Chapter 7: Miserable Life

1974 Words
Kinabukasan ay nagtrabaho na lang si Samantha dahil iyon naman talaga ang gagawin niya doon at wala ng iba. Hindi siya sumampa sa barko para makipaglandian kung kani-kanino dahil may boyfriend naman siya sa Pinas na mahal na mahal siya. She was so confident na hindi siya iiwan nito dahil sampung taon na silang magkasintahan. Life is okay and Joaquin is just some random guy na nakilala niya kung kaya't wala na siyang pakialam sa binata. Mayaman naman ang lalaking iyon kung kaya't sigurado siya na makakahanap agad agad ng iba iyon na papayag magpabayad. Para kay Samantha, sapat na ang trabaho niya sa cruise ship at hindi niya na kailangan pa ng extra dahil okay naman ang sweldo noya at binabayaran naman sila ng tama. Habang nagmo-mop siya sa deck ay naulinigan niya ang katrabaho niyang si Joy na kausap ang boyfriend nitong Amerikano. "Oh, you're so naughty Babe, yes! It's more fun in the Philippines we can go over there and make pasyal pasyal and then jugjug later!" saad ni Joy na halatang tuwang-tuwa sa kausap. Napapailing na lang si Samantha habang nagmo-mop. "Oh, I'm beautiful? Thank you, you're more beautifuler ow! I mean handsome, you're handsome babe, where do u want to visit? Over there or over here?" Sa totoo lang ay hindi niya rin maintindihan si Joy dahil pinapahirapan pa nito ang sarili, aanga-anga na nga ito sa ingles ay nakuha pa nitong mag jowa ng foreigner kung kaya't nagpatuloy na lang si Samantha sa pag mo-mop ng sahig. Although mahirap lang sila ay sinikap naman ng mga magulang niya na makapagtapos siya ng pag aaral kung kaya't hindi sablay ang english niya, ni hindi niya nga alam kung paano nakapasa ang ka-trabaho na magtrabaho sa Cruise ship, dahil may training din sila ng language speaking kailangan kasi iyon dahil halo-halo ang mga guests sa Cruise Ship at ang karamihan ay kano. "Yes Baby, I will make ayos ayos my passport and we will jugjug later, yes s*x on phone, do you like it? Because I like it, later, later, okay? when I'm done with my work, okay? Bye! I love you!" saad ni Joy at ibinaba na ang phone. Napansin naman ni Joy na nage-eavesdrop si Samantha sa kanya. "Ate! Ano ba! Privacy naman!" saad ni Joy at inirapan siya. "Anong privacy? Ang lakas lakas nga ng boses mo, anong jujug later at s*x on phone?! Ang baboy mo! Halika na at madumi pa doon sa D deck! Marami pang imo-mop!" singhal ni Samantha at saka hinila si Joy upang doon sila mag mop sa may D deck. "Ang dami dami namang pinoy ewan ko ba sayo at pinapahirapan mo pa ang sarili mo, hindi ka ba nano-nosebleed kapag nakikipag usap ka dyan sa Afam mo?" tanong ni Samantha sa kanya habang nagmo-mop sila ng sahig. "Nano-nosebleed pero Josh is my true love ate! At saka di hamak na mas mapera ang mga kano kaysa sa mga pinoy noh," saad ni Joy. "Tss, hindi rin, depende iyon sa tao, lagi kang may choice, tandaan mo yan," saad ni Samantha dahil totoo naman, kagaya na lamang ng desisyon niyang iwasan si Joaquin. Nang matapos ang shift niya ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang ina na nasa Pinas. "Nay? Kumusta ho kayo? Pasensya na ho at ngayon ko lang nasagot ang tawag ninyo, kakatapos lang kasi ng duty ko eh," "Samantha Hija, wag kang mabibigla ngunit nandito kami ng tatang mo sa Ospital ngayon, nasaksak kasi Victor at malubha ang lagay ng kapatid mo, pwede ka bang magpadala sa amin kahit magkano lang? Kailangan niya kasing ma-operahan sa lalong madaling panahon! Pasensya ka na Anak," "Ano?! Nasaksak?! Bakit?!" "Lumabas kasi siya ng gabi at may nang holdap daw sa kanya at nasaksak siya," "Tsk tsk, sa katapusan pa ang sahod ko eh, paano ba to? Wala na bang natira doon sa pinadala ko Nay? One hundred thousand iyon diba?" "Eh naipatalo kasi ng Tatang mo sa online sabong eh," "Ano?! Kailan pa natutong magsugal ang Tatang?!" "Pasensya ka na Anak, hindi namin sinasadya, alam na namin ngayon ang pagkakamali namin," Napabuntong hininga na lang si Samantha at nasapo ang ulo sa problemang kinakaharap. "Oh siya sige, gagawan ko ho ng paraan kakausapin ko po si Alex baka sakaling may maipahiram siya sa akin kahit konting halaga, sige na Nay, tatawag na lang ho ako ulit, tatawagan ko lang si Alex," Iyon lang at pinatay na kaagad ni Samantha ang tawag upang i-dial ang number ni Alex. "Hello? Alex? Honey, something came up, meron ka bang pera dyan? Kahit magkano lang, kailangang kailangan ko lang, you know my brother Victor right? Nasaksak kasi siya eh at kailangan niya daw maoperahan sa lalong madaling panahon," Naghihintay si Samantha ng sagot mula sa kasintahan ngunit boses ng isang babae ang kanyang narinig. "Oh hi, Samantha right? His ex-girlfriend," "Who are you?" "I'm Cheska, his wife, so stop calling my husband from now on," "What?! Ang kapal ng mukha mo, anong wife pinagsasabi mo?! Ipakausap mo sa akin si Alex ngayon din!" "Bakit ba ayaw mong maniwala? Edi fine, talk to him," Narinig niya naman mula sa kabilang linya na ibinigay ng babae sa kasintahan niya ang cellphone nito. "Alex, is that true? Huh?" "I–uhm, Sam, I'm sorry," "Totoo ba huh? Kasal na kayo ng babaeng yan?!" "Yes it's true, I'm so sorry Sam, hindi na kita nahintay, I felt so lonely at nakahanap ako ng iba, sorry, akala ko ay kaya ko ang long distance relationship pero hindi pala, napagod ako, kaya… sana mapatawad mo ako," Bumuhos ang mga luha ni Samantha ng gabing iyon. Galit na galit siya sa lahat, sa pamilya niya at lalong-lalo na sa long time boyfriend niyang ginago siya. "Tang'ina Alex! Sampung taon! Sampung taon sinayang mo!" "Alam ko, pero hindi mo ko masisisi dahil si Cheska ang nandito, siya ang kasama ko kaya sana balang araw mapatawad mo ako," "Ughh!!! Damn it Alex! I hate you to death!" saad ni Samantha sa kabilang linya na nanggigigil na sa galit at humahagulgol na ng iyak, akmang ibabato niya na sana ang cellphone niya ngunit napigilan niya ang sarili dahil naisip niyang baka mahulog ulit iyon sa dagat, napatingin siya sa cellphone niya at naalala niya na bigay nga pala iyon ni Joaquin. Isang desisyon ang nabuo sa kanyang isip kung kaya't naligo siya, nag make-up at sinuot muli ang mini dress na pinahiram sa kanya ni Xhymich. "Hoy Samgirl! Aba, nakabihis ka na ah! Sakto! Mag Bar tayo ngayon!" saad ni Karen na nakabihis na rin. "Oo nga eh, sige tara," saad ni Samantha at nagpatangay sa ka-trabaho niya. Hindi sila sa Drunken Sailor's Bar pupunta kundi sa 3rd Class na Bar kung saan afford nila ang alak dahil pang mayaman ang mga naka serve na alak sa Drunken Sailor's Bar at kulang pa ang sweldo nila para sa isang kupita ng scotch doon. Doon nag u-unwind ang lahat ng mga empleyado pagkatapos ng stressful na duty nila sa Cruise Ship. Nagpakalasing si Samantha ng gabing iyon to the point na umiiyak na siya. "Samgirl, what happened?" tanong ni Xhymich habang nakayakap sa kanya. "Nothing, I just miss my family so much," saad ni Samantha habang humahagulgol. "Wag ka na umiyak, Samgirl, diba sabi mo dapat magpakatatag tayo? Kayang kaya mo yan, ikaw pa!" saad naman ni Jean at yumakap din sa kaibigan. Nakaupo sila ngayon sa table na may mahabang paikot na couch na parang lounge at nag iinuman. "One month na lang Samantha, tiisin mo na, ilang weeks na lang ohh," saad ni Callie. "Mahirap talaga kahit ako ay homesick din," saad ni Joy. "Thank you talaga dahil nandito kayo sa tabi ko," saad ni Samantha at humagulgol ng iyak. "Talaga itong dalawang malalandi na 'to ayaw paawat oh, ang kakati ng pucake!" saad naman ni Xhymich kay Karen at Doreen na may kasamang mga lalaki at masayang nakikipag usap habang nag iinuman. Nagsitawanan silang lahat at maging si Samantha nang makita iyon. Nang malasing na sila ay nagsihibad sila ng kanilang mga stilettos at saka lumabas ng Bar upang makabalik na sa cabin nila. Para silang mga batang nagtatakbuhan sa mag pasilyo at walang pakialam kahit pa nakayapak sila at lasing na lasing. Pumasok na silang lahat sa Cabin maliban kay Samantha. Kinuha niya ang bote ng champagne na hawak ni Xhymich at tinungga iyon habang palabas ng Cabin nila. "Hoy haliparot! Saan ka pupunta?!" bulalas ni Xhymich kay Samantha. "Magpapahangin lang!" pagpapaalam ni Samantha ngunit hindi naman talaga iyon ang gagawin niya. Tinungga niya ulit ang hawak na bote habang naglalakad, malakas na ang loob niya ngayon dahil sa alak na nainom, pupuntahan niya si Joaquin sa Cabin nito. Desidido na siyang tanggapin ang inaalok na trabaho sa kanya ng binata. Samantala, maghapong nagkulong sa Cabin niya si Joaquin matapos ang sagutang nangyari sa kanila ni Samantha ng nakaraang gabi. Nilalamon siya ngayon ng lungkot. Walang nakakaalam non kahit na ang ampon niyang si Rosenda. His life is not okay. He's miserable dahil sa pagkamatay ng asawa't anak niya. Divina is beautiful, smart and a very rich girl. Ipinakasal siya ng kanyang ama rito by an arranged marriage bago ito mawala ngunit kahit ganon ay minahal niya ito at minahal din siya nito. Wala na siyang iba pang mahihiling noon kundi ang masayang buhay kasama si Divina at ang magiging supling nila ngunit nawala rin sa kanya ang asawa't anak niya kagaya ng kanyang ama. Divina was five months pregnant with their baby when she was struck by a car. Ilang beses hiniling ni Joaquin na sana ay siya na lang ang naaksidente ng gabing iyon, dahil kung hindi lang siya nahuli ng dating, sana ay buhay pa ang asawa niya. Naging mahirap para kay Joaquin na tanggapin ang lahat hanggang sa magawi siya sa isang bahay ampunan sa Laguna at doon ay nakita niya ang batang si Rosenda. She reminds him of Divina, a very beautiful girl who loved him so much kung kaya't kinupkop niya ang bata. Sinubukan niyang buuin ulit ang sarili at naging mabuting ama dito at nagawa niya naman, napalaki niya si Rosenda ng maayos, sagana sa pagmamahal at ngayon ay nag-aaral na ito sa kolehiyo at sa prestihiyosong paaralan pa ngunit parati pa rin niyang naiisip na may kulang pa rin sa buhay niya dahil wala na si Divina. At ngayon ay naririto siya sa Cruise ship at tila nilalamon ng lungkot, nasa balcony siya ng VIP Cabin niya at umiinom mag-isa, ilang whiskey na rin ang nainom niya ngunit hindi pa rin namamanhid ang puso niya, ang pamilyar na sakit at sama ng loob ay tila nilulukob ang kalooban niya. Pakiramdam niya ay wala ng magmamahal sa kanya dahil iniwan na siya ni Divina at maging si Samantha ay tinanggihan ang alok niya. Ang akala niya ay mabibili niya ang kasiyahan gamit ang lahat ng pera niya ngunit nagkamali siya. Hindi pala nabibili ang kasiyahan at ang katunayan non ay lumayo na sa kanya si Samantha. Kumuha siya ng necktie niya at itinali iyon sa may kisame ng Cabin niya. He just wants everything to be over. Hindi niya alam kung bakit pero sobrang sakit ng pagtanggi sa kanya ni Samantha to the point na nadudurog siya ngayon at gusto niya na lang magpakamatay. Balak niyang bigtiin ang sarili niya sa loob ng VIP Cabin ng Cruise Ship. Tutal naman ay malaki na ang ampon niya at nai-transfer niya na rin ang lahat ng ari-arian niya kay Rosenda kaya naisip niyang wala ng halaga pa ang buhay niya. Naiiyak na siya sa isiping iyon dahil sa sobrang lungkot at marahas na ipinapahid ang mga luha niya. Itinapat niya ang upuan sa may necktie na itinali niya sa ceiling at tumungtong sa upuan. Huminga siya ng malalim at hinawakan ang necktie niya ng dalawang kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD