Lumipas ang mga araw na patuloy ang palihim naming ginagawa ni Dominique. Pumapasok na rin ako sa klase ko at minsan ay sinusundo ako ni Dominique pero kalimitan ay nagtatagpo kami sa pinagkakasunduan naming lugar. Hindi naman araw-araw na may nangyayari sa'min dahil nitong mga nakaraan ay pareho kaming nawiwili sa pagkukwentuhan kaya kalimitam ay nauubusan na kami ng oras para sa loving-loving. Bawat araw na nagdaan ay may hatid na kilig sa'kin dahil alam kong magkikita na naman kami at masosolo na naman namin ang bawat isa. Sa loob ng bahay ay civil lang iyong pag-uusap namin sa harapan ng iba pero kapag kami na lang dalawa ay wala nang pag-uusap na nangyayari dahil lagi kaming nauuwi sa ungulan. Masarap gawin ang isang bagay nang patago! Out of the country ngayong araw si Dominiqu