Chapter 2

558 Words
“RIKI! RIKI! RIKI!” Sigaw ng mga tao sa paligid sa kanyang pangalan. Nasa isang malawak na lupain siya ng hapong iyon ng Sabado kasama ang mga kapatid at iba pang pinsan nila sa side ng kanilang tatay at iba pang mga kaibigan. Nakaugalian na nila ang paglalaro ng baseball sa nakatenggang lupain na iyon na may maliliit lang na d**o ang nakatanim na humigit kumulang isang ektarya ang lawak tuwing hapon ng Sabado. Bata palang siya ay naging kaugalian na nila ang maglaro ng baseball tuwing hapon sa ganoong araw hanggang sa makuha iyon ng mga sumunod sa kanilang henerasyon. Pagdating ng alas singko ng hapon ng Sabado ay magiging maingay na ang nakatenggang lupa. Sa edad niyang iyon ay nakakasama pa rin siyang maglaro minsan kagaya na lamang ng araw na iyon. Sa oras na iyon ay hawak niya ang baseball bat at siya ang titira. Nahati sila sa dalawang grupo at lamang ang kalaban. Kalaban niya sa pagkakataon iyon ang kapatid na si Gerom. Ang kambal ay hindi kasali sa laro at nanonood lamang na kasama sa mga tao sa paligid na nagchi-cheer sa kanya. Lamang ng dalawang puntos ang kalaban at kailangan niyang maka-home run ng tatlong beses para sila manalo. Siya nalang ang natitirang manlalaro sa grupo nila. Sagot nila ang meryenda kapag natalo sila. Nagconcentrate sila sa paghawak ng baseball bat na animo isang tunay na manlalaro habang ang pitcher sa kabilang lane ay inihahagis-hagis ang bola sa ere. Bagamat nakapalda ay pumorma siya ng maayos sa pagtira. Siya ang pag-asa ng grupo nila. Hindi siya kailangang magmintis. Inihanda niya ang sarili ng ihagis ang bola. “Strike one!” Anang mga tao sa paligid ng hindi niya paluin ang bola. Sa pangalawang hagis ay muli siyang hindi pumalo dahilan para mag-strike two siya. Kailangan na niyang pumalo sa ikatlo kundi ay tuluyan silang matatalo. Sa ikatlong paghagis ng bola ay unti-unting humina ang sigawan sa paligid. Lahat ay nakasunod sa bolang papalapit sa kanya. Diretso ang tingin niya sa bola at nang matantiya ang lapit ay ubod lakas niya iyong pinalo. Tumahimik ang buong paligid habang nakasunod ang tingin ng lahat sa papalayong bola. Humahagis ang bola sa malayong parte sapat para siya makahome run. Nagsigawan ang mga kateam-mate niya pero napahinto din ang lahat ng eksaktong tumama ang bola sa isang lalaki. Sapul ito sa mukha. At siguro, marahil sa di inaasahang pagsalubong ng mukha nito, at sa malakas na pagtira niya ay nawalan ng malay ang lalaki dahil natumba ito. Sandaling nagkaroon ng katahimikan pagkuwa’y parang iisang taong nagsitakbuhan sila papalapit sa lalaking tinamaan. Nakisabay si Riki ng takbo kahit pa nakapalda siya. Paglapit niya ay dumukwang kaagad siya dito para sipatin ang lalake. “Buhay pa ba siya?” narinig niyang tinig ng isang bata. “Ate Riki, mukhang hinimatay siya.” iyon ang sinasabi sa kanya ng mga kalaro. Nagkaroon ng komosyon sa paligid. Bahagyang nagmulat ang lalaki at eksaktong nagtama ang kanilang mga mata. Sa tingin niya ay nahihilo ito at hindi pa naglilipat ang ilang sandali ay tuluyan itong nawalan ng malay. “Lagot ka Riki. Nakapatay ka ng tao!” pananakot ng ibang pinsan niya. Pinanlakihan niya ng mata ang mga ito. “Dali! Gerom! Buhatin niyo siya! Dalhin natin sa bahay!” natatarantang sigaw niya ng tuluyang mawalan ng malay ang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD