Pagkalapag ng sinasakyan naming private plane sa pamosong isla na pupuntahan ay may nakaabang nang sasakyan para maghatid sa'min sa Sky Line Resort. Hindi siguro basta-basta ang gaganaping business conference dahil hindi man lang nagdadalawang-isip na sa Sky Line Resort ito idadaos. Pagkarating na pagkarating namin sa resort ay inihatid lang ako ni Dominique sa magiging suite namin bago ito tumuloy sa conference. Magsisimula pala agad-agad kapag darating na siya ayon sa sumundo sa'min. Special guest pa yata siya sa conference pero hindi na ako nag-usisa pa. Hindi naman iyon ang pinunta ko rito kundi iyong pleasure. Bago umalis ay nagbilin si Dominique na aliwin ko muna ang sarili habang wala siya kaya ang ginawa ko ay naibot-libot ako sa paligid ng resort. Una kong pinuntahan ay ang