Mari’s Pov “Lalaban ka? Kaya mo na? Alipin kita Mari. Akin ka lamang. Lahat ng gusto ko ay gagawin mo,” wika ng kanyang Tito Clinton. “Pagod na pagod na po ako Tito Clinton. Masasakit din ang katawan ko,” umiiyak niyang wika. Nakasiksik siya sa gilid ng kanyang silid. Labis ang takot na nadarama niya kapag nawawalan ng epekto ang droga sa kanyang isipan. Kapag nasa ganitong pagkakataon ay hinahanap niya ang drugs dahil kung hindi ay hindi niya kakayanin ang mga ginagawa sa kanya. “Sino ang gusto mong galawin ko ang kapatid mo? Mamili ka Mari,” wika ng kanyang amain. Tiningnan niya ito ng masama. Kung nakakamatay lang ang kanyang tingin ay tiyak na bumulagta na ito. Subukan lang nitong galawin si Madi at handa siyang patayin ito. Kahit anong mangyari ay papatayin niya it