Chapter 5

3881 Words
Chapter 5 "I-Ikaw?" Bakas ng pagkatakot at pag kagulat ang gumuhit sa mukha ni Maxine habang naka titig sa lalaki na nasa harapan nya. "S-Sir" yan na lang ang lumabas sa kanyang bibig at tuluyan na syang nanghina. Ramdam ko ang pag hihina ng tuhod at gulat sa aking sarili ng makita ko si Sir William na ngayon na nasa harapan namin. Walang bakas na emosyon ang kanyang mga mata at napaka dilim at talim ng titig na pinukol nya na tila ba isa syang mabangis na hayop na anumang oras, kayang pumatay ng tao. Nanatili padin syang naka hawak sa pulsuhan ni Maxine para pigilan ito sa tangka nya sanang pang babato sakin. "What do you think you're doing?!" Umalingawngaw ang nakaka takot at nakaka hindik nyang sigaw sa naturang hallway. Tinapunan ko ng tingin si Kim at Vanessa na naka tayo sa bandang dulo, at bakas din sa kanilang mukha ang takot at pangamba na para bang papatayin na sila. Alam ko na kong bakit ganun na lamang ang takot sa kanilang mukha dahil kilala si Sir William ng lahat ng estudyante at mga guro sa kanilang Unibersidad, na wala itong inuurunggan at higit sa lahat dahil narin sa napaka sama nito. Iniiwasan sya ng mga estudyante at kahit mga tao sa paligid nya. "B-Bitawan mo ako Sir." Nauutal nitong sambit at pilit nyang binabawi ang kanyang kamay pero hindi yon binibitawan ni Sir William. Mas lalong dumilim ang kanyang mukha na sanhi pag pawisan ng malamig si Maxine sa kaba. "Ano ba, bitawan mo sabi ako eh. Ahh" halos mamilipit ito sa sakit at kirot ng mas hinigpitan pa lalo ni Sir William ang pag kakahawak nito sa kanyang pulsuhan na animo'y babaliin nya na yon sa higpit at gigil ng pag kakahawak nya dito. Nawala ang tapang sa mukha ni Maxine at ngayon napalitan na iyon ng takot at sindak sa lalaking kaharap nya ngayon. Kulang na lang mamilipit na sya sa sakit na kanyang nararamdaman pero nanatili padin syang nag papakatatag, kahit sa loob nahihirapan na sya. "Please Sir, nag mamakaawa ako. Bitawan nyo na ang kamay ko" maluha-luhang pakiusap nito. Isang mala demonyong ngisi ang pinakawalan ni Sir William at hinila nya si Maxine palapit sakanya. "Sa tingin mo ba natutuwa ako sa pinag gagawa mo ngayon ha?!" He's jaw tightened and his eyes was flaming on anger. "Sa susunod na ginawa mo pa ulit ito, ako na ang makakabangga mo! You don't want, to see me get angry!" He warned. Tuluyan ng bumagsak ang luha sa mga mata ni Maxine at nanginig na ang kanyang katawan dahil sa takot at nerbyos na kulang na lamang matumba na sya. "I'm watching, you guys!" Isa- isa nyang tinitigan si Kim, Vanessa at pang huli si Maxine na bakas ng pangamba at takot sa kanilang mukha. Inis na binitawan nito ang kamay ni Maxine, na konti na lang tumalsik ito sa lakas ng impact. Tinignan ko si Maxine na ngayon hawak nya ang kanyang kamay na medyo namula na dahil sa higpit ng pag kakahawak sakanya ni Sir William, puno ng takot, ang gumuhit sa kanyang mga mata. At pag katapos nag mamadali na syang tumakbo na tila ba takot na takot, at kasabay non sumunod naman sakanya ang mga kaibigan nya na tila ba mga takot na mga tuta. Wala akong nagawa kundi sundan ng tingin si Maxine hanggang mawala sila sa aking tingin. Hinawakan ko ang aking tyan at ramdam ko parin ang kakaibang kirot at sakit dahil sa pag kakasikmura saakin ni Kim kanina. Bahagya kong sinulyapan si Sir William na ngayon naka titig saakin at puno ng pag aalala sa kanyang mukha, na ito ang kauna-unahang pagkakataon na makita ko na ganun ang titig ang pinakita nya saakin. Kinagat ko ang aking ibabang labi at pinag sawalang bahala ko ang malagkit na drinks na nag kalat sa aking katawan at damit. Bahagya na sana akong kikilos pero tila ba nagulat ako sa aking nasaksihan ng makita ko si Hannah sa isang tabi na naka tayo na tila ba kasama sya ni Sir William. Tumingin sya saakin at puno ng lamig at walang emosyon ang kanyang mga mata habang naka titig saakin. Pakiramdam ko kinurot ang aking dibdib sa sakit at kirot ng aking naramdaman na kahit hindi ko nakita, alam ko mag kasama silang dalawa ni Sir William. Bakit? Bakit pakiramdam ko napaka bigat na ng aking dibdib? Bakit pakiramdam ko ang sakit sakit na ng puso ko? Bakit sila mag kasama? May namamagitan ba sakanilang dalawa? Bumalik na naman sa aalala ko ang pangyayari at pag usap-usapan ng mga estudyante sa Campus na parati silang mag kasama, na parang may namanagitan sakanilang dalawa. Ayaw kong isipin na tama ang usap-usapan ng nga estudyante sa Campus. Ayaw kong isipin na baka tama nga na may namamagitan sakanilang dalawa. Mas masakit pa itong nararamdam ko kaysa pang bu-bully saakin nina Maxine. Pero bakit paulit-ulit akong nasasaktan ng ganito? Bakit paulit-ulit nya akong tina-trato ng ganito? Tuluyan na ngang bumagsak ang luha sa aking mga mata ng sandaling iyon dahil pakiramdam ko hindi na ako maka hingga sa sakit at kirot na nararamdaman ko. Gusto kong ilabas lahat ng sakit at sama ng loob ko pero mas pinili ko na lamang manahimik dahil alam ko yon ang mas makakabuti. "Here let me help you" malagong nitong boses at tangka nya sana akong hahawakan ng mabilis kong tinabig ang kanyang kamay. Bakas ng pag tataka at pag kagulat sa naging ginawa ko, pero ito lamang ang naisip kong paraan para hindi na ako tuluyan pang masaktan pa. "Kaya ko na" malamig kong turan habang patuloy na umaagos ang luha sa aking mga mata. Sa huling pagkakataon sinulyapan ko ng tingin si Hannah na ngayon naka titig sya saakin, hindi padin nag babago ang expression sa kanyang mukha. "S-Salamat na lang sa tulong mo" garalgal kong sambit at pakiramdam ko, kong ano naka bara sa aking puso at lalamunan habang sinasabi ko ang katagang yon. Gusto ko pang umasa, pero ang sakit sakit na. Mabuti pang umalis na ako, kaysa patuloy pa akong mahihirapan at masasaktan. "Are you sure about this Maddie? Sigurado ka lang na okay ka lang? I can take you to the clinic" he insist "Wag na, kaya ko ang sarili ko" pag mamatigas ko sakanya. Kahit napaka bigat ng dibdib ko, pinilit ko ang aking sarili na kumilos at tumayo kahit paulit-ulit akong pinapatay sa sakit. Tangka sana akong kikilos at tatayo ng mapa daing ako sa sakit at kirot na kulang na lang mawalan ako ng balanse sa pag tatayo. Bago paman ako tuluyan na mawalan ng balanse, naramdaman ko na mainit na katawan na sumalo saakin. Tuluyan na akong nanghina at napaka lakas ng tambol ng aking puso ng mga sandaling iyon dahil nakita ko si Sir William na hawak hawak na ngayon ang aking baywang para magawan ng suporta na hindi ako tuluyan na bumagsak. Walang boses na lumabas sa aking bibig ng sandaling iyon at nanatili lamang akong naka titig sa napaka lamig at walang emosyon nyang mukha, kahit anong anggulo ng kanyang mukha, hindi maikakaila ang napaka gwapo nyang mukha. Sobrang lapit ng katawan nya saakin na halos napapaso ako sa tuwing nag tatama ang aming katawan na tila ba nakukuryente ako, langhap ko din ang napaka banggo nyang pabango na ginamit. "f**k. Don't be stubborn Maddie, alam kong hindi mo kaya, kaya't wag mo ng pilitin pa ang sarili mo!" He hissed. "I will take you to the clinic, wether you like it or not!" Puno ng final na tono sa boses nito. Bago paman ako maka react, nagulat na lamang ako sa sunod nyang ginawa dahil binuhat nya ako na tila ba walang kahirap-hirap. "A-Anong ginagawa mo? Bakit mo ako b-binuhat?" Kulang na lang matatakasan na ako ng bait sa ginawa nya. Bakit nya ako binuhat? Pano na lang kong may maka kita saamin na estudyante sa ginagawa nya? "B-Bitawan mo na ako. B-Bitawan mo na ako at baka kong ano ang sabihin ng tao kapag nakitay tayo" patuloy akong nag pupumiglas para maka wala sa pag kakabuhat nya pero kahit anong pag pupumiglas ang gawin ko, hindi nya talaga ako magawang bitawan. Pano na to? Kailangan na bitawan nya na ako sa lalong madaling panahon bago paman may maka kita saamin na estudyante o mga teacher. Tinignan ko si Sir William na ngayon naka kunot na ang kanyang noo at kay sama ng tingin nya saakin, na sanhi mawalan ako ng laway sa aking lalamunan dahil sa talim ng titig nya saakin na nakakatakot. "S-Sir bitawan mo na ak—-" he cuts of me. "I don't care of what people say!" He said. Nag simula na syang mag lakad at wala na akong nagawa para kumbinsihin syang bitawan pa ako. Sinundan ko ng tingin ngayon si Hannah na ngayon sinusundan kami ng titig ni Sir William paalis, at may bahid ng sakit at selos sa kanyang mukha. Sandali, hindi ba ako namamalikmata sa nakita ko? Nag seselos sya? Napaka lakas ng pintig ng aking puso at pakiramdam ko napapaso ang aking balat sa tuwing gumagalaw sya. Lihim kong tinignan si Sir William na napaka seryoso ng kanyang mukha. Nagulat na lamang ako dahil imbes sa clinic nya ako dalhin, dinala nya ako sa kanyang opisina. "S-Sandali hindi naman to clinic a—-" he cuts of me. "Shut the f**k up!" He hissed on me. Tinikom ko na lamangal ang aking bibig. Binuksan nya na ang pinto ng kanyang opisina at dahan-dahan nya akong nilapag sa malambot na couch. Nagugulahan padin ako sa mga nangyari kong bakit nya ako dinala dito. Tinignan ko si Sir William na ngayon nag lakad sya papunta sa kanyang desk at maya-maya bumalik sya bitbit ang isang kit at isang maliit na planggana na may lamang tubig. Pumwesto sya sa tabi ko at wala akong magawa kundi pag masdan sya na buksan ang kit na ang laman non ay ang medical kit. Sinawsaw nya ang tela sa maliit na planggana na may lamang tubig, at pinigaan. At nagulat na lamang ako sa sunod nyang ginawa dahil dinampi nya yon sa aking pisngi, na sinampal saakin ni Maxine kanina. Kahit wala naman na sugat ang aking pisngi, ramdam ko padin ang kirot at sakit noon sa bawat pag dampi ng tela sa aking pisngi. Kinagat ko ang aking ibabang labi at tahimik kong pinag mamasdan si Sir William na seryoso itong pinupunasan ang aking pisngi, napaka lapit ng katawan nya saakin. Sobrang bilis ng kabog ng aking dibdib dahil ito ang kauna-unang pag kakataon na makita ko ang kanyang mga mata na bahid ng pag aalala. Parang hinaplos ang aking puso sa saya at kilig dahil kahit hindi sya mag salita, ramdam kong nag aalala sya saakin. Nang matapos na nyang punasan ang aking pisngi, kumuha sya ng cotton bonds at nilagyan nya yon ng konting oinment, at dinampi nya ulit yon sa aking pisngi. "S-Salamat pala. S-Salamat pala sa pag tulong mo saakin" nahihiya kong turan sakanya. Tumigil syang bahagya sa pag dampi ng bulak sa aking pisngi at nag kasalubong kami ng titig. Pakiramdam ko tatakasan ako ng bait ng mga oras na yon dahil sa nakaka tunaw na titig na ginawaran nya saakin. Kitang-kita ko ang pag galaw ng kanyang adams apple, napara saakin naoka sexy non ng dating. Nilapag nya na ang cotton bonds sa isang tabi. "Kaylan pa?" Formal at beritonong boses nito na sanhi mapa kurap ako. "Ha?" "Kaylan pa nila ginagawa yon? Bakit hinahayaan mong gawin i-bully ka nila? Hindi ka ganyan Maddie" Doon na ako natamimi sa sinabi nya. Pakiramdam nya napaka ilang ng atmosphere sa pagitan nilang dalawa dahil sa malamig at nakaka takot nitong titig na pinukol saakin. Nanaig na naman ang takot at pangamba sa aking dibdib sa tuwing nakakaharap ko sya. "Bakit hindi mo to sinasabi saakin ha? They tried to hurt you, at hindi ko papalampasin ang ginawa nila sayo!" aniya nito saakin. Hindi ko alam kong ano ba talaga ang isasagot ko sa tanong nya saakin, dahil tama naman sya. Wala akong lakas ng loob para protektahan at ipag laban ang sarili ko sa mga taong kagaya nila dahil naging mahina ako. Nag padala ako sa takot sa aking dibdib. Tinignan ko si Sir William at hindi padin nag babago ang expression na pinapakita nya saakin. Inis syang napa suklay sa kanyang buhok dahil sa inis at galit. "Here" napa tigil na lamang ako sakanya ng inabot nya saakin ang isang paperbag. Tuluyan na ako nag taka kong bakit nya ako binibigyan noon. "Take it!" He insist. Nag dadalawang isip ako kong tatanggapin ko ba yon o hindi, pero sa huli kinuha ko din sakanya yon. Labis akong nabigla ng makita ko ang laman non kundi tshirt at pants. Puno ng pag tataka ako napa titig kay Sir William. "Go change and wash yourself first. Nag kalat na ang drinks sa damit mo" turan niya at doon na sya napa ngiti sa sinabi nito. "Maraming salamat" aniya nya. Napa titig sya sa repleksyon nya sa salamin at hindi nya maiwasan na mapa titig sa kanyang sarili na suot-suot ang damit na binigay sakanya ni Sir William, hindi nya aakalain na mag kakasya yon sakanya na tila ba para bang sinukat. Teka, nilaan nya ba ang damit na to para saakin? Isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang labi at hindi nya maiwasan na kiligin sa tuwing naalala nya ang tagpong nangyari sakanila kanina. Kong paano sya pag tanggol nito sa kampon nina Maxine. Kong paano sya nito buhatin at dalhin sa kanyang opisina. Kong paano ito mag alala sakanya at gamutin ang sugat nya. Pakiramdaman nya nasa cloudnine na ang saya ng kanyang naramdaman dahil nag karoon sila ng pag kakataon ng binata na mag kasama kahit ilang minuto lamang yon napaka laking impact kilig yon para sakanya. Doon nya napansin na medyo namula nga ang kanyang pisngi, ng pag kakasampal sakanya ni Maxine kanina. Lumabas na sya ng comfort room at nakita nya si Sir William na ngayon naka tayo at naka talikod sakanya, naka harap ito sa may bintana na tila ba napaka lalim ng kanyanh iniisip. Hindi nito napansin ang pag labas nya ng comfort room sa loob ng opisina nito. "S-Sir" tawag nya dito at unti-unti itong humarap sakanya na ngayon napaka lamig padin ng emosyon nito. "It's suits you well. You need to back to your classes, baka hinahanap kana" malamig nitong turan sakanya at bumagsak ang kanyang balikat sa sinabi nito. Akala nya mag kakaroon pa sila ng oras na mag kasama pero nag kamali sya. Naisip nya din na kailangan nya na din bumalik sa klase at baka hinahanap na sya ng teacher nya. "O-Oo. Sige" turan nya dito. Bitbit nya din ang paper bag, na laman ng uniforme nya na nabasa na ng drinks kanina. Tangka na sana syang aalis pero bigla syang napa hinto. "S-Sir" tawag nya dito. Ngayon naka kunot na ang noo nito habang naka titig sakanya. "Ano yon?" Malamig pa sa yelo na sambit nito. Nag pakawala sya ng malalim na buntong-hiningga at nag dadalawang isip sya kong itatanong nya ba dito ang bumabagabag sa isip nya kanina pa. Gusto nyang malaman kong mag kasama ba talaga nito si Hannah kanina. "M-Magkasama ba kayo ni Hannah kanina?" Pakiramdam nya tatakasan na sya ng takot sa kanyang sarili. Tiyak nyang magagalit ito sakanya. "T-Totoo ba yong usap-usapan? May relasyon ba kayo ni Hannah?" Hindi nya alam kong saan nya inipon ng lakas ang kanyang sarili na tanungin ang bagay na yon sa binata. Sa bawat segundong lumilipas mas lalong nararagdagan ang takot at kaba sa kanyang dibdib. Puno ng dilim na ngayon ang kanyang mukha na tila ba sinapian ng masamang espiritu. "Ano bang pinag sasabi mo?" Malamig nitong turan. Yong nag aalala nyang mga mata bigla yon napalitan ng lamig at galit. "G-Gusto ko lang malaman" garalgal nyang sambit dito. "Para saan ba ha?!" Umalingawngaw ang malakas at nakaka hindik nyang sigaw sa loob ng opisina, na kulang na lang mapa talon sya sa gulat. Nag simula ng manginig ang katawan nya sa takot sa binata dahil mistula na itong nakaka takot sa harapan nya. Uminit na ang sulok ng kanyang mga mata na konti na lang tutulo na ang pinipigilan nyang mga luha. "Wala akong dapat ipag paliwanag pa sayo Maddie, tapos na tayo mag usap!" He hissed on him. "Now get out! Out!" Pananabuyan sakanya nito. Pakiramdam nya milyong-milyong kutsilyo ang tumarak sa kanyang puso at lalamunan ng sandaling iyon sa sakit at kirot na kanyang nararamdaman. Akala nya okay na sakanila ng binata. Akala nya mahal sya nito pero nag kamali na naman sya ng akala. "Out!" Turo nito ang pintuan palabas ng kanyang opisina. Bago paman tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Nag mamadali na syang tumakbo palabas ng kanyang opisina, at kasabay non ang pag buhos ng kanyang luha na kanina nya pa dapat nilabas. Ayoko na. Ang sakit sakit na. MADDIE'S POV Napa upo sya sa bench, at doon nya binuhos ang iyak at sama ng loob nya. Nawalan na sya ng gana na pumasok sa sunod nyang klase dahil ang gusto nya lamang umiyak at mapag isa. Nandoon padin ang sakit at kirot sa kanyang dibdib sa tuwing naalala nya ang kaganapan na nangyari kanina, hindi nya inaasahan na masisigawan sya ng binata. Hindi nya alam kong bakit ganun na lamang ang galit nito sakanya ng tinanong nya kong may relasyon sila ni Hannah. Bakit ganun? Hindi naman masakit ang tinanong nya kanina ha? Bakit patuloy sya nitong sinasaktan at pinag tatabuyan? Nang maalala nya kong paano sya sigawan at pag tabuyan nito kanina, bumabalik ang sakit at alaala, ang tagpong pag tabuyan sya nito noon na tila ba wala ng halaga. "B-Bakit mo to ginagawa saakin?? B-Bakit moko sinasaktan ng ganito?" Pakiramdam nya kong ano naka bara sa kanyang lalamunan at puso habang sinasabi ang katagang yon. She cupped her face and cry out loud on the pain that she felt because she's dying inside, in out. "Hindi makaka tulong kong iiyak mo na lang yan" rinig nya ang malumanay nitong boses na sanhi sya matigilan. Inalis nya ang kanyang kamay na naka takip sa kanyang mukha at tila ba nahiya sya ng makita nya si Elthon na naka tayo malapit sa bench kong saan sya naka upo. Mabilis nyang inayos ang kanyang sarili at pinunasan nya ang luha sa kanyang mga mata. Lihim nyang pinag masdan ang binata na ngayon naka tingin ito sa field na tila ba napaka lalim ng kanyang iniisip. Si Elthon ang dakilang nerd at yong lalaking matagal ng may gusto sakanya. Aaminin nya sa kanyang sarili na hindi nya gusto ito. Matangkad si Elthon at maganda ang hubog ng kanyang katawan. Makinis at maputi ang kanyang balat, na tila ba galing sa isang mayaman na pamilya. Mamula-mula ang kanyang labi, makapal ang kanyang kilay at pilik-mata. Medyo magulo ang kanyang buhok, naka suot sya ng makapal na nerd glasses dahil malabo na ang mga mata nito at naka suot din sya ng braces. Wala ito masyado na kaibigan sa kanilang klase at madalas din itong i-bully dahil narin sa lampa at hindi ito nakikipag basag ulo gaya ng iba nyang mga kaklase. Mas pinili nya na lamang ang mapag isa at mag aral, at mag basa ng makakapal na mga libro. Hindi na sya nag tataka kong bakit napaka raming awards nito dahil napaka talino naman talaga nito. Hindi naman sila nito close at nalaman nya na lamang na may gusto ito sakanya dahil panay nito bigay sakanya ng pagkain at inumin. Ilang beses nya nadin ito nireject pero sa bandang huli, balik ng balik din ito ng ligaw sakanya. Hindi nya alam kong bakit ganun na lamang ang gusto nito sakanya at kahit ilang beses nya ito pinag tabuyan at sabihin nyang hindi nya din ito gusto, hindi padin nawawala ang pag mamahal nito sakanya. Aaminin nyang mabait naman ito pero wala syang katiting na nararamdaman para dito, mas nanaig padin ang pag mamahal nya kay Sir William wala ng iba. Kong tatanggalin nya sana ang braces, makapal na salamin at mag ayos ito ng kanyang sarili, tiyak nyang gwapo din ito at maraming mga kababaihan ang mag kakandarapa kay Elthon. Pero para sakanya mas lamang ng gwapo si Sir William, kumpara dito. "A-Anong ginagawa mo dito? K-Kanina kapa ba dyan?" Garalgal nyang sambit. Tumingin sakanya si Elthon na ngayon na may bahid ng pag aalala sa kanyang mga mata. "Oo kanina pa, sapat na makita ko ang pag dating at pag iyak mo kanina pa" pakiramdam nya tinakasan sya ng hiya ng mga sandaling iyon dahil nakita sya nitong umiiyak kanina. Umayos ito ng tayo at pagkatapos umupo ito sa bench kong saan sya naka upo, medyo may layo at distansya din ito sa kinauupuan nya. "Here, take it" nagulat sya ng nilahad sakanya nito ang panyo. Kunot noo nya ito tinignan. "At bakit moko nyan binibigyan? Hindi ko kaylangan yan. At pwede bang umalis kana, hindi kita kailangan!" Pananabuyan ko sakanya. Imbis na magalit ito sa sinabi ko, wala syang nakuhang sagot mula dito at hindi padin inaalis ang kamay nito na may hawak ng panyo. "Go, take this Maddie, I knew that you needed it." At nilapit nya pa lalo ang panyo saakin. Bakit ba ang kulit kulit nya? Bakit hindi nya na lamang ako pabayaan? "Hindi kaba nakaka intindi o sadyang binggi ka lang? Diba sinabi ko na hindi ko kailangan yan. Hindi kita kailangan kaya't umalis kana! Alis!" Asik kong muli sakanya. Pumula na ang kanyang pisngi sa galit at inis nya dito. Ito rin ang pinaka ayaw at pinaka iinisan nya dito dahil napaka kulit nito at hindi ito nakikinig sakanya. "Hindi ako aalis, hangga't hindi mo to kinukuha sa kamay ko" malumanay na sagot nya saakin na sanhi matigilan ako. "Sige ka, patuloy ka lang maiinis at maiirita sa presensya ko, hangga't hindi mo to kinukuha sa kamay ko" tumingin sya sa panyo na hawak-hawak nya na sanhi mapa titig ako doon. "Go on take it Maddie, promise pag kinuha mo to saakin, aalis na ako at hindi na kita kukulitin pa" kinagat nya na lamang ang kanyang ibabang labi dito. Ayaw nya sanang kunin dito ang panyo pero mas gusto nya na tuluyan na itong umalis sa harapan nya dahil naiinis sya lalo sa presinsya nito. Kahit labag man sa kalooban nya, kinuha nya ang panyo sa kamay nito. Isang matamis na ngiti ang sinukli sakanya ni Elthon ng makuha nya ang panyo dito at kasunod tumayo na ito. Wala syang nagawa kundi tignan ang binata na ngayon napaka seryoso na naka titig sakanya. "Pwede mo ng ipag patuloy ang pag iyak mo, at kapag napagod kanang umiyak, wag kang mag dalawang isip na lapitan ako. Nandito lang ako Maddie para makinig ng problema mo" aniya nya at pag katapos nag lakad na sya para iwan ako. Wala akong magawa kundi sundan lamang sya ng titig paalis. Napa titig ako sa panyong hawak-hawak ko at hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapa iyak at maging emosyonal ulit. At sana pag katapos kong umiyak. Sana mawala na ang sakit sa aking puso. Sana maging okay na ako pakatapos nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD