Molen's POV Nakagayak na ako at kumakain na ng almusal nang bigla akong lapitan ni mama. Tumabi siya sa akin at saka ako tinapik sa balikat ko. "Yes po, mama?" tanong ko. "Huwag ka nang magpapagabi, ha? Nabalitaan mo ba iyong nangyari kagabi?" tanong niya. Tumayo ako at saka kumuha ng baso. "Yes, si Lazer boy po ba? Wala na iyon. Huwag na po kayong mag-alala dahil pinatay na siya ni Miss Blue Fire," sabi ko sa kanya at saka ako nagsalin ng malamig na juice sa baso ko. "Anak, hindi normal ang mga nangyayari sa mundo. Ang gusto ko lang ay maging maingat ka. Ayoko na kasing mangyari ang nangyari sa iyo sa palengke. Akala ko noon ay mamatay ka na nang makita kitang sunog na sunog na sa kuryente na galing sa poste. Ang bigyan ka ng pangalawang buhay ay sobra ko nang kinakasaya kaya sana n