Chapter 16

1136 Words
ILANG araw na ang lumipas mula ng lumabas ang resulta ng kanyang visa application. Pagdating na pagdating niya sa bahay nila galing Maynila ay nag-usap-usap kaagad silang mag-anak. Pumayag ang mga magulang niyang sa loob ng tatlong linggo ay aalis na siya. Bagamat masaya ang mga ito para sa kanya ay hindi pa rin nila mapigilang malungkot din dahil iyon ang unang beses na malalayo siya sa mga ito. Palagi niyang sinasabi sa mga itong mabilis lamang ang anim na buwan. Ni hindi nila iyon mamamalayan. At pagkatapos niyon ay saka lang ulit nila malalaman kung ano ang mangyayari. Sa ngayon ay umaasa siyang magkakaroon ng magandang resulta ang pag-alis niya. Kaya ng muling tumawag ang kanyang Tiya Amelia at sabihin ang napag-usapan nilang pamilya na araw ng pag-alis nito ay nagpabook na ito ng ticket pagkatapos na pagkatapos ng pag-uusap nila. Roundtrip ticket ang kukunin nito at tatlong linggo mula sa araw na nag-usap-usap ay nakatakda na siyang umalis. Lahat sila ay excited sa pagpunta niya sa ibang bansa lalong-lalo na ang kambal. Pulos pasalubong ang bukambibig ng mga ito hindi pa man siya nakakaalis. Isang beses ay nagkomento din si Lala na siguradong mayroong foreigner na magkakagusto sa kanya doon. Pero mukhang hindi papayag si Gerom na may iba siyang pansinin dahil binanggit nito si Perry na pare-pareho nilang ikinatahimik na pamilya. Masaya siyang totoo na aalis dahil sa wakas ay makakapagsimula na siyang simulan ang mga pangarap niya. Pero hindi niya itatanggi sa sariling mayroon siyang lungkot na nararamdaman na hindi niya makikita si Perry bago siya umalis. Ilang araw na simula ng huling tumawag ito at wala yatang oras na hindi ito pumasok sa isip niya. Hindi man sila matagal na nagkakilala ay nasisigurado na niyang nagkaroon na ito ng malaking puwang sa kanyang puso. Hindi pa niya masabi noong una pero ngayon ay aaminin na niya sa sariling gusto niya si Perry. Gustong-gusto niya ang binata kagaya ng hindi pa niya nasubukan magkagusto sa kahit na sinong lalaki. Hindi pa niya iyon masabi kung gaano kalalim subalit alam niya sa sariling hindi na niya ito makakalimutan pa. Madalas bago matulog ay binabalikan niya sa kanyang isip ang mga eksena na magkasama sila ng binata. Ang mga papuri nito kung gaano siya kaganda. Ang mga simpleng gestures ng pagiging malambing nito at pagiging maginoo. Sa tuwina ay napapangiti siya kapag naalala ang magandang ngiti ng binata. Hindi niya alam kung makikita pa niya itong muli. Marahil ay hindi na. O maaring nakalimutan na din siya dito dahil hindi na nito nagawang tumawag para kumustahin siya. Maaring sa buhay nito sa maynila ay nakalimutan na ang isang probinsyanang katulad niya. Kailan ba ang huling pag-uusap nila. Ito ay noong bago pa siya pumunta ng Maynila para kunin ang resulta ng visa application niya at ilang araw na iyon. Kaya naman malungkot siyang naglalakad habang pauwi ngayon sa kanilang bahay. Galing siya sa trabaho kanina pero dumaan muna siya sa isang pinsan bago dumiretso ng uwi. Naglakad nalang siya mula sa bahay nito dahil malapit lang naman. Nakayuko at mabagal siyang naglalakad sa gilid ng daan habang ilang beses na nagpapakawala ng malalim na paghinga. Paulit-ulit niyang sinasabi na hindi na dapat niya iniisip si Perry dahil aalis na siya. Kailangan na din niya itong kalimutan dahil tila nakalimutan na din siya nito. Wala ng silbi kung iisipin niya ang binata. Pag-alis niya ay tuluyan na silang hindi magkikita. “I never see you like that before.” Nagsalubong ang mga kilay niya ng biglang marinig ang boses ng binata. Mukhang nababaliw na siya dahil kahit ang boses nito ay naririnig na niya kung saan-saan. Napapailing na nagpatuloy siya sa paglalakad habang nakayuko. “Mukhang malalim ang iniisip mo…” Muling nagsalubong ang mga kilay ni Riki. Diyata’t totoong nababaliw na siya dahil muli niyang narinig ang boses niya. “Riki!” Nag-angat na siya ng mukha ng marinig ang malakas na boses ni Perry. Napanganga siya ng makita itong nakatayo ilang metro ang layo sa kanya. Nakasandal ito sa likuran ng isang itim na kotse na natatandaan niyang kotse nito ng sunduin at ihatid siya sa bahay nila ng umattend siya sa birthday party ng kapatid nito. Nakapamulsa ang dalawang kamay nito sa pantalon at kahit simpleng mapusyaw na asul at maong na pantalon lang ang suot nito ay napakaguwapo na nitong tingnan. Bigla ay nawala ang lahat ng lungkot niya sa katawan at nagliwanag ang kanyang mukha. “That’s the Riki I know. ‘Yang ganyang liwanag ng mukha mo ang namiss ko.” Pahayag nito ng makita ang reaksiyon niya. Tuluyang siyang napangiti sa tinuran nito at bumilis ang mga hakbang na lumapit dito. “N-nandito ka… a-anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa? H-Hindi ko alam na darating ka…” sunod-sunod niyang tanong dito. Kasabay ng mga salitang iyon ay nagsimula din ang pamilyar na kabog ng dibdib at pintig ng puso niya. Dumaan ang amusement sa mga mata nito. “Hi Riki… kamusta ka?” kalmanteng sabi nito. “H-Hi Perry… m-mabuti naman ako. I-ikaw… naligaw ka yata dito…” Kinastigo niya ang sarili dahil sa pautal-utal niyang sagot. “It’s good to see you again Riki. Mabuti naman at mabuti ka. Akala ko ay may mabigat kang problema kanina ng makita kita.” Alanganin siyang ngumiti. “May mga iniisip lang. I-Ikaw. Anong ginagawa mo dito? Bumisita ka ulit sa kapatid mo?” Umiling ito. Tinanggal ang nakapamulsang kamay sa pantalon at humakbang palapit sa kanya. Tumigil ito ng isang hakbang nalang ang agwat nila. Napatingala siya dito. Pakiramdam niya ay kakalas na ang mga laman-laman niya sa loob ng katawan sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib sa pagkakalapit nilang iyon. Naging masidhi ang tingin nito sa kanya. “I came to see you Riki. Gusto ko sanang makausap ka. Meron akong gustong sabihin sa iyo.” anitong medyo sumeryoso. “M-Mukhang napakaimportante ng sasabihin mo at talagang sinadya mo pa ko dito.” aniya ditong nilabanan ang tingin nito. “A-ano ---.” Tumikhim siya upang linisin ang bara sa kanyang lalamunan dahil kanina pa siya pautal-utal. “Ano bang atin?” “Oo… napakaimportante na kailangang puntahan kita dito. Gusto kong sabihin sa iyo ng personal.” Para na siyang aatakihin sa mga sandaling iyon. “A-anong sasabihin mo?” Mas sumidhi ang titig nito sa kanya. Pakiramdam niya ay kakawala ang kanyang puso sa bilis ng pintig niyon sa paraan ng pagtitig nito.Wala siyang ideya kung ano ang sasabihin nito o ang dahilan ng biglaan nanaman nitong pagsulpot sa harapan niya. Ni hindi na siya umasang muli itong makikita. “Riki….” “Hmmmnnn…” nahigit niya ang paghinga. “Gusto kong malaman mo…..” “A-ano….” “Gusto kong malaman mo na …… mahal kita.” walang patumpik-tumpik na sabi ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD