"Stay there, magbibihis lang ako," saad ni Samantha kay Joaquin ngunit mukhang hindi papayag ang binata.
"But Noreen, can I–" pinutol ni Samantha ang mga sasabihin pa ni Joaquin.
"I said, stay! Nakikita mo ba yung signage? Authorized personnel only," saad ni Samantha sabay turo sa signage sa pinto.
Wala namang nagawa si Joaquin at naghintay na lang.
Nang maisara naman ni Samantha ang pinto ay naabutan niya si Xhymich na nagbibihis.
"Hoy Amiga, saan ang punta mo?" nagtatakang tanong ni Samantha kay Xhymich.
"Doon ulit sa Bar, actually, tatlo kami nila Karen at Callie this time,"saad ni Xhymich habang nag aayos sa harap ng salamin.
"Wow ah, sana all," saad ni Samantha at binuksan ang luggage niya upang maghanap ng damit.
"Eh kasi ikaw kung saan saan ka nagla-lamyerda ayan tuloy kami lang tatlo ngayon," saad ni Xhymich na umirap pa sa kanya.
"Uhm ano, Amiga, baka naman may dress ka pa dyan, pahiram naman oh, yung pang dinner date," saad ni Samantha habang naghahalungkat sa luggage niya dahil wala talaga siyang dalang extrang mga damit maliban sa damit pantulog at mga uniporme pang pasok.
Nagulat naman si Xhymich.
"OMG! Amiga, don't tell me magda-date kayo ni Joaquin!" saad ni Xhymich na tuwang-tuwa.
"Eh ang daming alam ng hitad na iyon, alangan hindi ko pagbigyan eh binilhan na nga ako ng cellphone," saad ni Samantha habang naghahalungkat ng damit.
"Ano bang gusto mo? Yung pangmalakasan or pang saktuhan lang?" tanong pa ni Xhymich na tinulungan na siya maghalungkat ng damit.
"Ayan ka na naman, syempre yung disenteng tignan, magdi-dinner lang kami noh," saad ni Samantha.
"Oopps! Hindi mo sure kung dinner lang," saad ni Xhymich na tatawa-tawa.
"Gaga! Dinner nga lang!" saad ni Samantha.
"Oh ayan! Bagay 'yang black sexy silk dress sayo tapos partneran mo rin nitong black stilettos, para pak na pak!" saad ni Xhymich at ibinigay ang mga gamit niya kay Samantha.
"Thanks Amiga," saad ni Samantha at saka nagbihis na.
Sa totoo lang ay hindi niya talaga maintindihan ang ka-trabaho niya, sa dami ng gamit at mamahaling damit nito ay mukhang hindi naman talaga siya Cabin Stewardess. Pakiramdam niya ay nagdi-disguise lamang ito at may pera talaga.
"Para sa ikaliligaya ng lovelife mo, go!" saad ni Xhymich.
"Hindi ko nga iyon lovelife," saad ni Samantha at tinarayan ang kaibigan.
Kung alam lang ni Xhymich ay halos ayaw ng makita pa ni Samantha si Joaquin ngunit talagang makulit ang binata sa kanya.
"Oh, siya, aalis na ako at naghihintay sa akin ang hitad na iyon," saad ni Samantha na nagpaalam sa kaibigan na nag aayos pa rin sa harap ng salamin at naglalagay ng make up.
"Goodluck, Girl! Igiling mo ah!" sigaw nito sa kanya.
"Gaga!" saad niya at saka lumabas ng pinto ng cabin nila ngunit nagulat siya ng tumambad sa harapan niya si Joaquin.
"Ikaw, makulit ka! Hindi ba't sinabi ko na sayo na bawal ka dito?! Bakit pumasok ka pa rin?!" saway niya kay Joaquin ngunit nakatulala lang ang binata sa kanya.
"A-ang ganda mo," saad ni Joaquin na tumingin sa kanya ng malamlam, napayuko siya sa hiya.
"Bolero! Halika na!" saad ni Samantha at hinatak ang coat ni Joaquin.
Palabas na sila ng crew's cabin.
"Hindi iyon bola Noreen, I'm saying the truth," saad ni Joaquin na nakatingin pa rin sa dalaga habang naglalakad sila.
"Hay naku, tigilan mo ako, akala mo mapapaikot mo ako sa ganyan ganyan mo," saad ni Samantha.
Nang makapasok na sila sa restarant ay nag order na kaagad si Joaquin ng pagkain dahil alam niyang gutom na si Samantha.
First time ni Samantha sa restaurant na iyon. May apat na uri kasi ng pasahero sa Cruise ship, ang una ay ang mga VIP kasama na dito ang may-ari ng mismong cruise ship, mga CEO ng kumpanya na katulad ni Joaquin at mga negosyante na nag uusap-usap, ang first class naman ay kung saan nandoon ang mga mayayaman at alta sociedad, sa second class naman ang mga may kaya lang o ang mga middle class at sa third class naman ay ang mga empleyado ng cruise ship.
At sa pangalawang pagkakataon ay pinagmasdan lang ni Joaquin si Samantha habang kumakain, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niyang saya kasama ang dalaga. Tuwang-tuwa kasi ito sa masasarap na pagkain na nakahain sa lamesa.
"Ang sarap! Thank you sa food," saad ni Samantha at ngumiti sa kanya.
"I can see you're enjoying the food, order ka lang kung may gusto ka pa," saad ni Joaquin.
"Hindi, okay na 'to ang dami na nga nito eh, mukhang hindi nga natin mauubos, pwede ba mag take out? Bibigyan ko yung mga ka-trabaho ko," saad ni Samantha habang kumakain.
"Sure, we will do that," saad ni Joaquin na natuwa sa sinabi nito.
"Teka lang, bakit mo ba ako inaya dito? Hindi naman ako bagay dito eh, tignan mo nga ang mga tao dito masyadong sosyalin, tignan mo yung babae na iyon oh, ang daming alahas, siguro mamahalin ang mga iyon at pati na rin ang damit at sapatos," saad ni Samantha habang nakatingin sila sa customer na nasa kabilang table.
"Uhm, actually, I would like to offer you a job, Noreen, why don't you work for me instead?" alok ni Joaquin sa kanya.
Napatigil bigla si Samantha sa pagkain.
"What kind of job Joaquin? I already have one," tugon ni Samantha sa binata.
"Come on, madali lang, be my escort here in the Cruise ship, be with me, accompany me in my whereabouts, hindi mo kailangang maghubad sa harapan ko all the time, no touching, I promise and I'll pay you double," pagpapaliwanag ni Joaquin.
"I don't think I can do that Joaquin, maghapon ang trabaho ko dito sa Cruise ship so busy ako lagi, ito lang ang tanging time na pwede which is… gabi, pagkatapos ng shift ko," saad ni Samantha.
"Hmm, hanggang kailan ang kontrata mo dito?" tanong ni Joaquin.
"Hanggang ngayong buwan na lang," saad ni Samantha.
"Perfect. Matatapos na rin naman ang business trip ko dito ngayong buwan kaya tanggapin mo na ang offer ko, sasamahan mo lang naman ako eh," paghihikayat ni Joaquin.
Ayaw sana gawin ni Joaquin ito but the truth is he was very lonely, nasa magarang cruise ship nga siya ngunit mag isa lang siya, anong silbi ng marangyang buhay kung malungkot siya, hindi ba? gusto niya lamang ng konting adventure and Samantha is fit for someone he can be with.
"Pero paano nga? Eh gabi lang ako pwede," saad ni Samantha.
"It's fine, kahit gabi, okay lang, samahan mo lang ako," saad ni Joaquin na seryoso na ang mga tingin sa kanya.
"But that's unfair for you, I can't serve two masters, I'm sorry, goodnight, Joaquin," saad ni Samantha at tumayo na ngunit sinundan siya ni Joaquin this time.
Naglalakad na ito sa may deck nang higitin niya ang braso ng dalaga.
"Ikaw babae ka! Napaka pakipot mo, alam mo ba iyon?! bibigay bigay mo ang sarili mo sa akin tapos bigla ka na lang mang iiwan ng ganon ganon lang?! Wala ka bang respeto sa sarili mo? Huh?!" singhal ni Joaquin na nagagalit na.
Nagulat naman si Joaquin nang bigla siyang sampalin ng malakas ng dalaga.
"Kung ginagawa mo 'to dahil nagui-guilty ka sa nangyari sa atin, di bale na lang! This is over Joaquin!" singhal ni Samantha sa kanya.
"Damn it, Noreen!" singhal din ni Joaquin.
"Bakit?! Wag mo sabihing hindi ka nag enjoy! Inulit mo pa nga eh!" saad ni Samantha na nagagalit na.
"Ginawa ko lang iyon dahil ayaw mong umamin sa akin na ikaw si Noreen!" singhal sa kanya ni Joaquin.
Mahigpit na ang kapit nito sa braso niya kung kaya't hindi maiwasang maiyak ng dalaga.
"I don't want to be used by someone like you anymore Joaquin, two nights are enough, kaya mabuti pa iwasan na lang natin ang isa't-isa, pinuputol ko na ang ugnayan natin, tutal bayad ka na sa kasalanan mo sa akin at napalitan mo na din ang cellphone ko, it's done, we're on our own now," saad ni Samantha na binawi ang braso niya kay Joaquin at saka umalis.