanya. Parang nanayong bigla ang lahat ng mga balahibo ko habang nararamdaman ang butiking tila naipit sa gitna ng mga dibdib ko! "What?! Butiki? Nasaan ba?!" halos pasigaw at natataranta na ring tanong n’ya sa akin. Agad na itinuro ko ang gitna ng mga dibdib ko at lumapit pa ng todo sa kanya. Agad niya naman akong tinulungan sa pagtanggal sa pesteng manyakis na butiki na 'yon! Pareho kaming nagulat nang tuluyang malaglag ang butiki sa sahig at nagtatakbo palayo. Pero....ang kamay ni Atty. Xavier ay nakahawak pa rin sa dibdib ko! Shit! Ang dangal at p********e ko, wala na! Sorry, ‘Nay! Naisuko ko na ang chocolate hills ng Bohol! 'Di bale, may Bataan pa naman! Agad kaming nagkatinginan bago nagmamadali niyang tinanggal ang kamay niya sa chocolate hills ko! "I-I’m... I'm sorry. I didn’t mean to hold your-" Hindi ko na pinatapos ang paghingi n’ya ng pasensya dahil sa hindi sinasadyang pagdakot n’ya sa dibdib ko.   At dahil sa pinaghalo halong kahihiyan ay ramdam na ramdam kong pulang pula na ang mukha ko, agad na kumaripas ako ng takbo papasok sa CR. Napasandal ako sa pinto nang mailock ko na iyon. Para akong hinabol ng sampung kabayo sa sobrang lakas ng kaba ko. Hindi ko alam kung dahil ba ‘yon sa letcheng butiki o sa kamay ni Atty. Xavier na napahawak sa dibdib ko. Kahit naman tumagal kami ng isang taon ng ex-boyfriend kong si Rey Piñoco ay ni hindi man lang nasaling ng dulo ng mga daliri niya ang hinaharap ko. In fact, virgin pa ako mula dulo ng buhok ko hanggang talampakan! Impit na napatili ako nang hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari. Malinaw na malinaw pa rin sa isipan ko kung paano nabigla si Atty. Xavier nang marealize n'ya kung saan s'ya nakahawak kanina. Pulang pula pa nga ang mga tenga n'ya dahil ‘don! Ipinilig ko ang ulo ko at ilang beses akong huminga ng malalim bago lumabas sa CR. Laking pasasalamat ko nang makita kong wala na si Atty. Xavier sa table n'ya. Nakahinga ako ng maluwag pero agad ding nawala ‘yon nang may marinig akong tumikhim sa likuran ko.   Oh, s**t! Mariing napapikit ako nang maalalang may kabilang side pa ang office n'ya at doon lang sa table n'ya nakatuon ang pansin ko kanina kaya hindi ko s'ya nakita. Halos hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil doon! Shit, bes! Ang awkward promise!   XAVIER'S POV   Matapos ang hindi sinasadyang pangyayari kanina, inalis ko na iyon sa isip ko dahil wala lang naman talaga iyon. Kasalanan ko bang mataranta s'ya at mataranta din ako dahil sa nakita kong expression n'ya kanina? Para s'yang mamamatay sa takot kanina kapag hindi nawala ‘yong butiki sa katawan n'ya. Tss. I just helped her na tanggalin yun. Yun lang. I really didn't intend to hold her… ugh! Ibinalik ko ang atensyon sa email na kakatanggap ko lang. Napakunot noo ako nang mabasa ang subject at agad ding napatiim bagang. It was from Atty. Ashley Torrez, my ex-girlfriend na ngayon ay girlfriend na ng bestfriend kong si Harvey Lambert. He's also a lawyer. So, they're planning to tie the knot next month. Ang lakas naman ng luob n'yang padalhan pa ko ng invitation. Bahagyang nandilim ang paningin ko dahil sa nararamdaman kong inis. It's been a year pero halos walang nabago sa nararamdaman ko. It's as if it was just happened yesterday. I can still feel the pain. Mariing napapikit ako nang muling maalala ang nakaka-inis na tagpong yun. "Sir!" Inis na napatingala ako kay Charm na ngayon ay nasa harapan na ng table ko. "What?!" Bahagyang nanlaki naman ang mga mata nito at lumayo ng bahagya sa'kin. s**t! Eto nanaman ako. Pati mga inosenteng tao nadadamay kapag naaalala ko ang nangyari. "S-Sorry po. Kanina ko pa po kasi kayo tinatawag. M-May naghahanap daw po sa inyo sa labas. P-papapasukin ko po ba?" utal na sabi nito na halatang natakot sa pagsigaw ko kanina. "Sino daw?" tanong ko "Atty. Ashley Torez daw po, Attorney." I took a deep breath bago sumagot. "Sige, papasukin mo." agad na lumakad ito palabas para papasukin ang bisita. Ilang sandali pa ay bumungad ang nakangiting si Ashley kasunod si Charm na nakatungo. "Hi, Xavier! It's been a long time! How are you?" nakangiting tanong nito. I cleared my throat before answering her. "Ahm, Honey?" nakita kong napatingin din si Ashley kay Charm na napatigil sa pag-upo sa table nito at takang napatingin sa'kin. Bago pa s'ya makapagsalita ay agad na lumapit ako sa kanyasabay akbay dito. "Honey, she's Ashley, an old friend. Ashley, this is Charm, my girlfriend and my secretary as well." Gulat na gulat si Ashley at hinagod pa ng tingin si Charm mula ulo hanggang paa. Si Charm naman ay parang napako sa tabi ko at halos hindi na gumalaw sa pagkabigla. Tss! Nasabi ko na eh. I can't take it back! Bahala na.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD