Chapter 14

441 Words
“SALAMAT sa paghatid sa akin Perry. At pakisabi sa kay Karrin at Marcus, nag-enjoy akong kasama sila. Masaya ‘yung party…kahit sa simula e nahihiya ako.” Ani Riki sa binata. Kasalukuyan na silang nasa harap ng bahay nila. Tinanggal niya ang suot na jacket na kanina ay gamit lang ng binata. Isinuot nito iyon sa kanya ng pauwi na sila dahil malamig na ang paligid. Iniabot niya iyon sa binata. Sandali nito iyong tinitigan pagkuwa’y nagsalita. “You keep it.” Anitong kinuha ang jacket at muling isinuot sa likod niya. Nakaawang ang labing hindi siya nakapagsalita. Nang maisuot nito iyon sa kanya ay muli itong humarap sa kanya. “Riki, babalik na ako ng Manila bukas.” Nagulat siya pero hindi nagpahalata. Inaasahan na niyang aalis doon ang binata pero hindi sa ganoon kabilis na araw. “T-talaga? K-kung ganon, mag-iingat ka sa biyahe mo.” Nasabi nalang niya. Hindi pa man ay nararamdaman na niya ang lungkot na hindi na ito makikita. “Gusto kong malaman mo na sobra akong naging masaya sa naging bakasyon ko dito. Nagagalak akong nakilala kita. Oo at nagkaroon ako ng pasa ng matamaan ako ng bola pero hindi ko pinagsisihan na nangyari iyon. Iyon ay dahil nakilala kita.” “Perry…” “Pagbalik ko nang Manila. Hindi ko alam kung kailan ulit ako babalik dito. Siguradong magiging busy ako dahil sa mga naiwan kong trabaho. Pero sana…” sandali itong tumigil at inilibot ang tingin sa buong mukha niya. Sa ginawang nitong iyon ay nahigit niya ang paghinga. Hindi pa rin siya sanay na tinititigan siya nito at pinagmamasdan. “….sana… hindi maputol ang pag-uusap natin. Sana hindi ito ang huling pag-uusap natin. Let’s keep in touch?” Kahit papaano ay nagustuhan niya ang sinabi nito kahit pa nalulungkot siyang aalis na ito. “W-wala namang problema sa akin kung mag-uusap pa rin tayo.” “I will call you. I promise.” Anito at sa pagkabigla niya ay kinabig siya nito palapit at niyakap ng mahigpit. Nanigas ang kanyang katawan at hindi kaagad malaman kung ano ang gagawin. Naramdaman niya ang mas humigpit pang yakap nito. Namalayan nalang din niya ang mga kamay na unti-unting umaangat para tugunin ang yakap nito. “I will miss you Riki… I’m so glad na nakilala kita…” he murmured. Napapikit siya. “Ako din Perry… mamimiss din kita…” Kagaya nito ay hinayaan niya ang binatang manatiling yakap siya nito. Gusto niyang lunurin ang sarili sa pakiramdam na nasa loob ng bisig ng binata. Dahil hindi niya alam kung magkikita pa sila. O maaring iyon na ang huling makikita niya ang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD