Chapter 04–Gossip

2059 Words
Chapter 04 Zai POV ANG kasiyahan ko kaninang umaga ay biglang naglaho na parang bula. Maagang umalis si Zane para makasabay ang kasintahan na maglunch. Inabala ko na lamang ang sarili sa pag–aayos ng mga patient records, in alphabetical orders. Biglang nanumbalik sa isip ko ang tagpong nakita ko kaninang umaga. Napailing na lang ako nang ulo ang daming hindi magandang bagay ang pumapasok sa isipan ko. "Umayos ka, Zai. His not belong to you, masama ang mang–angkin ng hindi mo pagaari." Kastigo ko sa aking sarili. Nagsikip ang dibdib ko at napayupyop ako sa mga hawak ko na papel. Sa ganoong ayos ako nang napasukan ako ni Elsa na hindi ko narinig ang banayad na katok bago niya itulak pabukas ang pintong hindi naman gaanong nailapat. Nagdikit ang mga kilay ni Elsa. "Lunch tayo?" yaya sa akin. Banayad akong tumango. Iniwan ko muna ang ginagawa ko at nagtungo kami sa canteen. Dahil wala nang bakanteng mesa tumabi kami kila, Dhel at Love. Si Love naman ang assistant ni Doctora Farrah ang taga hatid balita kay Elsa at si Dhel ang assistant ni Doctora Hannah ang pinsan ni Zane. Pagdating sa tsismisan walang pinapalagpas ang tatlo kapag sila ang magkakasama. Lahat na yata ang tungkol sa mga Doctor dito sa ospital ay alam nila ang kwento ng mga buhay–buhay nila. Mababait ang mga ito—mga mosang nga lang. Sumama ako sa canteen hindi para kumain kundi aliwin saglit ang isip ko. Umorder lang ako ng juice. Hindi ako nakakaramdam ng gutom. Masayang kakuwentuhan ang mga ito, wala akong mga kaibigan na kagaya nila maliban lang kay Joan. "May chicka ako sa inyo, fresh na fresh. As in nagtatalo sila kanina. Dinig na dinig ng two ears ko," halos pabulong na wika ni Love. Umayos ako ng upo. Alam ko na kung ano ang sasabihin nito. Namimilog pa ang mga mata nito. "Ano 'yon?" sabay na sambit ni Sagi at Elsa. Napalakas ang pagbulalas nila kaya napalingon lahat sa kinaroroonan namin ang mga kumakain sa canteen. Malimit lang ang mga Doctor's na kumakain dito. "Ano nga 'yon?" pabulong na ulit ni Dhel. Pilya itong ngumiti. Nagpalingon–lingon muna kaliwaan at kanan. Senenyasan kaming ilapit ang mga ulo namin sa kanya. "Narinig ko kanina na ano ka—" she paused for a moment. Palipat–lipat ang tingin sa amin. Hinila ni Elsa ang buhok niya. "Wag muna kaming bitinin, kundi makakatikim ka sa akin," naiinip na turan ni Elsa. Hindi naman ito nagalit bagkus natawa lang. "Ito na nga sasabihin ko na. Dumaan kanina si Doc. Zane sa clinic ni Doktora Farrah. Aba, sabi niya sa Tita niya sa araw ng anibersaryo nitong hospital. My Gosh! Sumakit ang hart ko pero slight lang. Magproposed na siya." "What?" Malakas na bulalas nang dalawang babae. Nawala bigla ang sigla sa aking mukha sa narinig. Napayuko ako at bigla na lang nag–init ang bawat sulok ng mga mata ko. I blinked those threatening tears away. Nagkunwaring naghikab ako para hindi halata ang pamamasa ng mga mata ko. "Talaga?" nanlaki ang mga mata nila Elsa at Dhel. Tumango–tango si Love. Pasimple kung pinunasan ng aking hintuturo ang gilid ng mga mata ko. "Bakit?" Wala sa sariling bigla kung tanong. Sabay–sabay silang napatingin sa akin ang mga mata nila ay nagtataka. Pagak akong tumawa, kinuha ko ang basong may juice walang hinto–hintong nilagok ko ang laman nito at ginamit ko ang isang kamay bilang pamaymay. "Init! Sobrang init, grabe..." umiwas ako ng tingin sa kanila. "Kung maka–bakit naman ito! Natural girlfriend niya 'yon. Siguro naisip ni Doc. bumuo na nang pamilya kaya magpapakasal na. Malas ni Zane ang pangit ng ugali ni Stacey," paliwanag ni Love na may inis sa kanyang tinig. "Ano kaya ang nakita ni, Doc , kay Stacey? Ang suplada kaya ni Stacey, mukha lang ang maganda doon at bait–baitan sa harapan ng camera pero deep inside bruhilda," singit ni Dhel. "Tama ka girl..." sang–ayon ni Elsa sabay aper nilang dalawa at nagtawanan. Napailig ko ang aking ulo. Hindi ko na masyadong pinakinggan ang kanilang kuwentuhan dahil masakit sa dibdib. Itinuon ko sa ibang atensiyon ang aking mga mata pero sumasabit parin sa pandinig ko ang mga usapan nila. "Ngayon ko lang nalaman na mother pala ni Doc. Zane ang asawa ni Congressman." Dagdag pa ni Love bago sumubo ng pagkain niya. "Bakit kaya hindi close, si Zane at Mommy niya?" "Iniwan daw kasi ang Daddy niya at pinili sumama kay Congressman." Segunda naman ni Elsa. "Ang pagkakaalam ko hindi rin close si Dok at father niya." "Pero bago namatay ang Daddy ni Doc. Inaalagaan pa niya ito nagtungo kaya siya sa brazil. Itong ospital ang father ni Doc. ang nagpatayo sinalo ni Doktora Farrah dahil nagloko ang Daddy ni Zane." Nagkibit–balikat si Love. "Ewan basta 'yon lang ang naririnig ko pero hindi ako sigurado, ha?" "Bakit daw iniwan?" tanong naman ni Dhel. "Ewan..." sagot naman ni Elsa. "Oh siya! Tama na ang tsismis mga kapatid," saway ni Dhel. "Tanghaling tapat puro tayo tsismisan, kumain na lang tayo." Nagkatawanan silang tatlo. Hindi naman ako makasabay sa usapan nila para bang may dumagan na napakabigat sa dibdib ko. Nang bigla akong sikuhin ni Elsa sa tagiliran. "Bakit?" "Anong bakit? Bigla kana lang natahimik diyan?" "Wala! Okay lang ako, noh?" "Are you sure?" Nanantiyang ang tinig nito saka tinitigan ako. Sunod–sunod na tango lang ang ginawa ko. Panay naman ang sulyap sa akin nina Dhel at Love. Ramdam kong may nais ipahiwatig ang mga tingin nila sa akin. Nang sakay na kami sa elavator pabalik ay nagtanong bigla si Elsa. "May gusto ka kay, Doc. noh?" I stilled. I was lost for words. Lumipas ang ilang segundo, humugot ako nang malalim na paghinga bago ako sumagot. "Masama ba, Elsa? Ang magkagusto sa isang katulad niya?" Matamlay ko na sagot sa kanya. Nagkibit siya ng mga balikat. "Hindi naman, kahit sino naman malaya na magustuhan si Zane. Basta alam mo, kung hangang saan ka lang, Zai. Naku! Masakit na masarap ang magmahal. Masakit kapag hindi ka minahal pabalik---masarap kapag minahal ka pabalik at ipaglalaban ka. Payong kaibigan lang, kapag magmahal wag todo bigay—magtira ka para sa sarili mo. Tingnan mo ako, dalagang ina. Nagmahal pero nasaktan, pero hindi ko siya hinabol bahala siya sa buhay niya, noh? Sayang ang tears sa mga lalaking walang panindigan." Napansin ko ang pamamasa ng mga mata ni Elsa na dinaan niya sa pakurap–kurap. Hindi ko alam kung ano ang pinagdaanan ni Elsa pero, bakit ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya, marahil dahil pareho kaming babae. I felt her pain. "Oo nga pala sama ka sa amin bukas ng hapon. Half day ka lang naman kapag sabado magoover–night tayo sa isang spring resort." "Baka hindi ako payagan ni T'yang Janet." Tumunog ang elevator. Hinila niya ako palabas. "Basta sama ka sa amin bukas ng gabi. Enjoy life habang bata ka sa oras na mag–asawa ka hindi muna maeenjoy ang gumala. Thankful na kung makatagpo ka nang lalaking mabait. Paano kung ikulong ka sa cabinet?" Bigla akong napatitig kay Elsa dahil sa sinabi niya. Muli kong naalala si Tope, laging itong kinukulong ng kanyang ama noon sa cabinet. Tahimik akong pumasok sa loob ng klinika, umaasang andito na si Zane. Ngunit wala pa ang binata. Naisipan kung umidlip na muna habang hinihintay ang pagdating ni Zane. Agad naman akong nakatulog. Naramdaman ko na lang na may yumuyugyog sa balikat ko at tumatawag sa pangalan ko. Kaagad na sumasal ang t***k ng aking puso. Ewan ko ba kung bakit boses pa lang ng lalaku ay nangangatog ang aking mga tuhod at ang dibdib ko naman ay animo may naglalarong isang katerbang daga. Ang nakakunot–noong si Zane ang bumungad sa paningin ko. Ang gwapo niya talaga. He look like a Demigod. Para siya 'yong bida sa Troy na movie. Achilles. He was devastatingly good looking man. Bumaba ang mga titig ko sa labi niyang manipis at mapula na tila ba nag–aanyayang halikan. Pumikit ako at dahan–dahang lumapit ang mukha ko sa mukha niya upang abutin ang labi ni Zane. Nang bigla niyang pitikin ang noo ko para magising ako sa mahabang paglalakbay. Nagdikit ang mga kilay niya at inatras ang kanyang mukha mula sa akin. "What are you doing?" takang tanong niya. Hindi ako nakapagsalita at pakiramdam ko nangangamatis pula ang dalawang pisngi ko sa hiya. Nakakahiya ang ginawa ko. Hindi ako makapaniwalang nakatitig lang ako sa kanya. I opened my mouth to say something subalit muli ko ring itinikom. Nang mapansin kung hindi pala nag–iisa si Doc. Kasama niya ang kanyang napakagandang girlfriend, na nagsasalubong ang dalawang kilay. Nakaupo ito sa may couch sa gilid ng desk ni Zane. Ang mga kamay niya ay nagbubuklat ng magazine. Ang mga mata nito ay masama ang titig sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay. Dahil sa hiyang naramdaman ko. Marahan akong nagbaba ng paningin. Nakakahiya talaga ang pinagagawa ko. "Ah...Zai..." untag ni Zane sa akin. Naghintay lang ako ng sasabihin niya. "Yes, Doc." "May pupuntahan lang ako saglit," aniya habang inaayos ang polo na sout. Tinupi niya hangang siko. "Babalik din ako agad hatid ko lang si Stacey." Tumango ako. "But, Babe! Hindi ba pwede bukas kana lang bumalik dito," maarteng sabi nito. Tumayo ito mula sa kinauupuan, lumapit kay Zane at pinalupot ang mga braso sa bewang ni Zane. "Hindi pwede, Babe. Hindi ko pwede pabayaan ang mga pasyente ko. Half day lang ako bukas at sa sunday wala akong pasok. Sayong–sayo ang oras ko," masuyong turan niya sa babae sabay halik sa labi nito. Muli akong nagbaba ng paningin. Hindi ko kayang tingnan ang sweetness nilang dalawa. "You can rest to the extension room, kung gusto mo habang wala pa ako kaysa matulog ka diyan sa upuan mo." Napaangat ako sa narinig mula sa kanya. Matutulog ako doon? Sa kwarto kung saan nakita ko silang may ginagawa? I bit my lower lip to surpress a smile. And i don't know why? Bakit tila kinikilig ako na pwede ako matulog doon. Alanganin akong tumango. "You allow your employees to use that room?" biglang tanong ni Stacey na tila hindi makapaniwala. Nagkibit–balikat lang si Zane. "Yes, why? What's wrong with that? After all, masipag si Zai kaya okay lang sa akin. She's my assistant." "Assistant...glorified secretary," mahinang sabi nito bago tumingin sa akin nang matalim. Napalunok ako. Tama nga pala ang mga sinabi nila Elsa na maldita at matapobre ang girlfriend ni Zane. Sayang hinangaan ko pa naman siya. Hindi bagay sa panlabas niyang anyo. "We'd better go now. Kailangan ko makabalik agad, susunduin na lang kita bukas ng tanghali," parang naiiritang sabi ni Zane. Kumalas ang mga braso nitong nakakapit sa bewang ni Zane. Bumalik ito sa kinauupuan niya kanina at padabog na pinulot ang shoulder bag niyang mamahalin. Ngayon ko lang napansin. She wore–multi colored silk dress na hapit sa kanyang katawan. Kitang–kita ang napakaperpektong katawan ni Stacey, kahit saan tingnan walang tapon. She was so stunning and georgeous. And i was wondering bagay din kaya sa akin ang ganyang mga damit. Parang gusto ko batukan ang sarili ko—siyempre hindi. Sinundan ko na lamang ng tingin ang dalawa nang lumabas ng pinto. Parang pinaghihiwa ang puso ko. Mahigpit ang kapit ni Stacey sa braso ni Zane na tila ba makakawala ang lalaki. Sa halip mag–isip na kung ano–ano ang isipin. Kinuha ko ang skecth book ko sa loob ng aking bag. Hindi alam ng iba na mahilig ako magdrawing. Ang laman ng sketchbook ko ay puro larawan ni Zane. Simula ng makilala ko siya hindi na ako tumigil na iguhit siya. Actually hindi lang siya kundi pati ang batang si Tope. I smiled! Nang maalala ko bigla si Tope ng makita ko ang larawan niyang ginuhit ko dito sa sketchbook. Halos naubos ko na ang pahina nang sketchbook. Hindi pa bumabalik si Zane, napatingin ako sa oras magalas–tres na. Ang dami nang magpapacheck–up ang naiinip sa kakahintay sa kanya sa labas. Paulit–ulit at pabalik–balik na tanong ang lagi kong sinasagot mga dalawang oras na ang nakalipas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD