MIKAELA MICHEL BAHAGYA NIYA akong binuhat papunta sa kaliwang bahagi ng kama. Sumampa siya sa kaliwa, muli akong niyakap. Magkatabi kami, dikit na dikit ang mga katawan. "First ko 'yong hita mo ang bigat kaya." Ang isang hita niya nakatanday sa hita ko na parang ahas, nakapulupot. Hindi siya sumagot. "Yong hita mo nga," sabi ko ulit. Pakiramdam ko mas lalong uminit ang dating nagdedeloryo kong katawan. "Ayaw." Napabuntong hininga nalang ako. Gumanti ng yakap. Nanlaki ang mga mata ko. Naramdaman ko ang isa niyang kamay na nasa loob na ng damit ko. Ramdam na ramdam ko dahil manipis ang night dress ko. "Hala," bulong ko. Mariing napakagat labi. Bumaling ako sa kanya, nagkasalubong ang aming mga tingin. Puno 'yon ng pagmamahal, hindi ko alam kung ano ang reaksyon ko. Parang hinihigo