Christine's POV "Muntik ka nang ma-late," sabi ko kay Acelle na hinihingal sa pagpasok sa room namin. "Oo nga, mabuti na lang at umabot ako. May nangyari kasi sa cafeteria," sagot niya habang ibinababa na ang bag sa upuan niya. "Bakit? Ano bang nangyari?" tanong ko habang inilalabas na ang notebook ko para sa english subject namin ngayong umaga. "Nariyan ka na pala," sabi ni Misha na kakaupo lang. Galing ito sa banyo pero kanina pa siya sa room namin. Magkasunod kasi kaming dumating. "May mga matatandang student kasi na nambastos sa akin. Sina Joseph at Raymon iyon," sabi niya habang napapairap. Kilalang-kilala na ang mga iyon sa pambu-bully at pambabastos kaya pati ako ay napaikot ang mata. Dati na rin kasi akong na-bully na mga iyon. "Hindi talaga tumitigil ang mga iyon," sabi ko.