Goddamn it. The f*cking sea was a m******e, bodies soaked in blood scattered across every damn houseboat, turning the water red.
Hindi na ‘ko nabigla sa inabutan ko. Malamang hindi nagpunta sa islang ‘to ang Red Hand Society para magbakasyon.
Iniwasan ko ang mga katawan sa paligid nang maglakad sa buhangin. Dumiretso ako sa kubong napapalibutan ng mga armadong lalaki nang makita ang taong pinunta ko. Kaliwa’t kanang putok ng baril at sigaw ang sumalubong sa ‘kin. Pero hindi ako nagpasindak dahil wala akong dapat ikatakot. Lalo na’t kasunod ko lang ang sarili kong mga tauhan.
Sa labas ng kubo, huminto ako sa harap ni Pietro. He’s the arrogant prick who’s leading this Italian mafia group, running it like a well-oiled killing machine. His gun pointed straight at my head, as if he had the guts to pull the trigger.
"Signor Santiesteban, nobody informed me of your arrival. I should have arranged a more suitable benvenuto for you,” sabi ni Pietro sabay baba ng hawak na baril. Nakangiti siya ngunit halata ang init ng ulo dahil sa pagdating ko sa teritoryong nais nilang angkinin.
“I heard you were here. So, I figured I'd swing by and see if I could be of any assistance. It looks to me like you've been holed up in this area for far too damn long.” Malamig ang tinging pinukol ko kay Pietro. Dito nabura ang ngiti niya.
"Thanks, but we got this covered. You know the rules: there can only be one boss in this island. So, step off and let us do what we do best. Got it?"
Magsasalita pa sana ‘ko nang itutok niya sa ‘kin ang baril niya. This time, he pulled the trigger, but I didn’t flinch. Nakarinig ako ng pagbagsak sa likuran ko. Kaya napatunayan kong tama ako. Wala siyang balak saktan ako. Pero ibig sabihin din nito ay gusto na niya ‘kong umalis sa lalong madaling panahon.
May inutos pa si Pietro sa kanyang mga tauhan. Dito ako nakakita ng paggalaw sa ilalim ng kubo. May dalawang babaeng nakadapa at nagtatago. Nagtiim-bagang ako nang makita ang pagtakas ng luha sa mga mata nila habang nakatakip ang kamay sa bibig. Sunod akong tumingin sa isa sa mga tauhan kong alam na kung anong dapat gawin.
"Sorry, Don," balik ni Pietro sa ‘kin. Sinigurado kong nasa ‘kin lang ang mga mata niya. "We ain't finished yet. We gotta make damn sure we didn't miss any loose ends. Capisce? You know what the hell I'm talking about. We can't afford to leave any stones unturned. No room for mistakes.”
Tumango lang ako, walang interes makinig pa sa mga plano ng kanilang grupo. For me, crossing them was out of the question. I had my own organization to safeguard, and I couldn't afford to jeopardize it by getting on the wrong side of their twisted game. Tutal naman ay nakuha ko na ang pinunta ko, aalis na ‘ko bago pa magkagulo.
Habang naglalakad pabalik sa helicopter, nakita ko ang mga tauhan ni Pietro buhat-buhat ang mga katawan ng mga taong walang awa nilang pinatay. Binato nila sa bawat bangka ang mga ito katulad ng iba pang katawan.
It was a gruesome sight, a mountain of human flesh, already decaying in the humid air. The stench was f*cking suffocating. Inabutan ako ng panyo ng isa sa mga tauhan ko. Agad kong tinakpan ang ilong ko hanggang sa makasakay sa helicopter. As we took off, I watched as Pietro's men set fire to each houseboat, the flames consuming the pile of bodies. It was a brutal scene, a reminder of their group’s merciless nature, and a warning to anyone who dared to defy them.
"Sir, we rescued some survivors. What should we do with them?" tanong ni Armando, kanang kamay ko.
"Do whatever you want with them. I don’t need to know,” sagot ko sabay hagis ng pulang rosas sa bintana. Pumikit ako at sinubukang matulog ngunit naririnig ko pa rin ang pag-iyak ng mga tao, nakakapit sa ilong ko ang masangsang na amoy, at nakikita ko rin ang luha ng mga babae sa ilalim ng kubo.