CHAPTER ONE

2706 Words
  SPO2 Police Senior Madizon Clemente. The protector. A law enforcement. Other people admire her guts to fight the criminals. A fearless woman. A brave and friendly policewoman.   Madizon has a gorgeous and fierce personality. Her hair is short and naturally ebony-black hair color. She also had glossy skin, slender eyebrows, shapely figure and rapture-blue eye that admired by men. Katangian na hinahangaan ng lahat pero hindi siya. She hates herself. She hates her life. Kung pwede lang pumili ng buhay ay gagawin niya.   Kapag inalis mo ang kanyang maskara ay makikita mo ang tunay na siya. Nagtatago lamang siya sa katauhan ng isang pulis pero ang totoo isa siyang Killer. She hates man. Para sa kanya ay walang lugar sa mundo ang mga lalaki. Walang lugar sa buhay niya ang mga ito. Iba ang pananaw niya sa mga lalaki. Galit ang bumabalot sa puso niya para sa mga ito. Pinangako siya sa sarili noon na hinding-hindi siya maaawa sa mga lalaking halang ang kaluluwa. She will use all her strength para pagbayarin ang pamilyang nawala sa kanya. Lahat ay kailangang magbayad.   10 years ago..   Walang nagawa si Madizon kundi ang tingnan lamang ang inang duguan habang umiiyak. Nakakubli siya sa malaking sofa nila samantalang nakahandusay ang inang duguan habang umiiyak. Thirteen years old lamang siya at wala siyang magawa para tulungan ang ina. Binugbog na naman ito ng stepfather niya. Seloso masyadong ang bagong asawa ng ina. Simula nang mamatay ang ama niya limang taon pa lamang siya ay muling nag-asawa ang ina niya.   Ang Tito Clinton niya. Masyado itong possessive at seloso. Lahat ay bawal nilang gawin. Nakakulong lang sila sa bahay ganun din ang kanyang ate Mari. Walang sinuman ang pwedeng lumapit sa kanila maliban dito. In other words, their lives became hell. Kontrolado nito ang mga buhay nila at walang ginagawa ang ina niya para pigilan ang amain niya. She hates everything. Kung paano nagiging sunod-sunuran ang ina sa bagong asawa nito.   Tiningnan niya ng masama ang kinakasama ng ina. Nakangisi ito habang nakaupo sa isang mahabang sofa na akala mo ay pagmamay-ari ang bahay nila na kung tutuusin lahat ng meron ito ay dahil sa tunay niyang ama. Awang-awa siya sa ina. Hinang-hina ito sa mga suntok na inabot. Maya-maya pa ay tumayo ang Tito Clinton niya at lumapit sa kanya. Nagbabaga ang mga ito.   “Bakit? Lalaban ka na?” sigaw sa kanya nito. Hinila nito ang buhok niya kaya napasigaw siya. Nagpumiglas siya hanggang sa naabot niya ang kaliwa nitong kamay at kinagat ng malakas. Nabitawan siya nito kaya agad siyang tumakbo papunta sa silid ng kanyang ate. Nang makapasok sa silid ay agad niyang sinara ang pinto. Nagulat pa siya ng makita ang ate niya sa kama. Tulala ito, walang kahit anong saplot. Napakagat siya sa labi. Narinig niya ang malakas na pagkalabog ng pintuan. Hindi niya iyon pinansin at agad na nilapitan ang kanyang Ate Mari.   “Ate,” Umiiyak niyang tawag. Niyakap niya ito. Anim na taon ang agwat ng edad nilang magkapatid. Sa murang edad niya ay alam niya na kung ano ang ginawa ng Stepdad nila. He is a bastard rapist. Nineteen years old lamang ang kanyang ate.   “Buksan mo ito kung hindi malilintikan ka sa akin!” naririnig niyang sigaw sa kanya ng Stepdad nila. Hindi niya ito pinansin. Binalot niya ang katawan ng ate niya sa kumot. May bakas pa ng dugo sa bedsheet nito. Wala siyang magawa kundi ang umiyak.  Pagod na siya sa pananakit ng amain.   Umalis lamang sa pagtatago si Madizon nang marinig niya ang kotse ng amain. Agad siyang sumilip sa bintana at nakita niyang paalis nga ito. Agad niyang ginising ang ate niyang nakatulog pagkatapos niyang paliguan.   Mahina man ang katawan ay tumayo rin ito.   “Kailangan natin makaalis ng bahay at makahingi ng tulong habang wala si Tito Clinton,” wika niya sa ate niya.   “Paano? Paano si Mama?” tanong ng ate Mari niya.   Napansin niyang natataranta ang kanyang ate.   “Kung ayaw niyang sumama at isumbong ang ginagawa ni Tito Clinton ay aalis pa rin tayo,” wika ni Madizon sa murang isip.   Agad silang umalis ng silid at hinanap ang ina pero hindi nila ito nakita. Wala ang mama nila sa buong bahay. Tulad ng nakasanayan ay nakalock ang buong bahay para hindi sila makalabas. Maging ang mga telepono ay putol. Wala silang paraan para makalabas ng bahay.   “Nasaan ang cellphone ni Mama?” tanong sa kanya ng ate niya.   “Tingnan natin sa kwarto niya,” agad silang tumakbo patungo sa silid ng ina. Nahalughog na nila ang buong silid pero walang cellphone silang nakita. Napaupo sila sa kama at tila kandila na nauupos.   Nanatili sa ganoong sitwasyon silang magkapatid hanggang sa hindi na makatiis si Madizon.   “Bakit hindi ka agad nagsumbong kay Mama? Bakit hinayaan mo na gawin sayo yan ni Tito?” hindi niya mapigilang tanong.   “Wala namang bago,” sagot nito. Mahina ang boses ng Ate Mari. “Wala tayong choice kundi ang sumunod. Hawak niya ang mga buhay natin,” dagdag pa ng ate niya.   “Kahit na. Sana nagsumbong ka kay Mama. Bakit hindi ka lumayas? Hindi ba nakakalabas ka naman?”   Natawa si Mari sa tanong niya.   “Nakakalabas? Hindi niyo alam ang ginagawa sa akin ni Tito. Hindi totoong nag-aaral ako tulad mo,” dagdag pa ng ate niya kaya napakunot noo siya. “Kung saan-saan ako dinadala ni Tito. K-ung sino-sinong kaibigan niya ang gumagamit sa akin,” umiiyak na kwento ni Mari.   Sa murang edad niya ay nanginig ang katawan niya sa nalaman.   “Hindi lang si Tito ang gumagamit sa akin kundi pati ang mga kaibigan niya. Pinapagamit niya ako ng drugs kaya palaging wala ako sa katinuan ko. They raped me. Binaboy nila ako ng paulit-ulit,” humahagulhol na kwento ng kanyag ate. Tumayo ang kanyang ate at may kinuha sa loob ng cabinet nito. May inabot ito sa kanya, Isang sketch pad.   “Sila! Sila lahat ang gumagamit sa akin!” pinakita ng ate niya ang mga nakadrawing sa sketch pad nito. Magaling na mangguguhit ang ate niya kaya naman kahit sinong makakita sa drawing nito ay makikilala mo. Mahigit sa sampu ang taong nakadrawinga at ang Tito Clinton nila ang nasa unahan.   “Binaboy nila ako,” nagwawalang kwento sa kanya ng ate niya. Humahagulhol ito ng iyak.   Maging siya ay gusto niyang magwala.  Nakakuyom ang kanyang mga palad. Pagbayarin ang lahat ng taong nanakit sa kanila. Sa sobrang diin ng pagkakatusok niya ng kuko niya sa kanyang palad ay nagsugat ito. Kung hindi pa dumugo ay hindi siya titigil. Tinitigan niya ng maayos ang mga drawing ng kapatid. Sa likuran ng mga drawing ng mukha ay may sketch ng mga lugar kung saan dinadala ang kanyang ate.   “SP02 Clemente?” pukaw sa kanya ni P02 Greg. Para siyang nagising sa isang bangungot. Tiningnan niya si P02 Greg. Nagpapalipad hangin ito sa kanya pero hindi niya ito pinapansin.   “Ano yun?’ tanong niyang pilit ang ngiti.   “Mukhang lipad na naman ang isip mo,” wika ni Greg. Tinaasan niya ito ng kilay.   “Tigilan mo ako,” sabay irap niya kay Greg.   “Ito ang report na pinabibigay ni Captain,” sabay abot sa kanya ni Greg. Inabot niya iyon at binasa. Mga listahan ng mga nasa drug listing ang file na inabot nito sa kanya. Inisa-isa niya iyon. “Kumusta daw pala sabi ni Captain,” dagdag pa ni Greg kaya nilingon niya ito. Nasa likod niya pala ito at hindi pa rin siya iniiwan. Hindi lang si Greg ang nagpapalipad hangin sa kanya kundi maging ang kanilang Police Captain na si Joaquin Sandoval.   “”Wala akong sakit,” pabalang niyang sagot.   “Kahit gusto kong sabihin yan hindi naman pwede. Boss natin yun,” sabat pa ni Greg. Napakibit balikat nalang siya. Senenyasan niya si Greg na iwan siya. Naririnig niya pang nag-uusap-usap ang grupo nito.   “Napakaganda talaga ni SP02.” Narinig niyang wika ni P01. Kung ako ang sasagutin niya wala na akong mahihiling pa.” dagdag pa nito.   “Mas lamang naman yata ako ng limang paligo sayo,” dagdag pa ni Greg. “Handa kong ipaglaban ang pag-ibig ko kay SP02 kahit pa si Captain ang magiging karibal ko,” pagyayabang pa ni Greg.   “Ayan na si Captain,” wika ni P01 kaya nataranta si Greg sa takot na baka narinig. Agad itong napaupo sa nakaassign na table nito kaya pinagtawanan ito ng mga kasama maging siya ay natawa na rin.   Hindi kaila kay Madizon ang kagandahan na sinasabi ng mga kasama niya. You can tell her appearance is perfect but the truth is, she is hiding a darkest past. Nakaraan na hanggang ngayon ay hinding-hindi niya makakalimutan.   Hindi mapigilang mapamura ni Madizon nang hindi mag-start ang kanyang kotse. Luma na kasi ang naturang kotse pero hindi niya magawang palitan dahil na rin sa magandang alala. Kotse iyon ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito. Bulok na kung tingnan ng iba pero sa kanya ay mahalaga ang kotseng ginagamit kahit pa may kotse naman siyang higit na bago. Pakiramdam niya kasi ay kasama niya pa rin ang ama sa tuwing gamit niya iyon.   Napayuko siya sa manibela ng kotse nang biglang may nagsalita.   “Ihahatid na kita,” alok sa kanya ni Captain Joaquin. Minagmasdan niya ang lalaki. Aminado siyang gwapo ito makisig at matapang. Tulad niya ay wala itong inuurungan laban.   “Hindi na. Tatawag nalang ako ng mekaniko,” sagot ni Madizon na iniwas ang tingin nito.   “Hindi ba gusto mong malaman ang pinagtataguan ni Mendoza?” tanong sa kanya ni Joaquin. Nanlaki ang mata niya sa narinig. Kilalang rapist si Mendoza. Marami na itong ginahasa at pinatay. Kabilang din si Mendoza sa gumamit sa Ate Mari niya. Matagal niya ng hinanap si Mendoza pero paiba-iba ito ng pinagtataguan. Palibhasa kasi may kapit ito sa itaas ayon sa isang source niya.   Agad siyang lumabas ng sasakyan dahil sa narinig.   Tinawanan siya ni Joaquin.   “Ano pang hinihintay mo?” matigas ang boses na tanong niya kay Joaquin.   “Iba ka rin eh no? Akala ko ba ayaw mong sumabay sa akin?” nakakunot ang noo na tanong niya.   “Trabaho ito,” maikli niyang sagot. Agad siyang umikot at pumasok sa loob ng sasakyan ni Joaquin. Nakita niya pang umiiling ito. Wala siyang panahon sa pag-ibig na inaalok ni Joaquin. Nagsisimula pa lang siya. Hindi pa tapos ang laban na pinangako niya sa kapatid.   Hindi inaalis ni Madizon ang kamay sa kanyang baril na nakasukbit pa sa bewang niya. Nanggigigil na siyang patayin si Mendoza. Hindi na siya makapaghintay.   “Wala na po bang ibibilis ang kotse ninyo Captain?” naiinip niyang tanong. Naiinis rin siya dahil kanina pa ito nagttext. Tinalo pa nila ang nasa prosisyon sa bagal nito. “Sa pagkakaalala ko po may pupuntahan tauyo. Baka mamaya po ay wala na tayong maabutan,” hindi niya mapigilang komento.   “Nakatakas daw si Mendoza,” sagot ni Capt. Joaquin sa kanya. Gumuhit ang galit niya sa narinig. Nagwawala na naman ang puso niya sa galit. Hindi niya maintindihan kung bakit mailap ang taong ito at kung bakit sa tuwing na mahuhuli nila ay palaging nakakalusot.   “Paanong nakawala?” madiin ang boses na tanong niya kaya agad siyang humingi ng tawad. “Pasensiya na Sir, hindi ko kasi mapigilang magalit lalo pa at alam naman natin kung gaano siya kasamang tao. Hindi na siya dapat mabuhay sa mundo,” dagdag niya.   “Naiintindihan kita. Ako rin naman ay gusto siyang tanggalin sa mundo pero may batas tayo na dapat humusga sa kanya,” madiin ang boses na sagot ni Joaquin sa kanya.   Napabuntong-hininga nalang siya.   “Pakihinto nalang po ng sasakyan niyo sa gilid. Magtataxi nalang ako,” wika niya.   “No! Delikado ngayon,” pigil sa kanya ni Joaquin.   “Sir, baka po nakakalimutan mo police ako. Naka-uniform pa nga ako oh?” paalala niya pa. Itinuro niya pa ang suot na uniform.   “Alam ko and I insist na ihahatid ka nalang,” dagdag pa ni Joaquin kaya wala na siyang nagawa. “Ituro mo nalang ang daan,” dagdag pa nito. Naiinis man ay wala rin siyang nagawa.   Pinilit ni Madizon na wag na lamang pansinin si Joaquin pero tila wala itong balak na sayangin ang oras na magkasama sila.   “Inaantok ako,” wika ni Joaquin kaya napatingin siya dito. Humikab pa ito para maniwala siyang inaantok ito.   “Gusto niyo po ako na ang mag-drive?” alok niya.   “No. Magkape muna tayo,k” wika ni Joaquin. Huli na para pigilan niya ang lalaki. Inihinto na nito ang sasakyan sa harap ng starbucks. Lihim siyang napaismid. Wala siyang nagawa nang pagbuksan siya nito ng pinto. Wala siyang nagawa kundi ang bumaba nalang ng kotse at samahan itong magkape.   Nahagip ng mata ni Madizon ang folder sa backseat ng kotse ni Joaquin. Agad niyang nabasa ang pangalan ni Mendoza sa harapan ng folder. Nasa loob na sila ng coffee shop ni Joaquin pero ang isip niya ay ang files na nakita niya sa loob ng kotse.   “May problema ba?” hindi mapigilang tanong sa kanya ni Joaquin.   “Ha? Eh- naiwan ko yata sa kotse mo ang wallet ko,” pagsisinungaling niya.   “Gusto mo tingnan ko?” alok ni Joaquin sa malambing na boses.   “No! Ako na. Pwede ko bang mahiram ang susi ng kotse mo?” tanong ni Madizon.   “Pwede naman na mamaya mo na tingnan besides treat ko ito,” sagot pa ni Joaquin. Naiinis na siya sa kakulitan ng lalaki.   “Gusto ko lang siguraduhin na nasa kotse mo baka mamaya kasi naiwan ko sa kotse ko,” sagot niya pa kaya walang nagawa si Joaquin kundi ang iabot sa kanya ang susi ng kotse nito. Pagkaabot ng susi nito sa kanya ay agad siyang tumakbo sa parking lot kung saan nandun ang kotse ni Joaquin. Agad siyang pumasok sa loob ng kotse at siniguro na naka-lock ang mga pinto. Agad niyang inabot ang folder na nakita. Hindi nga siya nagkamali. Files iyon ni Mendoza. Agad niyang kinuha ang cellphone at isa-isang kinunan ng larawan pagkatapos ay ibinalik iyon sa ayos.   Nang nakababa ng kotse ay huminga siya ng mabilis. Kinalma niya ang sarili bago pumasok ng coffee shop. Kailangan malinis ang mga kilos niya.   Tiningnan siya ni Joaquin.   “Nasa kotse ba ang hinahanap mo?” tanong pa nito. Nagkakape na ito at hinihintay nalang siya.   Tumango siya bilang tugon. Bahagya rin siyang ngumiti.   Tumayo si Joaquin at hinila ang upuan niya.   “Hindi mo kailangan gawin ito Sir. Boss pa rin po kita,” saway niya sa ginawa ng lalaki.   “Wala akong nakikitang mali sa ginawa ko,” Sagot ni Joaquin at napakibit-balikat lang.   “Nakakahiya kung may makakita,” Tanging nasabi niya.   Lumingion si Joaquin sa paligid.   “Wala tayo sa opisina at lalong walang pakialam ang mga tao sa paligid natin kung makita man ako na may kasama ring pulis,” dagdag pa ng lalaki. Hindi na siya nakipagtalo sa lalaki. Ang gusto niya na lamang ay makauwi.   Hinatid siya ni Joaquin sa bahay niya. Nag-iisa nalang siya sa bahay simula nang mamatay ang Uncle niya na kumupkop sa kanya nang maulila silang magkapatid. Malaki ang bahay na tinitirhan niya at aminado siyang malungkot ang buhay niya sa bahay na iyon. Mahirap ang mag-isa.   “Hindi mo ba ako iimbitahan sa bahay mo?” tanong sa kanya ni Joaquin nang bumaba siya ng sasakyan.   “Sa susunod na po siguro Sir, gusto ko na kasing magpahinga medyo maraming trabaho kanina sa opisina,” pagtanggi niya.   “Pangako yan ha?” nakangiting tanong ni Joaquin. Nabasa niya ang panghihinayang sa mukha nito. Ibang-iba si Joaquin kapag nasa trabaho at kapag kaharap siya. Maginoo ito at napakabait pero hindi niya pinapansin ang pagpapalipad-hangin nito.   Kumaway lang siya sa lalaki at tinalikuran na ito. Like what she said. Wala siyang panahon sa mga lalaki kahit si Joaquin pa iyon. Kahit pa minsan ay may nararamdam din siyang kakaiba para sa lalaki pero pinipigilan niya ang sarili. Isa rin sa pumipigil sa kanya ay ang kanyang nakaraan. Hindi niya alam kung matatanggap ni Joaquin ang kanyang pagkatao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD