Acelle's POV Pag-uwi ko galing sa school ay nagbihis lang ako ng damit at umalis na rin ako ka agad ng bahay para magmanman na sa bahay nila Mylene at Dan. Una kong pinuntahan ang bahay nila Dan. Nilakasan ko ang loob ko nang oras na iyon. Nag-teleport ako papasok sa loob ng bahay niya. Sa may hagdanan ng bahay nila ako napunta na kung saan ay hindi niya ako makikita. Napanganga ako dahil sobrang ganda ng bahay nila. Lahat ng design at kagamitan ay tila pinag-ubusan ng pera. Nakita kong nakaupo sa salas ang mag-amang Dan. Tahimik silang nanunuog ng video ng kasal nila Dan. Dahil doon ay nakikita kong napapangiti ang anak nilang babae. Lalo na kapag sa asawa nitong babae nakatutok ang video. "Hi, mama!" paulit-ulit na sabi ng batang babae. Bigla na naman akong nakaramdam ng awa. Halatan