CHAPTER THREE

2668 Words
                                                    Matapos makipag-negosasyon ni Madi o Madizon sa may-ari ng hindi kilalang punerarya ay isinagawa niya ang kanyang plano. Ang itakas ang kanyang kapatid sa mental hospital. Ilang beses na siyang humingi ng clearance para mailabas na ang kanyang kapatid pero paulit-ulit siyang tinatanggihan sa hindi niya malamang dahilan. Hindi lang iyon dahil minsan na ring may nag-attempt na pumatay sa kapatid niya. Mabuti na lamang at may nurse na dumating.   Kanina pa nakaabang si Madi sa labas ng hospital. Plano niyang pasukin ang naturang mental hospital. Napatingin si Madi sa likuran ng kanyang kotse. Nakalagay ang bangkay sa dead body bag. Babae ang bangkay na nabili niya mula sa punerarya. Isang buwan na itong patay at nakalagay lamang sa freezer dahil walang pamilyang nag-claim. Ibang kotse ang gamit niya ng gabing iyon. Mahirap na kasing mabulilyaso ang kanyang lakad. Inayos niya ang suot na sombrero. Kailangan unahin niya muna ang CCTV. Kailangan niyang patayin iyon para malinis ang kanyang trabaho at hindi lumabas na may foul play. Napatingin siya sa pambisig na orasan. Alas dose na ng gabi. Minabuti niyang sa likod ng mental hospital dumaan dahil madalim sa parting iyon. Nilagay niya ang ladder na dala-dala niya. Itinayo niya iyon. Hirap na hirap man siyang kunin ang bangkay sa likuran ng kanyang kotse ay desidido siyang maitakas mula sa mental ang kapatid. Mabuti nalang at sanay siya sa mahihirap na training noong magpupulis siya. Binuhat niya ang bangkay at dahan-dahan na binaba. Nang makapasok na siya ng bakod ay inabot niya ang ladder para ipasok sa loob. Kailangan niya kasi yun para sa kapatid. Hindi naman ganun kataas ang bakod kaya kung siya lang mag-isa ay kaya niyang akyatin ang bakod. Itinago niya ang bangkay sa sulok na walang makakapansin at muli siyang bumalik sa kanyang kotse. Kailangan niyang mailayo ang kotse.   Nang makapasok siya sa loob ng mental hospital ay agad niyang tinungo ang command center kung saan ay nakalagay ang CCTV ng buong hospital. Sinilip niya iyon. Nakita niyang may tao sa loob at nagbabantay. Matiyaga siyang naghintay. Mayat-maya pa ay humikab ito at tumayo. Agad siyang nagtago sa madilim na sulok. Nang makalayo ito ay agad siyang pumasok. Kinuha niya ang dalang gamot sa bulsa at hinalo sa kape nito. Hinalo niya iyon ng kamay at patingkayad na tumakbo.   Hindi nagtagal ay bumalik ang bantay ng CCTV at muli ay nagtagumpay siya. Ininom nito ang kapeng may pampatulog. Ilang minuto pa ay nakatulog na ito. Wala siyang sinayang niya oras. Agad niyang pinatay ang CCTV.   Malapit lamang ang silid ng kanyang Ate Mari sa command center. Bitbit ang dalang bangkay ay dahan-dahan niyang binuksan ang silid na ginagamit ng kanyang ate. Matagal na siyang may-duplicate key sa silid nito simula nang nagplano siyang itakas ang kanyang ate. Pakiramdam niya kasi ay hindi ito ligtas. Nilapitan niya ang Ate Mari niya. Inalis niya ang suot na bonnet at ginising ito.   “Madi?” nakangiting tanong sa kanya. Pupungas-pungas ito.   “Tatakas tayo,” Bulong niya sa kapatid.   “Sige-sige. Kanina Madi sinaktan nila ako. May tinusok na naman sila,” sumbong sa kanya nito. Tama nga siyang may hindi na magandang nangyayari sa ate niya. Hinalikan niya ito sa noo.   “Iuuwi na kita,” sagot niya. Itinayo niya ang kapatid malayo sa kama. At nilayo sa kanya. Binuhat niya ang body bag at nilagay iyon sa kama ng kapatid. Pinalitan niya rin ng damit ang kanyang ate at pinasuot sa bangkay ang damit ng kanyang kapatid. Inayos niya ang pagkakahiga ng bangkay.   “Sino yan?’ tanong ni Mari kay Madi.   “Sssh. Hindi ko siya kilala. Ang importante ay makatakas ka dito,” sagot niya.   Dahan-dahan na nilabas ni Madi si Mari. Tahimik naman ang kanyang kapatid at hindi nagwawala. Nakisama ito sa kanyang mga plano. Agad niyang pinaakyat ang kapatid sa ladder na nilagay niya. Dinala niya agad ito sa kotse.   “Dito ka lang muna ate at may gagawin pa ako dun,” paalam niya sa kapatid.   “Natatakot ako Madi,” natatakot na sabi ng kapatid.   “Ligtas ka’na ate. Babalik agad ako. Wag kang aalis dito hanggat hindi ako bumabalik ha?” Paalam niya pa. Tango ang sinagot sa kanya ni Madi. Binuksan ni Madi ang compartment ng kanyang kotse. Nilagay niya doon ang body bag at hagdan. Kinuha niya rin ang isang galloon na gasolina. Bumalik siya mula sa loob ng mental hospital at pumasok sa loob ng silid ni Mari. Binuhusan niya ng gas ang katawan ng bangkay. At sinindihan. Dali-dali siyang tumakbo palabas ng hospital.   Pagdating ng sasakyan ay hindi agad siya umalis. Hinintay niyang lumaki ang sunog bago sila umalis ni Mari. Nang makalayo na sila sa hospital ay hininto niya ang sasakyan sa tambakan ng basura. Tinapon niya ang suot na gwantes at body bag.   Niyakap niya ang Ate Mari niya pagpasok niya ng sasakyan. Ligtas na ito. Ito na ang simula ng mga plano nila.   PAULIT-ULIT na tawag ang gumising kay Madi. Tiningnan niya ang oras. Alas kwatro ng madaling araw. Ang mental hospital ang nasa kabilang linya. Naririnig niya ang mabilis nitong paghinga. Hindi siguro masabi sa kanya ang nangyari sa kanyang kapatid.   “May problema po ba?” tanong niyang nakaangat ang kilay.   “Ito po ba si SPO2 Clemente?” tanong pa nito sa kanya. Ramdam niya ang kaba ng kausap.   “Yes,” sagot niya.   “Wag mo sana kayong mabibigla mam,” wika pa ito. “Wala na po ang kapatid niyo,”  dagdag pa nito. Kunwari ay nabigla siya sa narinig. Hindi siya agad sumagot. “Mam?” tanong sa kanya ng kausap.   “Paanong wala na? Hindi ko maintidihan,” sagot niya. Sinadya ni Madi na maging garalgal ang boses niya. Inaasahan niya ito na mangyayari at handa siya sa mga susunod na mangyayari.   “Nagpakamatay po ang kapatid ninyo. Sinunog niya ang sarili niya. Hindi nga po namin alam kung saan siya kumuha ng lighter samantalang mahigpit naman kami sa pagbabantay,” sagot pa sa kabilang linya.   “Pupunta ako ngayon,” sagot niyang pinutol ang pag-uusap. Kailangan niyang umarte para walang maghinala na may kinalaman siya. Agad siyang nagbihis. Sinilip niya muna ang Ate Mari niya sa kabilang bahay. Tulog na tulog ito.   “Wala pang thirty minutes ay nasa mental hospital na siya. Marami pa ring tao labas ng naturang hospital. Bago siya lumabas ng sasakyan ay pinatakan niya muna ang kanyang mata. Upang maiyak siya. Sinalubong siya agad ng mga pulis. Kilala niya ang ilan sa mga ito.   “Nasaan ang kapatid ko?” tanong niya agad sa mga Doctor na nakapalibot.   Napansin ni Madi na walang ibang nasunog at tanging ang silid lamang ng kanyang kapatid. Lihim siyang napangiti atleast hindi na nadamay ang ibang pasyente. Iyon ang dinadasal niya kanina na wala sanang iba pang madamay.   Pagbukas ng doctor sa silid ng kanyang kapatid ay tumambad sa kanya ang katawan na sunog na sunog. Napahagulhol siya ng iyak. Bigla ay nanghina siya at napaluhod.   “Ate Mari,” sigaw niya sa pangalan ng kapatid. Tinalo niya ang mga artista sa kanyang kadramahan. Best actress ang aktingan niya. Kailangan niyang gawin ang mga ito para malinis lahat.   Hinawakan siya ng doctor upang itayo pero tinabig niya ang kamay nito. Tumayo siya at tiningnan ito pati na rin ang mga nurse na nag-aasikaso sa pasyente.   “Anong klaseng ospital kayo? Akala ko ba safe dito? Binabayaran ko kayo pero ito ang nangyari?” galit na galit niyang sigaw.   Walang nakasagot sa sinabi niya. Lahat ay tikom ang bibig. Tinalikuran niya ang mga ito at pinuntuhan ang mga pulis. Pinamukha niya sa mga ito na walang kwenta ang hospital.   “Kumusta ang imbestigasyon ninyo?” tanong niya sa isang pulis na ang pangalan ay si Jun.   “No foul play po mam. Sinadya po ng kapatid ninyo na sindihan ang sarili niya,” sagot sa kanya. Napakagat-labi siya sa narinig. Sunod-sunod din ang pagtulo ng kanyang luha. “Condolence po mam,” dagdag pa nito. Nabunatan siya ng tinik. Isa lang ang ibig sabihin. Malinis ang trabaho niya.   Nakipag-areglo kay Madizon ang ospital. Nakiusap ang mga ito na wag ng isa-publiko pa ang nangyaring sunog. Isang milyon din ang inalok sa kanya kapalit ng kanyang pananahimik. Nang una na ay nagmatigas pa siya kunwari ay galit pa rin pero sa huli ay tinanggap niya ang pera. Kunwari din ay binigyan niya ng magandang burol ang kapatid. Twenty-days din siyang naka-leave sa trabaho kaya nakapagpahinga siya. Wala siyang ginawa kundi ang pag-aralan ang paghihigante nila ng Ate Mari niya. Bigla ay bumalik sa kanyang alaala ang ginawa para mawala ang kanilang stepdad. Simula ng sinama ng Tito Clinton nila ang kanilang ina ay hindi na ito muling bumalik. Isang buwan nang nawawala ang ina nila pero parang wala lang dito, palibhasa kasi ito ang kasama ng mommy nila bago ito nawala. Naging napaisipan sa kanilang magkapatid ang pagkawala na ng ina. Kahit anong takas ang gawin nila ay hindi nila magawa. Bantay-sarado kasi sila.   Kung dati ay hindi niya nakikita ang ginagawa ng Tito Clinton niya sa Ate Mari niya ngayon ay nasaksihan mismo ng kanyang dalawang mata. Kung paano babuyin ang kanyang ate. Nakita niya kung paano bumagsak sa pagod ang Tito Clinton niya sa kama. Nang biglang mahagip ng kanyang mata ang baril nito. Nakapatong iyon sa side table. Sa murang isip niya alam niyang delikado ang baril. Dahan-dahan niyang kinuha ang baril at lakas loob na itinutok sa ulo ng amain. Malakas niyang kinalabit ang kutsilyo. Kitang-kita niya kung paano tumalsik ang dugo sa ulo nito. Nagising ang ate niya dahil sa lakas ng putok. Takot na takot ito. Maging siya ay ganun din pero dahil sa lakas ng loob umiiyak siyang nakangiti. Nasa isip niya ay malaya na sila. Kitang-kita nila kung paano mangisay ang katawan nigTito Clinton nila. Agad na inagaw ng Ate Mari niya ang baril. Pinunasan nito ang buong baril.   “Wag mong sasabihin na ikaw ang pumatay kay Tito Clinton. Kahit anong mangyari ay wag kang aamin,” natatarantang bilin sa kanya ng Ate Mari.   “Pero ako naman talaga ang pumatay ate,” sagot niya pa.   “Hindi Madi. Tandaan mo kapag may nagtanong sayo sabihin mo ako ang pumatay. Ako Madi,” Madiin ang boses ng kanyang Ate Mari.   Tumango siya bilang tugon. Niyakap siya ng Ate Mari niya. Umiiyak ito.   “Malaya na ako Madi at dahil sayo yun,” turan pa ng kanyang ate.   Kahit bata palang si Mari alam niyang mali ang pumatay ng tao. Maling-mali pero kung para naman sa pamilya niya ay wala siyang nakikitang mali.  Ang mali siguro ay ang magpikit-mata siya sa ginagawa ng kanilang amain tulad ng ginawa ng kanilang ina. Hindi siya magdadalawang-isip na dungisan pa ang kamay para maipagtanggol ang Ate Mari niya. Ito na nalang ang pamilya niya. Simula ng araw na iyon ay pinangako ni Madi sa sarili na magbabayad ang lahat ng bumaboy sa kanyang ate. Lahat ng yun ay dapat magbayad at kamatayan ang gusto niyang kabayaran.     Habang hinahanap ni Madi ang susi ng bahay upang makalabas sila ay napansin niya ang kanyang Ate Mari. Nagsasalita ito mag-isa. Umiiyak ito habang nagsasalita.   “Malaya na ako. Malaya na ako.” Wika ng kanyang Ate Mari. Nakaupo lamang ito sa sofa.   Lumabas ng bahay si Madi at lakas loob na pumunta sa mga kapitbahay nila. Humingi siya ng tulong. Ilang oras pa ang nakalipas ay dumating na ang mga pulis. Ilang tanong din ang tinanong sa kanya dahil hindi na makausap ang kanyang Ate Mari. Sinabi niya rin na ang Ate Mari ang pumatay sa amain. Lahat ng alam niya ay sinabi niya. Pati na rin ang pagkawala ng ina.   “Madi?” tawag kay Madi ng kapatid ng kanyang mama. Si Tito Miguel. Nilapitan siya nito at niyakap. Hindi ito makapaniwala sa nangyari sa kanila. Nilapitan nito si Mari pero nagwala. Takot na takot itong sumiksik sa gilid ng sasakyan.   “Nasaan ang mama mo?” tanong pa nito.   “Hindi po namin alam. Sinama siya ni Tito Clinton at pagbalik niya ay hindi na kasama si Mama,” sagot niya.   Kinausap ng Tito Miguel niya ang mga pulis. At dahil wala sa katinuan ang kanyang kapatid ay hindi ito pwedeng ikulong lalo pa at ang Tito Clinton naman nila ang may kasalanan. Walang rin kamag-anak ang amain nila para mag-file ng kaso. For sure nahiya ang mga ito kaya walang lumabas na kamag-anak. Napatunayan din na ang kanyang Ate Mari ay tinakasan na ng bait. Tuluyan itong nabaliw kaya minabuti ng Tito Miguel niya na dalhin ito sa mental hospital upang maasikaso ang pangangailangan nito at siya naman ay napunta sa poder nito.   Walang anak ang kanyang Tito Miguel. Matagal na rin itong biyuda kaya naman mahal na mahal siya nito. Lahat ng naisin niya ay ibinibigay ng Tito Miguel niya. Akala niya ay iba ito sa mga lalaking kinamumuhian. Hindi pala. Dahil tulad din ito ng Tito Clinton niya. Binaboy siya nito ng paulit-ulit. Nanlaban siya pero wala rin siyang nagawa.   “Akala ko iba ka! Ang baboy niyo!” sigaw niya dito. Binalot niya sa kumot ang sarili.   “Madi, pag-usapan natin ito. Lasing ako,” wika ng kanyang Tito Miguel.   “Dahil lasing ka gagahasain mo ako?”  bulyaw niya dito.   “Walang pwedeng makaalam nito Madi,” pakiusap na nito.   Tumawa siya. “Bakit wala? Natatakot ka?” sigaw niya.   “Pwede kong palabasin na baliw ka’na rin tulad ng ate mo,” sagot pa nito. “Walang maniniwala sayo,” dagdag pa nito kaya lalo siyang nagalit.   “Gusto mong walang makaalam nito?” tanong niya.   Nilapitan siya ng kanya Tito Miguel.   “Wag kang lalapit!” sigaw niya. Kinakabahan siguro ito na baka marinig ng mga maids ang boses niya. “Aalis ako sa bahay na ito ng tahimik kung ibibigay mo sa akin lahat ng pera ng mga magulang ko at pera mo!” may diin ang boses na wika niya.   Nagulat ito sa sinabi niya.   “Narinig mo ba? Kabayaran yan ng kababuyan mo! Dahil kung hindi magpapakamatay ako bago ko sasabihin sa buong mundo na rapist ka!” sigaw niya pa.   “Okay! Okay! Give me until tomorrow,” sagot nito sa kanya. Nang marinig niya nag sinabi nito ay pinalabas niya ito ng silid. Umiyak siya ng umiyak. Gulong-gulo ang kanyang isipin. Gustong-gusto niyang magpakamatay ng mga oras na iyon. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagvideo siya. Sinabi niya ang ginawa sa kanya ng kanyang Tito Miguel. Kailangan niya iyon sakali man na may gawin sa kanya ito. Gumawa siyang ng ilang kopya at itinago na tanging siya lang ang makakaalam.   Tinupad nga ng Tito Miguel niya ang pangako nito. Natakot siguro na baka totohanin niya ang lahat.   “Ten million yan kabuuan yan ng pera ng mga magulang mo. Ang ibang properties ay inaayos ko para mabenta na rin. And this, another five million. Galing sa akin yan. Kapag naman namatay ako ay ikaw naman ang tagapag-mana,” wika pa nitong inabot ang dalawang malalaking bag.   “Matagal ka pang mamatay,” sagot niyang galit pa rin.   “Siguro naman mabubuhay ka na dahil sa dami ng pera mo,” wika pa ng Tito niya.   Umiling siya. “Kulang pa ito kapalit ng kinuha mo sa akin. Hindi mo na maibabalik yun!” sagot niya sa matapang na boses. “Kahit mamatay ka pa, hindi ka pa rin bayad,” sagot niya pagkatapos itong iwan. Binitbit niya ang bag at nilagay iyon sa kotse niya. Wala na siyang dinalang gamit. Pinuntahan niya muna ang kanyang Ate Mari sa ospital bago siya tumuloy sa kaibigang si Nimfa. Hindi niya inamin ang totoo dito.   Isang linggo lang ang nakalipas ay nakitang patay ang kanyang Tito Miguel sa sarili nitong kotse. Hindi niya halos makilala ang mukha ito dahil basag basag. Nakita sa CCTV na mula sa parking lot ay may sumakay na tatlong lalaki sa kotse nito. Natagpuan ang bangkay nito sa may bandang Antipolo.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD