KANINA pa si Madison sa loob ng kanyang sasakyan dahil hinihintay niya si Dado. May usapan silang magkikita pagkatapos ng trabaho nito. Maaga daw itong magpapaalam upang magkita sila. Kanina ay gustong-gusto niya nang sugurin si Mendoza pero tama si Dado, kailangan nilang magplano. Kailangan nilang maghanda. Hindi lahat ay nadadaan sa padalos-dalos. Hindi pangkaraniwang tao si Mendoza. Ayon pa sa lalaki ay mahirap lapitan si Mendoza. Napapalibutan ito ng mga bodyguard at pawang mga armado. Nanggigigil na siyang patayin ito. Gusto niyang magmakaawa sa kanya ang rapist na si Mendoza. Gusto niyang hilingin nitong mamatay na lamang para hindi na ito mahirapan pa. Malayo pa lang si Dado ay nakita niya na ito. Nakabihis na ito. Mailap din ang mga mata nito sa paligid. Agad niyang binuk