MABILIS SIYANG LUMAPIT sa pintuhan ng silid at dinikit ang tainga sa pinto ngunit wala na siyang narinig kaya mabilis siyang pumasok roon na animo'y wala siyang pakialam. Napansin ang pagkabigla sa mukha ng babae ng makita siya nito. "Sorry if I wake you up. I forgot something," aniya upang hindi ito makahalata. May pagdududa sa kanyang isipan sa narinig na pag-uusap nito kung sinuman kanina. Ngunit kailangan niya nang magmadali dahil pihadong nasa tagpuan na nila ang kakatagpuin. Naiwan pa ring naguguluhan si Surene. Hindi niya alam kung may narinig ba ang lalaki sa usapan nila ng kaibigang si Weng kanina. Ngunit wala siyang magagawa kundi ang umpisan na talagang hanapin ang pakay bago pa siya tuluyang umibig sa lalaki. Tumayo na siy