Chapter 4

4045 Words
Chapter 4 "H-Hannah" yan na lang ang lumabas sa kanyang bibig habang naka titig sa babaeng naka tayo sa kanyang harapan. Pakiramdaman nya humiwalay ang kaluluwa nya sa kanyang katawan dahil sa takot at kaba na kanyang naramdaman. Sandali Narinig nya ang nangyari saamin ni Sir William? Paano na to? Paano ko ipapaliwanag sakanya ang mga nangyari? Paano na lang kong ipag kalat nya sa ibang mga estudyante at ibang teacher ang namamagitan saamin dalawa? Paano na to? Ano ang gagawin ko? Nag danak ang malamig na pawis sa kanyang noo at leeg ng mga sandaling iyon. Tila ba aligaga at hindi sya mapa kali habang naka titig sa walang emosyon at malamig na mga mata ni Hannah. Ang malamig nyang titig nag bibigay ng kakaibang takot at kilabot sa aking pakiramdaman. Tahimik syang lakad papunta sa gawi ko at tila ba nakapako ang aking mga paa sa sahig na hindi ako maka kilos at maka galaw, ang tanggi ko na lang magawa ay ang pag masdan ito ng tahimik. Tumigil si Hannah sa tabi ko at humarap sya sa napaka laking salamin, at kahit may distansya saakin ramdam ko ang kakaibang takot sa aking dibdib na hindi ako mapakali dahil baka may alam sya saamin ni Sir William. "K-Kanina kapa ba dyan?" Sapat na ang aking tinig para marinig nya ang sinabi ko. Kita ko sa gilid ng aking mga mata na bahagyang tumigil si Hannah at kasunod non nabalot ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. "N-Narinig mo ba?" Kulang na lang malupasay na ako sa kaba at takot ng kanyang naramdaman sa mga sandaling iyon. Sa bawat segundong lumilipas nag bibigay ng kakaibang takot at nerbyos yon sa kanyang kalamnan. Parang gusto nya ng kainin ng lupa dahil narin sa takot na baka ipag kalat ni Hannah ang totoo. "W-Wala" matabang nitong sambit at awtomatiko naman akong napa titig sa gawi nya. Ilang beses ako napa piyok habang naka titig sa napaka seryoso at misteryong mga mata ni Hannah. Nanatili padin syang naka tayo habang naka harap sa salamin, pero kahit ganun kita ko ang blankong expression sa kanyang mukha. "S-Seryoso ka? W-Wala kang narinig kanina? Dib—-" hindi ko natapos pa ang sasabihin ko ng bigla syang humarap saakin. Kulang na lang mag lupasay na ako sa takot at lakas ng pintig ng aking puso ng mga sandaling iyon. Ramdam ko ang panginginig ng aking katawan at mga tuhod na anumang oras bibigay na yon dahil narin sa mga nangyari. Ang kanyang mga mata, ay napaka lamig at puno ng galit, hindi ko maintindihan kong bakit ganyan sya saakin. "Kakasabi ko lang diba? Wala akong narinig, wala na dapat pa akong ipaliwanag pa sayo" matabang nyang sambit saakin na sanhi mapa kurap ako dahil narin ito ang unang pag kakataon na marinig ko syang mag salita na medyo mahaba. Isang matalim na titig ang binigay nya saakin at pagkatapos nag kilos na sya para iwan ako mag isa sa comfort room. Tangka sana syang aalis pero mabilis akong mag salita. "Pwede ba kitang mag kaibigan Hannah?" Hindi ko alam kong saan ako humugot ng lakas para sabihin ang katagang yon. Kinagat ko na lamang ang aking ibabang labi, para itago ang kahihiyan na ginawa ko. Jusko. Bakit mo ba sinabi yon Maddie? Hindi mo na ba nakita, na ayaw nya sayo? Bakit mo pa sya tinanong na gustong maging kaibigan? Ilang segundo nabalot ng katahimikan sa panig naming dalawa at wala akong narinig na ano pang reaksyon sakanya. "Sige" maikli nitong sambit na sanhi ako'y mapa titig kay Hannah na nanatili padin naka tayo pero naka talikod saakin. Nag pakawala ako ng isang malalim na buntong hiningga at pagkatapos non, nag simula na syang mag lakad para iwan ako nag iisa sa loob ng comfort room. Nang tuluyan na syang mawala sa aking paningin hindi ko maiwasan na mapa hawak sa sink habang sapo-sapo ko ang aking noo dahil sa nangyari. Hindi padin humuhupa ang napaka lakas na pintig ng aking puso habang naka titig sa pinto na nilabasan ni Hannah kanina. Sana talaga wala kang alam Hannah. Umaasa syang hindi nito ipag kakalat sa iba. MADDIE'S POV Di nya alam kong ilang beses na sya napa buntong hiningga ng mga sandaling iyon. Naka upo sya sa bench sa labas ng school nila at pinag mamasdan nya ang mga ilang mga estudyante na nag lalaro ng basketball sa field. Mabuti na lang maganda ang nakuha nyang pwesto ngayon dahil medyo malayo at napaka raming napaka yabong na mga punong kahoy sa paligid, kaya't hindi masyado dumadapo ang sinag ng araw sakanya, kahit pasado alas dose na ng tanghali. Marami syang mga estudyante na nakikita na, nag lalakad at nag kukuwentuhan, yong iba naman naka upo sa mga bench na medyo malayo sakanya, sinusulit nila ang oras sa pag papahingga at pag lilibang sandali, habang hindi pa nag sisimula ang susunod nilang pasok. Sumandal sya sa bench na kinauupuan nya at hindi nya maiwasan na mag aalala at maka ramdam ng pangamba sa kanyang sarili, lalo't na sa kaganapan na nangyari sakanya kahapon sa comfort room, na pumunta si Sir William sa loob. Naalala nya ang bawat sandali na kong papaano sumulpot at lumabas na lamang si Hannah mula sa cubicle. Kahit sabihin nya saakin na wala syang narinig o nakita, pero nandoon padin ang kaba sa kanyang dibdib, na hindi sya mapakali. Iba parin ang kutob at takot sa kanyang puso. Paano na lang kong alam nya? Paano kong may narinig sya tungkol saamin? Paano kong ipag kalat nya yon sa ibang estudyante at mga teacher? Tiyak na malilintikan na sya nito, kapag nalaman ng mga magulang nya na may nangyari sakanila ng Professor nila. Labis nyang inaalala ang posibleng chismiss at usap-usapan na pwedeng kumalat kapag pinag sabi ni Hannah kong ano man ang narinig nya kahapon. Alam nya narin sa kanyang sarili na walang lihim na hindi mabubunyag, balang araw malalaman din ng mga tao kong ano ba talaga ang relasyon na namamagitan sakanila ni Sir William, pero hindi pa sya handa na malaman ng mga tao ngayon. Hindi pa sya handa ngayon. Inis syang napa sapo sa kanyang mukha, na gusto nyang sumigaw para mawala ang stres at pangamba sa kanyang dibdib, pero hindi nya magawa. Kailangan nyang maka usap ngayon si Hannah, kakausapin nya ang dalaga para mawala na ang pangamba at takot sa kanyang dibdib. Sisiguraduhin nya ulit na wala itong narinig o nakita kahapon. Bahala na. Mabilis nyang kinuha ang hand bag nya na naka patong sa bench at nag mamadali na syang tumayo para puntahan si Hannah sa kanilang silid. Napaka bigat at napaka laking hakbang ang ginawad nya papunta sa kanilang silid para mabilis kaagad sya maka punta doon. Sa bawat hakbang na ginawa nya, nag bibigay takot at kaba sa kanyang dibdib na para syang mag a-audition dahil napaka lakas ng kabog ng kanyang puso. Marami syang nakaka salubong na mga estudyante sa hallway, kinagat nya ang kanyang ibabang labi at napaka hawak sya ng mahigpit sa bag nya ng matanaw na nya ang pintuan ng kanilang silid. Awtomatiko naman na napatigil sya sa harapan ng pinto at di nya alam sa kanyang sarili kong ilang segundo sya napa titig sa pinto, hindi nya alam kong tutuloy paba sya o aatras na lamang. Kaya mo yan Maddie. Magagawa mong maka usap si Hannah, mag tiwala ka lang. Nag pakawala sya ng isang malalim na buntong-hiningga bago nya inapak ang kanyang mga paa papasok sa kanilang silid. Nang tuluyan na syang maka pasok sumalubong sakanya ang kanyang mga kaklase na abala sa kani-kanilang ginagawa, nabalot ng inggay at tawananan sa loob ng kanilang kwarto. Una nya kaagad na hinanap ang upuan kong saan naka upo si Hannah pero ganun na lamang ang panlulumo nya ng makita nyang nanatiling bakante ang kanyang upuan. Kinagat nya na lamang ang kanyang ibabang-labi dahil wala si Hannah sa kanyang upuan. Ginala nya ang kanyang paningin sa loob ng kanilang silid para hanapin si Hannah pero hindi nya ito mahanap. Asan kaya sya? Saan sya nag punta? "Maddie!" Kulang na lang mapa talon sya sa gulat ng maramdaman nya na may humawak sa kanyang balikat. "Ay butiki!" Tili nya na kulang na lang mapa sigaw sya sa sobrang pag kagulat. Ramdam nyang domoble ang lakas ng pintig ng kanyang puso ng mga sandaling iyon.Mabilis nyang nilingon at nakita nya ang kaklase nyang si Maurine at bakas din ang gulat sa kanyang mukha. "M-Maurine, andyan ka pala" nag kadautal-utal na sya, na pakiramdam nya domoble na ang kabog ng kanyang puso. Akala nya si Hannah na ang humawak sa kanyang balikat. "O bakit namutla ka ata? May problema ba Maddie?" Bakas ng pag aalala sa kanyang tinig at mabilis syang umiling para itago ang pag kagulat sa kanyang mukha. "O-Oo okay lang ako Maurine. Bakit?" Mahina nyang sambit at isa lamang na matamis na ngiti ang sinukli nito. "Hinahanap ka kasi ni Maam Irene, yong teacher natin sa Pastry" aniya nito na sanhi mapa arko ang kilay nya sa sinabi nito. "Ako? Hinahanap nya? Bakit?" Maang nyang tanong dito. Nag tataka din sya kong bakit sya hinahanap ng teacher nila. "Ewan ko. Kakausapin ka siguro" nag kibit balikat nitong turan. "Sya nga pala, paki dala narin to kay Maam Irene, hinihiram nya kasi tong libro saakin" sambit nya at nilahad nya saakin ang tatlong makakapal na libro na puro libro ng katatakutan at mystery ang laman. "Ahh ganun ba? Sige" alangan nyang turan at kinuha nya dito ang libro. "Sige maiwan na kita Maddie. Salamat" tangka sana tong aalis pero mabilis nya naman tong pinigilan. "Sandali Maurine" pag pipigil nya dito at maang naman itong napa tingin sakanya. "N-Nakita mo ba si Hannah?" Sapat na ang lakas ng boses nya para marinig nito. Bakas ng pag kagulat ang mukha ni Maurine ng hanapin nya si Hannah. Alam din kasi nito na hindi masyado nila ito ka-close dahil narin sa napaka tahimik nito at wala itong kahit na isang kaibigan sa kanilang mga kaklase. Bahagyang lumingon sa kanan at kaliwa si Maurine na animo'y hinahanap din si Hannah, at pagkatapos humarap ito sakanya. "Umalis siguro Maddie, kanina kasi nandyan lang sya sa kinauupuan nya. Baka lumabas sya sandali" aniya nito at napa tanggo na lamang sya. Umalis sya? Saan naman kaya sya pumunta? Saan sya ko sya hahanapin? "Alam mo ba kong saan sya pumunta?" Nag babakasali syang alam ni Maurine kong saan ito pumunta. Kailangan na kailanga nya na kasing maka usap ito sa lalong madaling panahon. "Pasensya kana Maddie, hindi ko alam kong saan sya pumunta" turan nitong muli at doon na bumagsak ang kanyang balikat sa sinabi nito. Nag paalam na sya kay Maurine at nag mamadali na syang lumabas sa kanilang silid bitbit ang libro nito. Tahimik nyang binabaybay ang corridor sa kanilang campus at marami syang nakaka salubong na mga estudante. Napa dako sya sa wristwatch nya at doon nya napansin na 12:40pm pa lamang. Mayron na lamang 20mins bago mag simula ang susunod nilang klase. Dapat sa loob ng 20mns mahanap at maka usap nya na si Hannah, dahil hindi nya alam kong magkakaroon paba sya ng pagkakaon na maka usap itong muli. Napaka laki ang kanyang mga hakbang papunta sa office ni Maam Irene, kailangan nya munang maka usap at ihatid ang libro sa teacher nya bago nya hanapin si Hannah. Sa bawat taong maka salubong at makita nya, umaasa syang makikita o kaya naman makaka salubong nya si Hannah pero bigo syang makita ito. Asan na kaya sya? Kinagat nya ang kanyang ibabang labi at umaasa syang makikita nya ito. Bawat sulok at kanto ng kanilang campus, hinahanap nya ito pero hindi nya makita ito o kahit narin ang anino nito. "Oh, saan ka pupunta Maddie?" Ang kanyang ngiti nag bigay sakanya ng kakaibang takot at kilabot sa kanyang katawan. Bigla syang napa tigil sa pag lalakad at pakiramdam nya nag simulang manginig ang kanyang katawan sa takot ng makita nya si Maxine na naka tayo sa kanyang harapan at isang nakaka lokong ngisi ang sumilay sa kanyang labi habang naka tingin saakin. Tahimik nyang pinag mamasdan si Maxine at nakita nya ang dalawa pa nitong alalay nito na si Vanessa at Kim na naka tayo at naka harang sa kanyang dinaraanan. Napa atras sya ng konti at ramdam nya ang pag danak ng malamig na pawis sa kanyang noo at leeg habang naka titig sa napaka dilim at nanlilisik nitong mga mata. "M-Maxine" yan na lamang ang lumabas sa kanyang bibig. Bumilis ang kabog ng kanyang puso na kulanh na lang mag lupasay na sya sa sobrang takot at kaba na ngayon kaharap nya ang kinakatakutan na grupo sa kanilang Campus. "Long time no see Maddie" isang nakaka takot at nakakapanindig balahibong ngumiti si Maxine sakanya. Nilunok nya na lamang ang naka barang laway sa kanyang lalamunan para itago ang kaba at takot sa kanyang dibdib. Ito rin sa lahat ang iniiwasan nya ang grupo nina Maxine, dahil narin sa likas na bully ito at maraming estudyante ang takot na maka bangga ito dahil narin wala itong kinakatakutan kahit na sino. Anak si Maxine na sikat na kompanya at rinig ko rin sa iba't-ibabg usapan na ga estudyante na malaki ang ambag na share ng mga magulang nya sa Campus kong saan sya nag aaral ngayon, kaya't kahit anong pag susumbong o ipa expelled man si Maxine at mga kaibigan nito, wala parin silang laban dahil malakas ang mga magulang nito lalong-lalo narin sa impluwensya nito sa kanilang School. Saksi din sya sa kalupitan nito at sama ng kanyang grupo, at minsan nadin sya nito binully kaya't pinangako nya talaga sa kanyang sarili na iiwasan nya ito hangga't makakaya nya pero hibdi nya inaasahan na makakasalubong nya ito ngayon. Paano na to? Paano nya na matatakasan si Maxine? Hinawakan nya ng sobrang higpit ang kanyang bag at nag pakawala sya ng malalim na buntong-hiningga, kailangan nya itong malampasan para marating nya ang office ng kanyang teacher Irene. Nag simula na syang mag lakad na tila ba hindi nya ito napansin, mas maganda na siguro na yon ang kanyang gagawin para maiwasan nya ito. Bago paman sya tuluyan na maka lampas sa grupo nina Maxine pero nagulat na lamang sya ng humarang ulit sa kanyang dinaraanan si Maxine, at sa ngayon kay talim na ng titig ang pinukol nito sakanya. "Saan ka pupunta Maddie?" Nakapamaywang nitong asik at tumingala na lamang sya at napa lunok na lamang sya ng mapadako ang napaka talim nitong titig sakanya na tila ba naka gawa sya ng pag kakamali dito. "Mukhang nag mamadali ka ata. Iniiwasan mo ba kami?" Hinawakan nito ang kanyang balikat na nag bigay ng kakaibang kilabot sa kanyang kalamnan. "H-Hindi ko kayo iniiwasan. Nag mamadali lang ako" iniwasan nyang hindi mautal sa harapan nito para hindi nito mapasin kong gaano na sya kinakabahan dito. Pero bakit ganun? Bakit kahit anong pag kukumbinsi ko sa aking sarili na hindi matakot ng ganito, bakit mas lalong nararagdagan lamang ang takot sa aking dibdib? "Talaga? May pupuntahan ka? Bakit hindi muna tayo mag usap bago ka umalis. Diba exciting yon?" Bahagya nitong hinaplos ang kanyang pisngi, at mabilis syang umiwas. "Teka, ano ba to?" Nagulat na lamang sya ng inagaw sakanya ni Kim ang bag nya. "Teka akin na yan" mabilis syang lumapit kay Kim para agawin dito ang bag nya pero bago nya pa makuha sa kamay ni Kim, mabilis nitong pinasa ang bag nya kay Vanessa. Inis syang nag martsa sa kinaroroonan ni Vanessa para kunin ang bag nya pero nagulat na lamang sya ng hawakan ni Kim ang kamay nya para pigilan sya. "Ano ba. Bitawan moko!" Asik nya at pilit syang nag pupumiglas para maka wala sa pag kakahawak nito pero hindi nya magawa dahil mas malakas si Kim sa kanya. "Ano ba!" Patuloy nyang pag pupumiglas pero hindi talaga sya maka alis sa pag kakahawak nito. Ganun na lamang ang takot sa kanyang dibdib ng marinig nya ang yabag ng mga paa ni Maxine palapit sa kanyang kinaroroonan. Nag simula ng manginig ang kanyang katawan sa takot at nerbyos ng mga sandaling iyon. Gusto nyang tumakbo pero tila ba parang naka pako ang kanyang mga paa sa sahig na hindi sya maka galaw. Tuluyan na ngang naka lapit sakanya si Maxine at naka tayo ito sa kanyang harapan habang naka ngisi. "Bakit hindi muna tayo mag laro Maddie?" Napa singhap at napa unggol ako sa sakit ng marahas na hinablot ni Maxine ang aking buhok, inanggat nya ang aking ulo na sanhi mag kapantay kami ng tingin. Pakiramdam ko may natanggap na buhok sa aking anit dahil sa marahas nyang pag hablot ng aking buhok. Maluha-luha akong napa tingin sa mga mata ni Maxine na ngayon puro galit ang gumuhit sa kanyang mga mata. "B-Bakit ginagawa nyo to saakin?" Pakiramdam nya para bang may sumuntok sa kanyang puso habang sinasabi nya ang katagang yon. "Ayaw ko na Maxine, tigilan mo na to. Pagod na pagod na ako" mangingiyak nyang pag mamakaawa dito. Umaasa syang titigilan na sya at pati na rin ng grupo nito. Pagod na pagod na sya na paulit-ulit na lang syang nag tatago. Pagod na pagod na sya parati na lang sakanya na ginagawa ito. Sinubukan nya naman na gumanti at labanan ang grupo nito pero hindi ko magawa dahil mahina ako. Kahit anong gawin at sabihin ko para ipag tanggol ang sarili ko laban sa pang aapi nila pero sa bandang huli natatalo ako. Nagagawa nila akong pag apak-apakan at ipahiya sa maraming mga tao. Wala akong lakas para ipag tanggol ang sarili ko sa mga taong kagaya nila. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko kayang protektahan at ioag laban ang sarili ko. Bakit ba nangyayari to saakin? Hindi naman ako masamang tao, bakit patuloy ako nag durusa ng ganito? "Tigilan?" Sarcasmong tinig nito at napa unggol pa lalo ako sa sakit ng mas hinigpitan nya pa lalo ang pag kakahawak nya sa aking buhok na kulang na lamang mamilipit ako sa sakit. "Nag sisimula pa lang ako, tapos titigil na ako? Nag sisimula pa lang ang palabas Maddie" isang nakaka lokong ngisi ang pinakawalan nito saakin. "Please lang, tigilan mo na to Maxine. Nag mamakaawa ako. Ayaw ko na, pagod na pagod na ako. Maawa ka saakin." nag simula ng tumulo ang luha sa kanyang mga mata dahil sa sakit ng kanyang naramdaman. "Maawa?" Sarcasmo itong napa ngisi sa aking harapan. "Wala sa vocubolaryo ko ang maawa Maddie. Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sayo, nung huli tayo mag kita? Na sa oras na makita kitang muli, ibibigay mo saakin ang pera mo!" Asik nitong muli saakin. "Kaya akin na ngayon ang pera mo, sa ayaw at gusto mo!" Matigas nitong asik at nagulat na lamang ako sa sunod nyang ginawa dahil binigyan nya ako ng malakas na sampal sa aking pisngi. Halos nahilo sya sa lakas ng impact ng pag kakasampal nito sakanya. Ramdam nya ang kakaibang kirot at sakit sa kanyang kaliwang pisngi pero lahat ng yon tiniis nya. Hanggang kaya nya, titiisin nya lahat ng pag mamalupit nito sakanya. "Enough for your drama Maddie. Dahil hindi ako nadadala ng pag iiyak-iyak mo!" Asik nito sakanya. Tumingin si Maxine kay Vanessa, at isang senyas ang ginawa nya dito. Nagulat na lamang ako sa sunod na ginawa ni Vanessa ng sinimulan nya ng buksan ang bag ko at hinulog nya sa sahig lahat ng gamit ko. Wala akong magawa kundi pag masdan ang mga gamit ko na nahulog sa sahig, isa-isa kong nakita ang notebook, calculator, libro at pouch na nahulog, at huling nahulog sa sahig ay ang wallet ko. "Please tama na. Wag" pag mamakaawa nya dito patuloy padin sya nag pupumiglas sa pag kakahawak ni Kim pero gaya ng dati hindi sya nito binibitawan. Mabilis naman kinuha ni Vanessa ang wallet ko sa sahig at pag katapos kinaway nya ang wallet ko sa hangin. "A-Aray!" Daing ko muli sa sakit at kirot ng mas diinan ni Kim ang pag kakahawak nya sa aking pulsuhan. Maluha-luha ko syang tinignan dahil pakiramdam ko bumakat na ang kuko nya doon, at mag iiwan yon ng marka sa kanyang pulsuhan. "Paano ba yan Maddie. Akin na lahat ng pera mo!" Isang nakaka lokong ngisi ang binigay nya saakin at umayos sya ng tayosa aking harapan. Patuloy na umaagos ang luha sa aking mga mata ng sandaling iyon habang naka titig kay Maxine na naka tayo sa aking harapan at naka ngisi. Gusto ko syang sugudin. Gusto kong maka ganti sa lahat ng pag aapi nila saakin. Isang matalim na titig ang ginawaran ko kay Maxine, at kinuyom ko ang aking kamao dahil sa galit at pag titimpi ko sakanila. Tangka sana akong susugod kay Maxine para bigyan sya ng sampal, pero nagulat na lamang ako ng mabilis na hinigit ni Kim ang aking kamay na sanhi mapa sobsob ako sakanya. "B-Bitawan mo na ako Kim. A-Ano ba!" Patuloy kong pag pupumiglas sakanya "Masasayang lang ang lakas mo Maddie." Aniya ni Kim at napa daing ako sa sakit ng sinikmurahan ako ng suntok ni Kim sa aking tyan. Tuluyan ng nalaglag ang luha sa aking mga mata ng sandaling iyon. Nanghihina akong napa luhod sa sahig habang hawak-hawak ko ang aking tyan. Parang gusto kong sumigaw at umiyak sa sakit na aking naramdaman pero para bang walang lumabas na boses sa aking bibig. Napa titig ako kay Vanessa, Maxine at Kim na ngayon naka tayo sila sa aking harapan at isang nakakalokong ngiti sa kanilang labi, na tila ba masayang-masaya pa sila na makita akong nasasaktan. "Wag kana kasing lumaban pa Maddie" formal na sambit ni Maxine at umupo sya sa harapan ko. Wala akong lakas para mag salita at lumaban sakanya dahil nangingibabaw ang kirot at sakit na nararamndaman ko. Umupo si Maxine sa harapan ko at nag kapantay kami ng titig, kita ko ang mala demonyo nyang mga ngiti habang pinag mamasdan nya akong umiiyak at nag mamakaawa. Napa dako ang tingin ko kay Vanessa na naka tayo sa bandang dulo at naka ngisi din at pagkatapos, binuksan nya ang wallet ko at kinuha nya ang pera at ATM card ko at pagkatapon tinapon nya ang wallet ko na para bang wala ng silbi. Patuloy na umaagos ang luha sa aking mga mata habang pinag mamasdan silang tatlo. "Alamo, nakaka awa ka" tinaas nya ang hawak-hawak nyang drinks at nti-unti nyang binuhos ang hawak-hawak nyang drinks sa aking ulo. Hinayaan kong mag kalat ang malagkit na drinks sa aking ulo pababa sa aking damit at katawan. Patuloy na umaagos ang luha sa aking mga mata habang naka tingin kay Maxine na naka ngisi. "Oh bakit? Galit ka? Sige gumati ka saakin Maddie!" Sabad ni Kim at pag katapos isang malakas at nakaka insultong tawa ang aking narinig. Kinuyom ko ang aking palad para kontrolin an galit at inis sa aking sarili dahil galit na galit ako sa sarili ko dahil hinayaan ko na naman sila na apihin ako. Bakit ang hina-hina mo Maddie? Tangka nya sanang ibabato saakin ang hawak nyang baso ng drinks at mabilis ko ng pinikit ang aking mga mata, at hinantay ko na lang na dumapo ang baso ng drinks saakin. Ilang segundong lumipas wala akong naramdaman na sakit o pag dapo ng matigas na bagay saakin. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at napa upo na lamang ako sa malamig na sahig dahil sa gulat at matinding kaba ng bumugad saakin ang misteryosong lalaki sa aking harapan na hawak-hawak ang kamay ni Maxine na animo'y pinipigilan nya sa tangka nyang gawin saakin. Napaka bilis na ng kabog ng aking dibdib ng sandaling iyon, habang naka titig sa kanyang malamig at napaka dilim na mga mata habang naka titig kay Maxine. "I-Ikaw?" Yan na lang ang lumabas sa bibig ni Maxine at pansin ko ang panginginig ng kanyang katawan sa takot at kaba na kulang na lang himatayin na sya ng makilala nya kong sino ang misteryosong lalaki sa harapan nya. Nakita ko ang pag kabigla at takot ang gumuhit sa mukha ni Maxine at iba pa nyang mga kasamahan. "S-Sir W-William?" Yan na lamang ang lumabas sa aking bibig habang naka titig sa madilim at nanlilisik nyang mga mata. Paano? Paano nya nalaman kong asan ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD