TILA may pakpak ang mga paang tinalunton ang daan patungo sa opisina ng tiyuhin. Kakatok na sana siya nang maulinigan itong may kausap. "Bakit mo hinayaang makaalis. Hanapin mo. Alam kong magagamit natin siya upang ilabas ni Kevin ang librito," tinig ng tiyuhin. Doon niya nabatid na wala itong kasama kundi may kausap sa telepono. "Kung buntis ang pesteng babaeng iyan. Tiyak hindi papayagang mapahamak ni Kevin iyan lalo na't anak nito ang dinadala. Bakit hindi mo ginagamit ang utak mo," galit na singhal ng tiyuhin sa sinumang kausap nito. "s**t!" Anas na mura ni Kevin nang mapagtantong si Surene ang pinag-uusapan ng nga ito. "Kilala ko ang pamangkin kong iyon. Maaaring matigas at mabagsik ngunit kapag pamilya ang pag-uusapan nalamb