Dominic’s POV INABOT nang madaling araw si Dominic sa paghihintay kay Gener sa dating pinagtratrabahuhan niyang nightclub. Tuluyang nagsara ang nightclub kung saan siya nagtra-trabaho. Hindi niya nalaman ang dahilang kung bakit biglaan ang pagsasara ng nightclub. Pinatawag na lang siya bigla ni Gener at inabot ang huling sahod niya. Wala rin siyang ideya kung nasaan na ang mga babae sa naturang club. Walang ideya si Dominic kung tuloy pa rin na hide-out ang naturang VIP room. Wala rin siyang napansin na mga tauhan ni Mendoza sa lugar. At maging ang mga kasamahan ni Gener ay hindi niya rin makita na labis niyang ipinagtataka. Kailangan maunahan niya si Gener. Kailangan mawala ito nang tuluyan dahil kilala siya nito. Hindi matutuloy ang plano nila ni Madizon kapag nakilala siya