Diana's POV "Nakakairita talaga!" reklamo ni Mariel nang bumaba na kami sa tricycle. "Bakit ba? Anong problema?" tanong ko naman sa kanya. Nakasibangot ito at nakapamaywang sa akin. "Kasalanan mo kung bakit wala tayong kotse ngayon. Bakit kasi umuwi-uwi ka pa nang araw na iyon. Nadale ka tuloy ng ipu-ipo!" galit niyang sabi at saka ako iniwanan at nauna nang naglakad papasok sa school. Hindi pa rin pa pala siya maka-move on hanggang ngayon. Ang sabi naman nila mama at papa ay bibili na ng bago next month. Ano ba naman iyong maghihintay lang ng dalawang linggo? Ang arte-arte, akala mo naman e, sakit ang sumakay sa tricycle. Hiyang-hiya siya palagi kapag sasakay doon. Minsan, timping-timpi na lang din ako sa kapatid kong iyan. Hindi ko alam kung saan siya kumuha ng ugali? Napakamaldita