Chapter 3

1389 Words
DAHAN-DAHANG nagmulat ng mga mata Perry. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya ng tumambad sa kanya ang atip na kisame na may kababaan. Hindi niya natandaang pamilyar sa kanya iyon. Hindi ganoon ang kuwartong inookupa niya sa bahay ng bayaw niya at ng kapatid. Maya-maya’y naramdaman niya ang p*******t sa kanyang mukha partikular sa ibaba ng kanyang kanang mata hanggang sa kanyang pisngi. “Nagigising na siya!” Narinig niya ang malakas na boses ng batang babae at ang mabibilis na mga yabag na palapit sa kanya. Sa nanlalabong paningin ay lumitaw sa harap niya ang isang babaeng nasa panaginip niya kanina. Kumurap-kurap siya at kasabay ng tuluyang paglinaw ng kanyang paningin ay napatitig siya sa babaeng nakatunghay sa kanya. Nararamdaman niya ang pagkirot sa kanyang mukha pero tila hindi niya iyon masyadong napagtuunan ng pansin. Basta nakatitig lang siya sa babae habang paiba-iba ang ekspresiyon ng mukha nito. “Ate, bakit hindi siya nagsasalita? Baka may amnesia na siya?” Muli ay narinig ni Perry ang tinig ng batang iyon. Tumingin siya sa bandang kanan niya at nakita niya ang isang dalagitang matamang nakatingin din sa kanya dalawang hakbang mula sa kanya. Tila sinusuri din siya nito kagaya ng magandang babaeng nakatanghod sa kanya. Naramdaman niya ang bahagyang pagpindot sa kanyang pisngi. Nang ibalik niya ang tingin sa magandang babae ay ito ang pumipindot-pindot sa kanyang mukha. “Hello? Ayos ka lang? Natatandaan mo ba ang pangalan mo?” ang tinig na yata nito ang pinakamagandang tinig na narinig niya kahit naringgan niya iyon ng bahagyang pag-aalala. Napakurap-kurap. “I-I’m Perry…” sambit niya sa pangalan. “Amerikano siya!” narinig niyang bulalas ng isa pang batang babae sa bandang paanan naman niya. Noon siya napatanong sa sarili kung ano ang nangyayari at kung sino ang mga taong ito na nakapaligid sa kanya. Bigla siyang bumangon dahilan para mapaurong ang mga ito. Kasabay ng pagbangon niya ay muli sumigid ang kirot sa kanyang mukha. Nasapo niya iyon. “A-anong nangyari?” “Hindi siya Amerikano. Nagtatagalog siya.” mahinang sabi ng isang dalagita na nagsabing Amerikano daw siya na katabi nito. Napatingin siya dito. Katabi na nito ang batang babaeng nasa paanan niya kanina. “Sira ka! Hindi ‘yan Amerikano. Kita mong itim na itim ang buhok. Tsaka may Amerikano bang moreno?” anang isang dalagita ding katabi nito. Napakurap-kurap siya at nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawang babae. Kung hindi siya nagkakamali ay kambal ang mga ito. “Ayos ka lang ba?” biglang lumitaw sa harap niya ang babaeng may napakagandang mukha. “Heto, mukhang nanakit iyang pisngi mo. Pasensiya ka na. Hindi ko sinasadya.” Anitong inabot sa kanya ang bloke ng yelo na nakabalot sa isang face towel. Inabot niya iyon diretso sa kanyang kumikirot na pisngi. “Anong nangyari? Papaano ako napunta dito? Sino kayo?” tanong niyang sinimulang ilibot ang tingin sa paligid. Maliban sa tatlo ay may nakita pa siyang isang binata na nakaupo sa pang-isahang rattan na upuan. Mataman lang itong nakatingin sa nangyayari. “Ako si Riki. Natamaan kita ng bola ng baseball. Hindi ko alam na may tao doon. Hindi ko sinasadya na matamaan ka. Pasensiya ka na ha. Pero natatandaan mo naman ang pangalan mo diba?” sunod-sunod na sabi nito. Kahit kumikirot ang mukha ay napangiti pa rin siya. Hindi ito magkandatuto-tuto sa pagpapaliwanag sa kanya. Itinaas niya ang kamay para patigilin ito. “Wala kang dapat ihingi ng pasensiya. Hindi mo kasalanan. Hindi ko din talaga nakita na may parating na bola.” Aniya. Napailing siya ng maalala ang nangyari. Isa siyang bakasyonista sa lugar na iyon. Sa lugar na iyon nakapag-asawa ang nakababata niyang kapatid na si Karrin isang taon palang ang nakakalipas at ngayon ay limang buwan ng buntis. Naimbitahan siyang magkabasyon doon ng ilang araw. Dahil gusto din niyang makita ang lugar na tinitirhan ng kapatid at gustong makapagpahinga mula sa napakaraming trabaho sa Maynila ay pumayag siya. Nang araw na iyon ay naglibot-libot siya hanggang sa makarating sa baryong iyon sakay ng bigbike ng bayaw niya. Maganda ang panahon at hindi masakit sa balat ang sikat ng araw kaya kung saan-saan siya nakarating hanggang sa marating niya ang lugar kung saan may nakita siyang mga kabataang naglalaro ng baseball sa isang malawak at nakatenggang lupain. Hilig niyang kuhanan ang iba’t-ibang senaryo sa paligid lalo na ang mga stolen and candid shots at mga magagandang lugar sa lahat ng lugar na napupuntahan niya. Mahilig siya sa photography. Nakuha ng atensiyon niya ang paligid at ang mga naglalaro ilang metro ang layo sa kanya. Kampante siyang kumukuha ng mga larawan sa buong paligid hanggang sa salubungin siya ng bumubulusok na bola. Sapol ang kanyang mukha bago pa siya makaiwas. At dahil nabigla ang kanyang katawan ay nagdilim ang kanyang paningin at nahilo siya. Bumagsak siya sa pinong d**o at bago siya tuluyang mawalan ng malay ay isang mukha ng napakagandang babae ang nakita niya. Bahagya nalang niyang narinig ang mga ingay na lumapit sa kanya. Natatandaan na niya na ang babaeng iyon at ang babaeng kaharap ay iisa. Hindi niya napigilan ang sariling bistahan ang babaeng nasa harap. May katangkaran ito na pumapalo sa limang talampakan at anim na pulgada. Makinis ang morena nitong balat. Magulo ang nakatali nitong buhok. At kahit isang lumang blouse at kupasing palda ang suot nito ay hindi niyon napingasan ang napakaganda at maliit nitong mukha. Ito na yata ang may pinaka-inosenteng mukhang nakita niya sa buong buhay niya. Bakas sa nangungusap nitong mga mata ang guilt sa nangyari. Ang matangos at may kaliitan nitong ilong na tila kaysarap pisilin. Napako ang tingin niya sa kumikibot-kibot nitong labi na may kanipisan. Hanggang sa magtungo ang kanyang mga mata sa buong katawan nito. Sigurado siyang isang magandang hubog ng katawan ang itinatago ng kupasin nitong damit. Narinig niyang Riki ang sinabi nitong pangalan. Cute! Sabi ng isip niya. Hindi niya namalayang tumatagal na ang pagkakatingin niya dito kundi pa nagsalita ang isa sa kambal. “Manong! Ano na po? Nainlove ka na po ba sa ate ko at ganyan ka na po makatingin sa kanya? Aba’y magpakilala ka po muna kung plano mong manligaw sa kanya.” Napatingin siya sa isang kambal na nagsalita. Nakapameywang na ito habang tumaas-baba ang mga kilay. Napahiya siya. Malakas siyang napatikhim. “P-Pasensiya na…” aniya. “Anong pangalan mo po? Ngayon ka lang namin nakita dito? Nagbabakasyon ka po ba dito?” sunod-sunod na tanong ng isa sa kambal. Lumapit ito sa kanya at umupo sa mahabang rattan na sofa na kinahihigaan niya kanina. “Ako nga pala si Nana. Pasensiya ka na kung tinamaan ka ng bola. Napalakas ang tira ni Ate, pero kasi, kung hindi niya ‘yun gagawin ay matatalo sila sa laro.” Dire-diretsong sabi nito. Naisip niyang may kadaldalan ang kambal. “Hi Nana. Tawagin mo akong Perry. At oo ang sagot ko sa tanong mo. Nagbabakasyon ako dito sa inyo. Malakas tumira ang Ate mo. Medyo masakit nga eh.” Aniyang hinaplos ang kumikirot na pisngi saka sumulyap sa natahimik na babae. “Ako naman si Lala.” Lumapit ang isa pa sa kambal at iniabot sa kanya ang kamay. Tumingin ito sa lalaking tahimik na nakamasid sa kanya. “Siya naman si Kuya Gerom.” Tinanggap niya ang kamay ng dalagita at saglit na tinanguan ang nagngangalang Gerom. “Hello Lala.” Aniya. “Well, Nana…Lala…” Pinaglipat ang tingin sa kambal saka muling tumingin sa ate ng mga ito. “Mukhang nag-aalala pa ang Ate Riki niyo dahil sa pagkakatama niya sa akin. Pwede niyo bang sabihin na wala na siyang dapat ipag-alala dahil maayos naman ako.” Aniyang hindi inihihiwalay ang tingin dito. “O ate, narinig mo ‘yun ha. Wag ka nang masyadong mag-alala. Kahit na nangingitim ang pisngi niya e ang guwapo-guwapo pa rin niya diba?” namilog ang mga matang sabi ni Lala dito. Nanlaki ang mga mata niya. “Nangingitim ang pisngi ko?!” napalakas ang boses niya. Muntik pa niyang mabitawan ang telang may yelo na iniabot sa kanya ng dalaga sa pagkabigla. Nakagat ng dalaga ang labi nito habang iniaabot sa kanya ang maliit na salamin. Pumalatak siya ng makita ang nangingitim nga niyang pisngi. Bago pa siya makapag-isip ay marahas siyang napatingin sa dalaga at malakas na nagsalita. “You owe me a dinner!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD