chapter 2

2276 Words
Unang gabi ko sa mansion ng mag-asawang Arizon. Hindi ko pa nakikita iyong pinsan ko at kahit sumalubong kanina pagdating namin iying asawa nitong si Dominique ay si Maura lang ang kumausap dito. Bumalik na rin agad sa hacienda si Maura. Kahit masyadong napaghalataang gusto na niya agad akong iwan sa lugar na ito... malayo sa totoo kung tirahan ay mas maigi na rin iyon dahil naaalibadbaran sa presensya nito. 'Pag ako ang masusunod ay hinding-hindi ko na ulit tatawaging 'mama' ang babaeng iyon pero gusto kong kusang umamim sa'kin si Paps sa kasalanan nilang dalawa sa tunay kong ina kaya hangga't maaari ay hindi ko ipapakita nang lantaran ang pagkamuhi ko sa kanilang dalawa. Nagdidilim talaga ang paningin ko tuwing maalala ang relasyon nila habang nabubuhay pa ang tunay kong ina! Siguro ay tuwang-tuwa ang Maura na iyon no'ng mamatay ito pagkapanganak sa'kin. Habang naghihirap ang tunay kong ina ay nagpapakasaya naman silang dalawa ni Papa! Hindi na tuloy ako nabigyan nang pagkakataong magisnan at maalagaan nito. Ipinagkait nila sa'kin iyon! Natitiyak ko na ang kalungkutan ang pangunahing dahilan nang maaga nitong pagpanaw. Hula ko ay hindi na nito kinaya ang kawalanghiyaan ng ama ko kasama ang kerida nito. Nabalik ako sa kasalukuyan nang lumikha ng ingay ang isang lagayan ng ulam na inilapag ng isa sa mga katulong na abala sa paghahanda ng hapag-kainan. Hindi ko pinansin ang mabilis nitong paghingi nang paumanhin dahil wala naman akong pakialam sa nangyayari sa paligid. Kahit basagin pa nila lahat iyan basta hindi ako matalsikan ng bubog ay hindi ako kikibo rito sa kasaluliyan kong kinauupuan. Ilang minuto ko na ring tahimik na hinihintay ang mga inaasahan kong makakasalo sa unang hapunan sa bahay na ito at unti-unti na akong nakaramdam nang pagkabagot. I'm not impressed with the amount of delicious food in the table because it doesn't differ from where I came from. Ang kaibahan lang ay ako iyong unang dumating at ang pinaghihintay na kalimitan ay kabaliktaran no'ng nasa amin pa ako. Konti na lang at mauuna na akong kumain! Bahala na iyong mga nagpapahuli! Dahil sa nararamdamang pagkabagot ay pinapatunog ko na ang sariling mga kuko sa ibabaw ng mesa. Tapos na yata ang mga kasambahay sa paghahakot ng mga pagkain at pag-aayos ng mesa pero ni anino ng mga hinihintay ko ay wala pa! Napapalakas na ang tunog na nililikha nang bawat pagtama ng mahahaba kong mga kuko sa mamahaling mesa palatandaan nang papaubos kong pasensiya. "Stop doing that." Kusang tumigil ang mga daliri ko nang marinig ang baritong boses na nagmumula sa'king likuran. Saglit akong nanigas sa kinauupuan pero hindi na ako nag-aksaya ng panahong lumingon upang kumpirmahing si Dominique ba talaga ang nagsalita. Unang umabot sa pandinig ko ang tunog ng papalapit nitong mga hakbang bago ko nalanghap ang nanunuot nitong bago nang mapadaan ito sa tabi ko. Si Dominique nga! Amoy pa lang pampagana na, talo pa ang appetizer na nasa mesa! Unang dumako ang tingin ko sa malapad nitong mga balikat at nahagip pa ng mga mata ko ang side view ng mukha nito bago tuluyang tumambad sa'kin ang likod nito habang pahinamand nitong tinutumbok ang kabilang dulo ng mesa. Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa pang-upo nito pero saglit lang iyon at agad akong nag-iwas ng tingin dahil pumihit na ito paharap kasabay nang paghila ng upuang nasa pinakadulo. Masyado siyang malayo... o sadyang mahaba lang 'tong mesa? Pasimple akong nag-alis ng bara sa lalamunan nang maramdaman ang matiim niyang titig na naglalakbay sa mukha ko. "Welcome to my home... please feel comfortable," buo ang boses niyang pahayag pagkatapos umayos nang pagkakaupo. Feel comfortable at hindi feel at home! Sa lamig ng boses niya ay hindi ko masabi kong bukal ba sa kanyang loob itong pagpapatira niya sa'kin dito o napipilitan lang siya. Lihim akong napasinghap nang tinangka kong salubungin ang mga mata niya kaya mabilis din agad akong nagbaba ng tingin. He's intimidating kahit medyo malayo siya. "Let's eat," aya niya sa'kin. Nang aksidente akong nagtaas ng tingin at nagkasalubong ang mga mata namin ay iminuwestra niya ang mga nakahaing pagkain sa aming harapan. "Si Ate Sylene?" pasimple kong tanong. "Hindi ba natin siya kasabay?" "She's out of the country," pormal niyang sagot at nagsimula nang kumuha ng pagkain. Nagkibit-balikat na lamang akong ginaya ang ginagawa niya. "What year are you in college?" muli ay narinig kong tanong niya. "Second year this year," tugon ko. Panakaw ko sana siyang sulyapan pero nahuli ko siyang nakatingin sa'kin. Akala ko ay kusa siyang magbabawi ng tingin dahil nga nahuli ko siya pero mukhang wala siyang pakialam doon na patuloy lang na nakatitig sa'kin nang matiim. Biglang uminit ang pisngi ko kaya ako na iyong nag-adjust at baka kakapusin pa ako ng hininga dahil lang sa mga titig niyang tumatagos yata hanggang kaluluwa. "How old are you?" Ako lang ba o sadyang kakaiba ang kiliting hatid ng boses niya sa katawan ko na hindi ko kayang balewalain? Binibiro lang yata ako ng pandinig ko. "I'm turning twenty-four next month," pormal kong sagot sa kabila nang pagkakagulo ng lamang-loob ko. Nang magsimula na siyang sumubo ay tsaka lang din ako kumain. Hindi ko maiwasang palihim siyang pagmasdan habang kumakain. His every move is meticulous but very masculine. Kakaiba ang dating sa'kin nang bawat galaw niya na para bang isa siyang mabangis na hayop na naghihintay lang ng pagkakataong umatake sa kabila nang napakamahinahon niyang kilos. Ate Sylene is indeed lucky to have Dominique Arizon as a husband. "Your cousin is quite busy so you will not see her around the house very often," maya-maya ay pahayag niya. Muntik na niya akong mahuling nakatingin sa kanya mabuti na lang at maagap kong naituon ang atensiyon sa kinakain. "If there's anything you need, just tell me," pahabol niya sa naunang pahayag na nagpa-angat sa mukha. "Anything?" wala sa sarili kong usal. Nagtagpo ang mga tingin namin at kahit anong pilit ko ay hindi ko kayang hulaan ang tumatakbo sa isip niya. Pumupurol na yata ako. Dati naman ay mabilis kong nahuhulaan ang iniisip ng mga nakakaharap ko pero pumapalya ako pagdating kay Dominique. Siguro ay naninibago lang ako dahil minsan lang ako makaranas nang katahimikan habang kumakain. Sa bahay kasi namin ay appetizer at dessert ko iyong sermon ni Papa at ang nakakarinding boses ng asawa nito. "Why?" mahina niyang tanong habang matamang nakatitig sa'kin. "Do you think there is something that I can't give you?" Pasimple kong nakagat ang pang-ibabang labi dahil sa bahagyang pagbabago ng boses niya. Imposibleng bunga lang ito ng malikot kong imahenasyon! Kung ang mga titig niya ay parang tumatagos hanggang sa kaluluwa ko ay para namang mumunting sensasyon nanunulay sa bawat himaymay ko iyong boses niya. Masarap ito sa pandinig at parang nanghahalina na ginigising ang natutulog kong kalandian sa katawan. Walang halong paglalambing sa pagsasalita niya bagkus ay masyado itong maawtoridad na tinalo pa si Papa pero isang salita lang nito ay ramdam ko na walang reklamo akong mapapasunod. Nakakabahala man ang mga sumasagi sa isip ko pero gusto kong malaman kung hanggang saan ang mga ito! May mumunting kuryente tumutulay sa kaugatan ko at hindi ko mapigilang manabik na marinig mula sa kanya ang pangalan ko. Partida boses pa lang iyan pero handa na akong bumigay! "Bakit wala pa kayong anak ni Ate Sylene?" bigla ay naisipan kong itanong upang ikalma ang sarili. Gusto kong mag-change topic na kami. Ayokong magpadala sa mga bagay na tumatakbo sa marumi kong utak habang nasa hapag kainan kami kahit na iyong kaharap ko ay ang laman ng pantasya ng bawat kababaihan. Hindi ako mainggiting tao pero sa pagkakataong ito ay iyon ang nararamdaman ko kay Ate Sylene. Kung ganito ang asawa ko ay hinding-hindi ako aalis sa tabi nito at ni hindi ko ito hahayaang matitigan nang matagal ng ibang babae. "It's our choice," may kariinan niyang sagot. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-igting ng panga niya bago naging blangko ulit ang ekspresyon sa kanyang mukha. Wala yatang ikinapangit ang lalaking ito sa kahit na anong anggulo. Iyong pinapakita niyang kalamigan at kawalang-bahala ay lalong nagpasidhi sa kagustuhan kong subukin kung hanggang saan niya iyon kayang panindigan. "Nasa tamang edad na kayo upang magkaroon ng kahit isa lang," nananantiya kong sabi habang nilalabanan ang mga titig niya. Hindi siya sumagot sa halip ay pinagpatuloy lang ang paninitig sa mukha ko. Gusto niya yata akong tunawin gamit ang kanyang mga mata. Wala siyang kamalay-malay na ginagatungan niya lang iyong namumuong malisya sa utak ko. "Anyways... It's none of my business so—" "We tried," putol niya sa pagsasalita ko. "But to no avail. We underwent some tests and we're both healthy but we're not blessed to have even one child, so we stopped trying and let the fate decides." "Bakit hindi ni'yo subukan iyong mga makabagong paraan?" suhestiyon ko. Sayang ang genes niya kung hindi rin naman niya pararamihin. "I want to do it in a natural way with no interventions from the medical field." Kahit ako rin naman, gusto kong sa masarap na paraan gumawa ng bata pero hindi rin naman masamang subukan iyong artificial way lalo na at medyo nahihirapan silang bumuo. Nakapagtataka namang pareho silang healthy tapos walang nabubuo gayong iyong iba nga... hindi pinlano at halos hikahos sa buhay pero sunud-sunod na nakabuo. "Tutal wala pa naman kayong anak... ampunin mo na lang ako," nakangisi kong suhestiyon kapagkuwan. "Para sasakit din ang ulo ko katulad ng Papa mo?" nakataas ang kilay niyang tanong. "Baka mapabilis ang pagtanda ko sa'yo." Isang maliit na ngiti ang nakita kong sumilay sa gilid ng mga labi niya na nagpagaan sa paligid at bigla-bigla ay naglaho ang tensiyon sa pagitan namin. Ang tanging hindi nawala ay ang mainit na pakiramdam na kumikiliti sa bandang puson ko. "Okay lang iyon...mas gwapo ka naman kaysa Papa ko," pabiro kong tugon. At masarap din pagnasahan kahit na asawa na siya ng sarili kong pinsan. "Mas istrikto nga lang ako kaysa Papa mo." "Really?" kunwari ay gulat kong tanong kahit ang totoo ay matagal ko nang alam ang tungkol doon kaya nga rito ako pinatapon ni Papa. Laganap sa buong pamilya namin kung gaano kahigpit pagdating sa lahat ng bagay ang isang Dominique Arizon. Tanging ang asawa lang nito ang nagtangkang sumuway sa kanyang desisyon pero iyon nga hanggang pagtatangka lang. At ngayong nandito ako sa ilalim ng poder niya ay inaasahan ni Papa na magiging masunuring Leziel na lang ako bigla. Baka magugulat si Papa kung ano ang kaya kong gawin upang bigyan lang siya ng sakit sa ulo at kung kinakailangan kong suwayin si Dominique ay gagawin ko iyon. Hangga't hindi ko marinig mula sa kanya ang pagsisisi sa ginawa nilang dalawa ng asawa niyang si Maura sa totoo kong ina ay hahanap at hahanap ako ng paraan upang masira ang pangalan at reputasyong iniingatan niya... 'di bale nang sarili kong dignidad ang madudungisan. Wala rin naman akong pakialam sa sasabihin ng mga taong walang ambag sa sarili kong buhay! "I hope you're not planning anything right now just to test me," pukaw niya sa katahimikang namayani sa pagitan namin. Isang ngiti ang hinayaan kong gumihit sa mga labi ko dahil sa narinig. Maingat kong ibinaba ang hawak na kubyertos at matapang na tumitig sa kanya. Bakit ko nga ba kinokontrol ang sarili sa harapan niya gayong hanap ko naman ay eskandalong pwedeng kumaladkad sa buo kong angkan sa kahihiyan? "And I just hope that you can handle me, Kuya," makahulugan kong pahayag. "Just let me do my own business at wala tayong magiging problema." "I commended you for being frank and on telling that to my face... in my own house," tumango-tango niyang tugon. "I couldn't say if you're brave or you just like to invite trouble." "I am both," mayabang kong sagot. "And I'm glad," paanas niyang usal. "I'll have all the reasons to punish you accordingly." "I'm also glad that you're just my cousin's husband," hindi nagpapatalo kong wika. "I can let you punish me in every way," mapanghibo kong dugtong. "Don't go there, young lady," mahina niyang babala sa'kin. Pinanood ko siya na parang maharlikang nagpupunas ng bibig gamit ang puting table napkin tanda na tapos na siyang kumain. "You are too young to challenge me on that matter," matigas niyang dugtong sa unang pahayag. "Just remember that I can be your friend or someone that will put you in your place. It will not give you any good to cross me, so think carefully." Malinaw ang minsaheng gusto niyang iparating pero ayaw makinig ng nagrerebelde kong kalooban. "Hindi mo ako empleyado," matigas kong wika. "My place is right where I want to be! Walang pwedeng dumikta sa'kin!" "Ibig bang sabihin niyan ay sarili mong kagustuhan kung bakit ka ngayon nandito sa pamamahay ko?" nang-uuyam niyang tanong. Nagpanting ang tainga ko at sumulak iyong dugo ko dahil sa nararamdamang galit. Kung gaano niya kabilis napag-iinit ang katawan ko ay gano'n din niya kabilis napapakulo ang dugo ko dahil sa galit. "As long as you're financially dependent on other people, you can't really do anything you want," malamig niyang pahayag. "Kung may gusto kang gawin sa buhay mo nang walang pwedeng pumigil sa'yo ay unahin mo munang maging financially stable para hindi ka nakadepende sa yaman ng pamilya mo." Nagtagis ang mga ngipin kong sinalubong ang matiim niyang titig. Financially independent? Para ano? Para hayaang magpakasasa sa yaman ng pamilya namin ang stepmother ko? Never! 'Di baleng ako ang uubos sa pera namin basta huwag lang ito mapunta sa babaeng iyon! Siguro naman ay bayad na ang pag-aalaga niya sa'kin simula no'ng bata pa ako... sumobra pa nga dahil nagreyna-reynahan siya sa sarili naming pamamahay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD