Chapter 1 Strangers

4163 Words
DIANE ALLISON CASANOVA: "Our deepest condolences to you, buddy." Lumuluha akong napatango lang sa mga pakikiramay ng mga kaibigan ko. Katatapos lang ng tagumpay na pagbubukas ko sa coffee shop ko at excited sa pag-uwi ni Daddy galing Vancouver pero, ang sana'y masaya naming pagsalubong sa kanya ay humantong sa karumal-dumal na trahedya! Pauwi na si Daddy dito sa mansion dala ang mga pasalubong nito para sa amin ni Mommy. At para na rin maka-attend sa pa-party namin sa success ng binuksan kong coffee shop pero napabilang ang kotse nito sa nagkarambola sa Edsa. At sa kasamaang palad ay dead on arrival itong naideklara sa hospital na hindi namin matanggap! Parang isang bangungot ang kinaroroonan ko at namamanhid na ang buong katawan ko sa pagkawala ni Daddy ng biglaan. Pakiramdam ko'y pasan ko ang bigat ng buong mundo sa pagdadalamhati ko sa pagkawala ni Daddy. Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayong wala na siya. Umiiyak ako kahit ubos na ang luha ko sa kaiiyak mula pa kagabi sa hospital. "Buddy, nandito kaming karamay mo. Hindi ka nag-iisa, buddy." Tipid akong ngumiti sa kaibigan kong si Liezel Del Prado. Na naging barkada ko since first year college untill now na mga graduate na kami at may kanya-kanya na silang pamilya ni Mariah Lira Buenavista. Ang only child ng ngayo'y kasalukuyang presidente ng bansa. Habang si Liezel naman ay nananatiling nangunguna ang pamilya nila sa pinakamayaman at maimpluwensyang pamilya. Lalo pa ngayong kinasal siya sa taong pinakamamahal niya. Si Cedric Montereal na ngayo'y kasalukuyang bise presidente ng bansa ang amang si VP Frederick Montereal. Isa-isa akong salitang niyayakap at kinakausap ng mga ito. Maging sina Kristel at Irish ay nandidito para daluhan ako sa pagdadalamhati ko at ni Mommy na katulad ko'y tila buhay na patay sa pagkakatulala at 'di matanggap ang nangyari kahit pa kaharap na namin ang abo ni Daddy. Lasog-lasog ang katawan ni Daddy sa natamo niya sa aksidente kung kaya't kaagad siyang nabawian ng buhay. Pina-crimate namin ang labi nitong halos 'di na namin makilala sa pagkabasag ng bungo nito. MATAPOS ang limang araw na pagdadalamhati namin kay Daddy sa mansion ay kinailangan na namin itong dalhin sa huling hantungan nito. Araw-araw namang nasa tabi ko ang mga kaibigan ko at salitan kami ni Mommy na inaalalayan at kinakausap para 'di tuluyang masiraan kami ng katinuan. Tulala ako habang pinagmamasdan ang malaking whole body size picture ni Daddy na nakasabit dito sa dingding ng sala. Napakakisig niya sa all white formal attire niya at kuha iyon noong araw mismo ng kasal nila ni Mommy. Para siyang buhay na nakikipagtitigan sa akin ang maaliwalas at napakakinang niyang mga mata habang may matamis na ngiti sa mga labing nakapaskil. Bakas sa gwapong mukha nito na in love ito at masaya sa kanyang larawan dahil pakakasalan na niya ang babaeng iniibig. At 'yon si Mommy. "Mom?" Nnapatayo ako sa pagkakatulala ko habang nakatingala sa larawan ni Daddy pagkakita ko kay Mommy na naka formal dress na palabas ng mansion. Tumigil naman ito at pilit ngumiti pero iba ang sinasabi ng mga matang kita ang pagdadalamhati. "Yes, hija? Do you need anything?" anito na ikinatigil ko. "Where are you going, Mom? Kalilibing pa nga lang natin kay Dad." Napahinga ito ng malalim at napasapo sa noo. Pagod ang mga matang napatitig sa akin. "I'm going to Vancouver, hija. Maraming meetings on board ang naghihintay sa akin doon para sa pagpalit ko sa Daddy mo bilang Chairman ng Casanova Real Estate Corporation natin do'n," maalumanay nitong sagot sa tanong ko. Napalabi akong tumitig dito. Pilit itong ngumiti at yumakap sa akin na kaagad kong ginantihan. Ang hirap talaga pag malaking kumpanya ang pinamumunuan ng pamilya niyo dahil wala sa vocabulary niyo'ng pamilya ang pagdadalamhati para magpakita ng weakness sa publiko. Maraming tao ang nakaasa ng hanap-buhay sa inyong pamumuno kaya 'di ka p'wedeng mamahinga kahit pa may pinagdadaanan ka. "I have to go, hija. Take good care yourself, huh? I'll call you time to time to keep you updated," saad nito. "Okay po," I just nooded. Humalik sa ito noo ko at humaplos sa pisngi ko bago tuluyang lumabas sa mansion kasama ang ilang bodyguards nito. Mapait akong napangiti at tinanaw na lang mula dito sa loob ang pagpasok nito sa kotse papuntang airport namin. Napatingala akong muli sa portrait ni Daddy at mapait na napangiti kasabay sa pagtulo ng mga luha ko. "See, Dad? Mag-isa na naman ako. Ang daya niyo naman kasi eh. Bakit niyo naman kami iniwan ng gan'to kaaga?" parang hibang kong pagkausap kay Daddy. "Pag 'yan sumagot kung 'di ka tatakbo palabas." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na nagsalita at nabungaran ang mga sira-ulo kong kaibigan sa may pinto palapit dito sa kinaroroonan ko. Napapatingala din sila sa portrait ni Daddy at bakas ang lungkot at simpatya sa kanilang mga mata. "Okay nga 'yon eh, para makapag paalam muna ako sa kanya," pagsasakay ko sa biro ni Irish na ikinahagikhik ng mga ito. Kahit nakangiti ang mga ito'y iba ang sinasabi ng mga mata nila. Alam ko namang pinapagaan lang nila ang nararamdaman ko, bagay na ipinagpapa salamat ko dahil 'yon ang kailangan ko ngayon. Kailangan ko ng karamay sa pagdadalamhati ko dahil 'yong ina ko'y hayu'n at lumipad na abroad para personal na asikasuhin ang negosyo ng pamilyang naiwan sa kanya ang pamamahala. NAGKAYAYAAN kaming anim sa Bar nila Liezel na dati na naming hang-out place simula pa college kaming magkakaibigan. Panay ang tungga ko sa kinuha naming inumin ang Dalmore 62 scotch whiskey worth 10m isa sa pinakamahal na alak dito sa exclusive Bar nila Liezel. Napapailing na lamanng ito dahil sa card niya naibabawas ang mga kinukuha naming inumin, pulutan at nitong vip room na palagi naming pinapa-reserve sa aming magkakaibigan. Halos linggo-linggo rin kasi kaming nakatambay dito kahit pa noong nag-aaral pa lang kami. Minsan tuloy 'di ko maiwasang mainggit sa mga ito dahil kay sasaya na nila sa mga love life meron sila. Samantalang ako? Heto at nganga pa rin ang beauty. Sa aming anim, kami na lang ni Kristel ang single dahil engaged na si Irish sa fiancee nito. Habang si Janaeya naman ay bagong kasal pa lang. Masaya naman ako at 'di nagmamadaling mag-asawa lalo pa't nasa bente dos pa lang naman ako. Masyado lang atat magpatali ang mga kaibigan ko nang mahanap na nila ang lalakeng nagpabaliw sa mga baliw na nilang puso. NAHIHILO na ako habang nandito pa rin sa mesa at mag-isang tumutungga dahil sina Liezel, Irish, Lira at Naeya ay sinundo na ng mga mahal nilang tila mapa-praning din at 'di makatulog kung hindi sila magkakatabi. Nakahiga naman na si Kristel sa kama na lasing na lasing na rin. Umiikot na rin ang paligid ko pero ayo'ko pang matulog. Lumabas ako at nagtungo sa dance floor para makigulo sa mga tao ditong tila walang kaproble-problema sa buhay. Sobrang saya nilang naghihiyawan at sayawan dito sa gitna habang sinasabayan ang nakakaindak at nakakabinging tugtugin ng live band sa stage. Nakikisabay na rin akong napapaindak kahit nahihilo ako para iwaksi saglit ang pinagdaramdam ko. Gusto kong maibsan kahit paano ang pagdadalamhati ko sa pagkawala ni Daddy at pag-iwan sa akin ni Mommy na kalilibing pa lang ng ama ko. Napapapikit pa ako habang iginigiling ang katawan ng may masagi ang pwet kong nakaumbok sa may likuran ko sa aking pagtuwad! Kahit umiikot ang paningin ko'y pumihit ako paharap sa sumundot sa pisngi ng pang-upo ko at nabungaran ang isang Greek God na nakangiting sumasabay nakikipag sayawan sa akin. Napakalagkit ng mga titig nitong nakangiti ng matamis kaya't litaw ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. "Hi, handsome. Are you free for me tonight?" bulong ko sa punong-tainga nito. Yumapos naman ito sa baywang ko at mas idiinin sa hinaharap nitong nakaumbok at ngayo'y kumikiskis sa puson kong namumuhay sa pagnanasa ko sa katawan. Yumapos din ako sa batok nito at pinagtapat ang aming noo. "I'm single and ready to mingle, honey. Are you game to go with the flow?" pang-aakit nito na ikinatawa ko. Napakagat labi itong tumitig sa mga labi kong bahagyang iniawang kong nagpalunok dito. Mas hinapit din ako nito sa baywang kaya mas naidiin sa puson ko ang malabakal nitong umbok na nagpapalunok din sa akin. "Ohh, not so fast, honey," paungol kong saway sa mga kamay nito. Nakadakma na kasi sa dalawang bilugan kong pang-upo at may panggigigil itong nilalamas ang mga 'yon! Napangisi naman ito at mas hinapit ako sa baywang paalis sa dance floor. Nagpatianod ako dito dahil sa pag-iikot ng paningin ko sa pagod, antok at tama ko sa ininom namin. Nakailang bote rin kaming magkakaibigan kaya malapit na nga akong bumagsak kung 'di ko lang nilalabanan. "Umpt. . . w-wait, your too wild, honey." Pigil ko nang muli ako nitong siilin ng mapang-angking halik ang mga labi ko habang palitang inisasandal ang isa't-isa dito sa hallway. Madaling araw naman na at wala na kaming ibang nakakasabayan kaya kampante akong magkalat. Nakahilera ang mga vip room dito na akupado na rin ng mga bigtime na parokyano nitong Bar at isa na kami roon. Hinihingal itong nakipagtitigan sa inaantok ko ng mga mata. Ngumiti itong hinaplos ako sa pisngi at inayos din ang ilang hibla ng buhok kong nakatabing na sa mukha kong pawisan tulad nito. "Damn! So young, yet so right for my taste!" nahihibang anas nito bago ako buhatin na isinampay sa kanyang balikat! Lalo akong nahilo sa pagkakatiwarik ko. Maya pa'y bumukas ang sliding door ng isang vip room at maingat din nitong isinara. Kabado ako at alam ko na ang pinaplano nito ngayon dahil hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na bang napagdaan ito. Pero lahat sila'y binasagan ko ng itlog dahil kahit anong lasing ko'y kaya ko pa namang protektahan ang puri ni Maria. Hindi naman kami mga pariwarang magkakaibigan. Malalaswa lang ang mga ginagamit naming salita at may pagka-balahura ang mga dila namin pero 'di naman kami nakikipag-bed-mate! Halik, yakap at haplos ay pwede pa, as long as matipuhan din namin. Pero never kaming nakikipagtalik lalo na sa strangers lang. Maingat ako nitong inilapag sa napakalambot na kama na lalong nagpapatangay sa akin sa antok. Mariin akong napapikit at pinakiramdaman kung katulad ito ng mga lalake. Aabot na yata sa daan-daan sa dinami-rami nilang naka-encounter kong puro mga hayok sa laman at gusto akong tikman kaya nababasag ko ang mga itlog nila. Baka nga marami na akong nabaog sa mga napuruhan sa kanila. Huminga ito ng malalim at maingat na tinanggal ang 4inch stiletto ko. Pinisil-pisil niya pa ang talampakan kong medyo namanhid na nga. Maya pa'y lumundo na ang tabi ko at nararamdaman na ang init na sumisingaw sa katawan nito. Maging ang manly perfume nito'y nasisinghot ko na sa sobrang lapit nito. Maingat nitong iniangat ang ulo ko paunan sa malabakal niyang braso at hinila ang comforter na itinabing nito sa katawan namin hanggang dibdib. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko at pinapakiramdaman lang ito dahil kung pagsasamantalahan ako nito'y nakahanda akong idagdag siya sa listahan ng mga lalakeng natuhod ko ang bayag. Mariin itong humalik sa pisngi ko bago yumakap sa akin at isinubsob ang mukha sa leeg ko. Pigil-pigil ang hininga ko at nakikiliti sa init ng hininga nitong tumatama sa leeg ko. Maging ang mga papatubong balbas nito sa ilalim ng panga ay nakakakiliti sa balat ko dahil naka-expose ang balikat ko sa suot kong off shoulder dress. Napangiti ako at tuluyang nagpatangay sa antok nang marinig itong mabigat na ang paghinga habang mahinang humihilik sa balikat ko. "Ang weak. Infairness, he's rare and one of a kind gentleman I've encountered." Piping usal ko. NAPASAPO ako sa ulo ko at sobrang bigat nitong tila binibiyak sa tindi ng hangover ko. Napabalikwas ako sa kama at pinakiramdaman ang sarili pero wala naman akong ibang nararamdamang masakit kundi ang ulo ko lang. Napangiti akong bumangon na at nagtungo sa banyo nitong silid para makapag hilamos. Mag-isa na nga ako dito at hindi ko manlang matandaan ang mukha nang lalaking nakatabi kong matulog dito sa vip room na kinaidlipan ko. Naalala ko pang hinalikan ako nito sa pisngi bago mahigpit na niyakap at itinulog na rin dahil nagtulog-tulugan ako para pakiramdam ang mga gagawin nito. Laking pasalamat kong natatangi ito sa lahat. Kahit ramdam ko ang kasabikan sa kanya ay hindi niya ako pinagsamantalahan kundi prinotektahan ang kalasingan ko sa iba. Napahaplos ako sa ibabang labi at pakiramdam ko'y nakalapat pa rin doon ang mga labi niyang napakarubdob humalik kaninang madaling araw. Gusto kong magpapapadyak dahil 'di ko na matandaan ang mukha niya dahil malabo na siya sa ala-ala ko dala ng kalasingan. Ni hindi ko naitanong ang pangalan niya. Nakakainis naman! Baka hindi na kami magkita no'n. Sayang naman. Ang sarap pa naman niyang humalik. Nakakatangay ang init ng uri ng paghagod ng mga labi niya na sinasabayang kumakagat bahagya ang mga ngipin nitong nakakapag-alpas ng ungol! Mabilis na akong lumabas ng silid dahil pasado alasbonse na ng umaga. Kumakalam na rin ang sikmura ko dahil wala pa akong kain. Tumuloy ako sa elevator at pilit nilalabanan ang pag-iikot ng paningin ko sa tindi ng hangover ko at gutom. Halos tumakbo na ako palabas ng Bar at tinungo ang lamborghini ko sa harapan nitong Bar at kaagad pinaharurot pabalik ng mansion. Makailang beses akong napapailing para gisingin ang diwa kong inaantok na naman at maging ang mga mata ko'y namimigat na ang mga talukap. Naduduling na rin ako at halos hindi na maaninag ang mga dinaraanan ko sa bilis ng patakbo ko. Mabuti na lang at buhay pa naman akong nakarating ng mansion na kaagad dinaluhan ni Nanay Asuncion pagkakakita sa aking gegewang-gewang na. "Señorita!" Nag-aalala itong sinalubong ako at kaagad inakay papasok ng mansion. Nadaanan pa namin ang iba sa may sala na maingat naglilinis sa bawat sulok at nagbigay galang muna sa akin sa pagdaan namin ni Nanay Asuncion sa tapat nilang kinawayan ko lang dahil talagang susubsob na ako sa sahig kung 'di lang ako yakap ni nanay paakyat ng hagdanan. "Sorry, Nanay. Lasing na naman ang alaga mong umuwi," sinisinok kong saad pagkapasok namin ng silid ko. Tahimik lang naman itong inalalayan akong makahiga sa kama kong naghatid sa akin ng kakaibang comfort. Hinubad din nito ang stiletto at dress ko bago ako binanyusan ng face towel at maligamgam na tubig na ikinangiti ko. Sanjay na sa akin si Nanay dahil simula pagkabata ay ito na ang nagpaka-ina sa akin. Maging sa pagbabanyos sa buong katawan ko, paghuhubad at bihis nito'y dati na niyang ginagawa sa akin kaya nga wala na akong naitatago sa kanya. Lahat na nga raw ng palatandaan ko sa katawan ay kabisado na niya. "Magpahinga ka na, anak," saad nito na nagpatango lang sa akin habang mariing nakapikit na ang mga mata ko. Inayos din nito ang kumot ko at hinayaan lang naka-panty na matulog dahil 'yon ang nakasanayan ng katawan ko. Lalo na kung hang-over ako'y tanging panty lang ang sinusuot ko para mas dama ko ang lamig at lambot ng kinahihigaan kong nagbibigay sa akin ng kakaibang comfort para makatulog ng maayos at mahimbing. HAPON na nang magising ako sa pagyugyog sa akin ni Nanay na may dalang mainit-init pang sopas. Inalalayan ako nitong sumandal sa headboard nitong kama dahil nanghihina na ako sa maghapon kong walang kain. "Kaya mo ba, anak?" nag-aalalang tanong nito at inilapit na ang tray. May lamang itong isang bowl ng sopas, juice at ang paborito kong sabaw na bulalo. Ramdam ko nga ang panginginig ng kalamnan at buong katawan ko'y hinang-hina kaya umiling ako kay Nanay. Hinalo-halo naman nito ang sopas na umuusok pa bago kumutsara doon at hinihipan muna bago iumang sa bibig ko. Nangingiti na lang akong tinatanggap bawat pagsubo nito sa akin. Malungkot akong tinititigan nito habang sinusubuan. "Nay, I'm okay. No worries, hindi pa ba kayo sanay sa akin?" saad ko. Ngumiti ito bago inilapag ang bowl sa bedside table dahil naubos ko na ang laman no'n. Mas guminhawa nga ang pakiramdam ko at nagkalakas ulit ang matamlay kong pangangatawan. Inabot nito ang juice at inalalayang ipinainom sa akin. "Basta ingatan mo lagi ang sarili mo, señorita. Alam mong parang anak na kita," anito na ikinatango at ngiti ko. Hinawakan ko ito sa kanyang kamay at naluluhang taimtim itong tinitigan. May katandaan na si Nanay Asuncion dahil mula pagkabata ko, siya na ang nag-alaga sa akin. Sa tuwing wala sina Mommy at Daddy ay ito ang sumasama sa akin sa school para sa mga family gatherings namin. Ni minsan ay hindi niya ako iniwan at hindi na nga siya nagkaroon ng sariling pamilya dahil nakatuon ang full attention niya sa akin. Kaya nga hindi lang Yaya ang turing ko sa kanya kundi sarili ko na ring ina. Kaya Nanay ang tawag ko sa kanya dahil mas naging ina pa ito sa akin kaysa sa sarili kong inang nagluwal lang sa akin. "O siya, sige na. Magpahinga ka na ulit, anak," anito na tumayo na dala ang mga pinagkainan ko. Matapos akong pakainin ni Nanay ay nag-shower na muna ako kaya mas guminhawa ang pakiramdam ko. May lakas na ulit akong maglasing at liwaliw sa buong magdamag. Pagkababa ko ng sala ay naaubatan ko ang ilang katulong na naglilinis na naman. Kahit padilim na at napakakintab na nga ng buong mansion sa sipag nilang maglinis at magpunas. Nagsisiyukuan pa ang mga ito sa akin na tinanguhan ko lang. "Señorita, saan na naman ang punta mo?" Napalingon ako sa gawi ng kusina sa nag-aalalang boses ni Nanay Asuncion. Lumapit ako dito at humalik sa kanyang noo. "Labas lang ako, Nay. Magpapahangin lang. Unwind na rin para magwaksi ng lungkot," saad ko. Napatango-tango itong hinaplos ako sa pisngi maging sa mahabang wavy hair kong nakalugay ay sinuklay nito ng kanyang mga daliri. "Mag-iingat ka, anak, huh? Hwag ka na rin maglalalasing. Mamaya mapa'no ka niyan." Paalala nito. Bakas sa tono ang pag-aalala nito na ikinangiti at tango ko. "Opo," pagsang-ayon ko at muling hinalikan ito sa noo bago tuluyang lumabas ng mansion. Napapapilantik ako ng mga daliri habang nagmamaneho at 'di alam kung saan tutungo. Namalayan ko na lang ang sariling binabagtas ang daan papunta sa coffee shop kong bagong bukas sa Pasay. NAPATUWID ng tayo ang mga empleyado ko pagkakita sa akin. Sabay-sabay pang nagsiyukuhan at bati ang mga ito na ikinatango ko lang. "Good evening, Ms Di. Napasugod po kayo?" magalang saad ng manager ko dito sa shop. Si Aiza Lopez na dati kong classmate noon sa DPU. Lumapit siya sa akin at nakiusap tanggapin ko kahit anong posisyon daw basta magkatrabaho dahil nabuntis pala siya at tinakbuhan ng lalake. Naawa naman ako at dati ko rin naman na siyang nakakasalamuha noon sa university. Schoolar siya doon kaya siya nakapasok at kabilang sa mga estudyanteng tinitingala at hinahangaaan ang grupo naming magkakaibigan. "Kumusta kayo dito?" pabalik tanong ko bago pumalit sa kanya sa kahera at pinasadaan ang kita nila sa nagdaang mga araw. "Maayos naman po, Ms Di. Wala naman pong naging problema," nakatungong sagot nito. Napahinga ako ng malalim at ni-check ang mga kuha ng cctv na kaharap ko para panoorin ang mga nagdaang araw na wala ako rito. Napakunotnoo ako sa isang pamilyar na binatang regular costumer nila ng ilang araw at palinga-linga sa paligid na tila may hinahanap. Umo-order naman ito pero inaabot ng oras ang pagtambay dito sa shop na parang may hinihintay. "Ahm, Ms Di. Kilala niyo po ba 'yan?" usyoso ni Aiza na nakikinood na pala sa akin. Umiling ako at ni-zoom ang kuha sa lalakeng prenteng nagkakape at madalas sa isang sulok pumupwesto. "Pabalik-balik po 'yan si Sir dito. Minsan natanong niya po ako kung nandito kayo o anong araw kayo pupunta dito. Hindi naman po siya nagpapakilala kaya hindi ko po masabi kung kailan kayo pupunta at 'di ko na rin kayo tinawagan dahil alam ko namang nagluluksa pa rin kayo. Condolence po ulit, Ms Di," anito na ikinatango ko lang. "Thank you, Aiza. Tama lang ang ginawa mo. Hindi ko rin naman siya kakilala. Baka isa lang siya sa mga nanggugulong fans d'yan na gusto akong ma-meet in person." Napatango-tango naman itong ngumiti sa akin. Maya pa'y mahina ako nitong kinalabit sa braso kaya napaangat ako ng mukha. Sumenyas ito sa gawing entrance kaya napasunod ako ng tingin sa inginuso nito at napanganga sa pagpasok ng stranger na pinapanood ko lang sa cctv. Naka- white long sleeve polo ulit ito na nakatupi hanggang kanyang siko ang manggas. Naka-tuck-in din ito sa kanyang hapit na black pants at napakakintab na black leather shoes. Maging pagkakatayo ng buhok nitong namamasa pa ay napakaayos ding bumagay sa itsura nito. Napapilig ako ng ulo dahil parang nakita ko na ito. Hindi ko lang mawari kung saan, kailan at paano? "Hi, can I have cuppuccino latte, please?" Napalunok ako sa lamig at pagkabuo ng baritonong boses nito. "Yes, Sir. Just a moment, please?" sagot ni Aiza na inilingan nito habang matamang nakikipagtitigan sa aking nakaupo dito sa counter. "No, I want her to prepare it for me," malambing pa ring sagot nito na ikinakurap-kurap ko. "Ah, eh, Sir naku! Hindi po empleyado si Ms Di dito. Siya po ang amo namin kaya hindi siya pwede--" "It's okay, Aiza," putol ko sa pagkataranta nitong magpaliwanag sa kaharap namin. Napapailing na lamang ako sa isip-isip na hanggang ngayo'y matiim pa rin itong nakatitig sa akin. Kimi akong ngumiti at tinungo ang coffee maker namin at ginawan ito ng order. Kahit nakatalikod ako'y nanunuot sa buto ko ang matiim nitong pagtitig sa likod ko. Bigla ring pinagpawisan ako ng malamig at may kung anong kaba ang bumubundol sa dibdib ko. Nandito na naman siya at ngayo'y nakaharap na niya ako. Sino ba siya? Bakit niya ako hinahanap? Imposible namang kabilang siya sa mga naka-fling ko na dati at nabasagan ko ng itlog. May atraso kaya ako dito? Pero ano? Napailing ako at nakangiting iniabot dito ang order na kape. Para akong kinuryente sa paglapat ng aming mga daliri sa pag-abot nito sa kanyang kape at sinadyang paglapatin ang dulo ng aming mga daliri. Kaagad kong binawi ang kamay ko at muling bumalik sa counter. "Enjoy your coffee, Sir," saad ko na hindi na ito tinitignan. Nag-abot ito ng credit card na si Aiza na ang umabot at nagbalik ulit dito pagkabawas sa kanyang in-order. Napasunod ako ng tingin dito nang nagtungo na siya sa sulok kung saan kita ako dito sa counter. Naaalibadbaran ako sa prehensya nito dahil kahit nasa malayo ito'y kita ko sa cctv na sa akin matiim nakatutok ang paningin na tila may nagawa ako dito. "Ang gwapo niya, noh, Ms Di?" kinikilig na sambit ni Aiza. Wala sa sariling napatango ako habang nakamata sa screen sa harap ko at naka-zoom kay Mr hansome stranger ang monitor. "Yeah, absolutely. He's looks like a Greek God in the fantasy series," wala sa sariling pagsang-ayon ko na ikinatili nito. Napalingon tuloy sa amin ang malapit sa gawi naming mga costumer kaya napansin nila ako at nagbubulung-bulungan ang mga ito habang matiim na nakatitig sa akin. Dinig ko pa ang ilang bulungan nilang bakas ang paghanga habang pinagmamasdan ako at pasimpleng kinukunan ng photos at videos na hinayaan ko lang. Mainit pa kami sa media ngayon dahil sa biglaang pagkamatay ng chairman ng kilalang Casanova Real Estate Corporation na si Daddy. MATAPOS ang ilang oras kong pananatili sa shop ay nagpaalam na ako dahil 24 hours namang bukas ito. May unit din sa ikalawang palapag nitong shop kung saan tumutuloy si Aiza at ang anak nitong 3 years old na inaalagaan ng nakababatang kapatid. Dito ko sila pinatira kaysa mangupahan pa sila para na rin nakatutok lang siya dito sa shop. Malaki naman ang tiwala ko dito dahil talaga namang mapagkakatiwalaan itong empleyado kaya siya ang iniluklok ko sa posisyon bilang manager kahit undergraduate ito. Nagtungo ako sa hangout place naming magkakaibigan at tinawagan ang mga itong magkita-kita kami doon na kaagad naman nilang sinang-ayunan. Pagkababa ko ng kotse ay napatigil ako sa akmang pagpasok nang mahagip ng peripheral vision ko ang lalakeng stranger na nandoon lang kanina sa shop. Napahawak ako sa aking dibdib at muling binundol ng kakaibang kaba sa dibdib ko. "Bakit ba siya sunod nang sunod?" Piping usal ko. Napapabuga ako ng hangin sa baga para ibsan ang kaba ko. Dama kong sobrang lakas pa rin kasi ng kabog ng dibdib ko sa pagsulpot ng nilalang na 'to. Nang mas makalma ko na ang sarili ay nag-retouch na muna ako ng foundation, blush on at lipstick ko. Napasuklay din ako sa mahaba kong alon-alon na buhok at napapangiting pinagmasdan ang repleksyon ko sa rear view mirror ko. Nang makuntento na ako sa ayos ko ay lumabas na ako ng kotse. Dahan-dahan akong naglakad papasok ng Bar nila Liezel at halos mapatalon nang maki-sabay ito sa akin at sinadyang pagdaplisin ang aming mga palad! "Damn! Sino ba ang kumag na 'to? Is he one of my stalker?" bulong ko sa isipan. "Hi! I'm happy to see you again. . honey."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD