Chapter 2 Target

1495 Words
Diane: NAGPATIUNA NA AKONG pumasok ng bar at 'di na ito binigyan pansin. Wala ako sa mood makipagharutan sa strangers ngayon. Nagdadalamhati pa ang puso ko sa biglaang pagpanaw ni daddy. Napapihit ako paharap dito ng hanggang dito sa elevator ay nakasunod itong tila wala yatang planong lubayan ako. Mukha ngang kabilang siya sa mga die-hard fans naming magkakaibigan na gagawin lahat makalapit lang sa amin. Nakakapagtaka lang dahil mukha naman siyang disenteng tao sa itsura, pananamit at pagkilos. "Are you following me?" taaskilay kong tanong na may pagmamaldita sa tono. Napaiwas ito ng tingin at bahagyang pinamulaan. "Tsk stop following me if you don't want me to break your neck" madiing banta ko at pumasok na ng elevator. Sinamaan ko ito ng tingin ng mapalingon pa ito sa akin habang papasara na ang pinto. Napahinga akong malalim na napapahilot sa batok. Sumasakit na ang ulo ko sa mga naiisip. Kung bakit naman kasi biglaan ang pagkamatay ni daddy. Ang hirap lang tanggapin na wala na ito. Tumuloy na lamang ako sa bar counter dahil mag-isa naman ako tonight. Lalo lang akong malulungkot kapag sa vip room ako tutuloy na wala naman ang mga siraulo kong kaibigan para malibang-libang ako sa kaluwagan ng turnilyo ng kanilang utak. "Good evening ms Di" masiglang bati ng bartender na kasalukuyang nagmi-mix ng alak na inaalog-alog pa nito. Tipid akong ngumiti na naupo sa highchair kaharap ito. "Good evening, I want to try that" matamlay kong saad na nginuso ang inaalog nito. "Sure ms Di" nakangiting saad nito na agad naglagay ng limang shooting glass sa harapan kong isa-isang sinalinan ang mga iyon. Ngumiti akong dinampot ang isa at direktang inisang lagok. Gumuhit ang kakaibang init sa lalamunan ko sa paghagod nito. Naramdaman ko naman ang pag-upo ng kung sino sa tabi ko na hindi ko na nilingon pa at muling inisang lagok ang pangalawang shooting glass. Napangiwi akong napahawi sa buhok kong tumabing sa mukha ko. Kita ko sa peripheral vision kong nakatitig ang lalakeng naupo sa tabi kong ikinangisi at iling kong muling sunod-sunod na nilagok ang tatlong natira pero bigla nitong inagaw ang panghuli at inisang lagok na ikinalingon ko dito. Pagak akong natawa at iling sa isip na malingunan ito, siya 'yon. 'Yong guy na sunod nang sunod tsk. "Why are you following me hmm? Do you like me?" prangkang tanong ko. Ngumiti lang itong sa harap pa rin nakatingin na sinenyasan ang bar tender ng order. "What if I said yes? Would you mind?" anito na unti-unting nilingon akong....may naglalarong pilyong ngiti sa mga labi. Napalunok akong nag-iwas tingin sa matiim nitong mga matang kung makatitig ay wagas! "More please" baling ko sa bartender para makaiwas sa stranger na 'to at muling nilagok ang shot na sinerve nito. Ramdam ko namang nakatitig pa rin ito sa akin kaya pigil-pigil ko ang sariling lingunin din ito. "The night is getting bored" anito sa mahaba-haba naming katahimikan na iniinom ang kanya-kanyang shot. "And so?" sagot ko na hindi ito nililingon. "Are you willing to make it exciting....with me" napalunok ako sa binulong nito na sinadyang isagi ang mga labi sa tainga ko. Kakaibang kiliti ang lumukob sa dibdib ko sa pagsagi ng mga labi nito sa balat ko! Bigla ding bumilis ang t***k ng puso kong ni minsa'y hindi ko pa nararamdaman sa dinami-rami ng mga kina-fling ko. Napangisi akong dahan-dahang nilingon itong pinasadaan ng tingin mula ulo hanggang paa. Kung panlabas na anyo lang naman ay pasok ito sa high average namin ng mga kaibigan ko. Mukha itong disenteng lalake sa suot na long sleeve na nakatupi pa ang manggas hanggang siko. Naka-tuck-in na pinaresan ng itim na slacks. Hindi rin marumi sa mukha dahil fully shaved ang gwapong mukha. Maayos ang gupit na bumagay sa itsura nito. Berdeng mga mata na malalantik at mahaba ang mga pilikmatang itim na itim. F*ck! Mas maganda pa ang mga mata at pilikmata nito kaysa sa akin! Matangos ang pointed nose nito na may maninipis na mga labing natural na mamula-mula. Bumagay din dito ang round diamond earing sa left ear nitong kumikinang pa kapag natatamaan ng ilaw. "I have a high expectations mr" ngising asong saad kong ikinangisi din nito na biglang humapit sa baywang ko pakabig dito! Muling bumilis ang pagtibok ng puso ko sa paglalapat ng aming mga balat! Ramdam na ramdam ko ang init na sumusungaw sa katawan nito sa gahibla lang ang pagitan. "Try me then, before rating me honey" paanas nito na napapatitig sa mga labi ko! Napapalunok akong lalong ikinangisi nito. "Let's go" anito na inalalayan akong makababa ng highchair at humapit sa baywang kong inakay ako palabas ng bar. Napapapilig ako ng ulo at nagtataka sa sariling.....wala akong maramdamang pagtutol kahit alam ko na ang mga posibleng mangyari kundi.... na-e-excite pa nga ako!! F*ck! Anong meron sa lalaking 'to!? Bakit parang.......ang hirap niyang tanggihan!! TAHIMIK AKO HABANG binabaybay ang kahabaan ng highway. Halos hatinggabi na rin kaya maluwag na ang kalsada at mangilan-ngilan na lamang ang mga nakakasalubong at sabayan namin. Napasapo ako sa noo. Para akong masusuka sa bilis nitong magmaneho. Idagdag pang nakabukas ang bubong ng kotse nito dahil convertible ito kaya ang sakit sa mata ang hangin na sumasalubong sa amin! Napapikit akong napasandal at hindi na inalam kung saan ako nito dadalhin. Kaya ko naman ang sarili ko kung sakali at....may masamang balak ito. Ako pa ang gagawa ng masama sa kanya kapag nagkamali siya ng kilos tsk. Kung hindi ko tanggalan ng bayag at ipalamon mismo sa kanya. Napakatahimik ng lugar kung saan ito huminto. Pero dinig ko ang mahinang hampas ng alon sa harapan kaya nakakatiyak akong nasa....baywalk kami. Nanatili akong nakapikit na sapo ang noo at nagtutulog-tulugan. Ramdam ko namang bumaba ito ng sasakyan pero hindi na ako nag-abalang magdilat ng mga mata para makita kung anong gagawin nito. Ilang minuto lang ay dinig ko na ang mga yabag nito papalapit. Nakakatiyak naman akong siya ito dahil sa pabango at prehens'ya nitong....nakabisa ko na. Muli itong sumakay ng driver side at may inilapag sa pinagigitnaan naming espasyo na kumaluskos. Napahinga ito ng malalim at ramdam ang mga mata nitong nakatutok sa aking nanunuot hanggang buto ko. "Still awake?" anito. Tumango lang ako dahil sigurado naman akong nakatitig pa rin ito. "Wanna join me?" napadilat ako ng mga mata ng maramdaman ang malamig na bagay na inilapat nito sa leeg kong ikinapitlag ko. Tatawatawa itong sinamaan ko ng tingin at inagaw ang beer in can na bigay nito. Nagbukas din ito ng kanya na.agad tinungga. Saka ko lang napansin ang malaking paperbags na nasa gitna naming naglalaman ng mga beers at....sitchirya!? what the f*ck!? Ang kuripot naman nito! "So? What are doing in the bar? Are you following me?" paninimula ko. Napailing naman itong agad naubos ang iniinom habang ako'y patikim pa lamang sa kabubukas kong beer. "Nagkataon lang Di, may hinahanap kasi ako at ayon sa informer ko sa bar na 'yon madalas nagagawi ang hinahanap ko kasama ang mga kaibigan nito" napatango-tango ako kahit hindi ako sigurado kung nagsasabi ba ito ng totoo. "And now you know my name huh?" nakangising saad ko. Napakamot pa ito ng batok na pilit ngumiti. "Narinig ko lang na tinawag kang ms Di kanina sa bar" napanguso akong napapakibot-kibot. Kita ko sa gilid ng mata kong nakatitig pa rin itong hindi ko nililingon. "Baka matulungan kita. Kung regular costumer ang taong hinahanap mo dahil....matalik kong kaibigan ang may-ari sa bar na 'yon" balewalang saad ko para maiba ang topic. Napalingon naman ito kaya nanatili akong sa harapan nakatitig na sumisimsim sa can na iniinom ko. "Really?!" namamanghang bulalas nito na tila hindi makapaniwala. Pagak akong natawa na napailing. "Hell yeah" tumatango-tangong sagot ko. "Thanks Di, I owe you this. Nexttime kapag nalaman ko na ang complete name ng taong hinahanap ko, tatawagan kita para hingin ang tulong mo" excited na bulalas nitong animo'y nakakita ng pag-asa sa akin tsk. "So, sino ba itong hinahanap mo?" usisa ko na humarap na dito at dinampot ang nakita kong stick ng yosi sa paperbag na dala nito. Napasunod lang naman ito ng tingin sa akin ng sindihan ko 'yon na hinithit habang nilalarong binubuga ang usok nito na nakamata dito. "Ahm. Someone especial" "Ooww" napatangong saad ko. "Someone na may malaking utang sa amin ng mommy ko. Kaya lang wala ito ngayon ng bansa dahil sa kaliwa't kanan nitong negosyo dito sa bansa at Asia. Pasensiyahan na lang kami dahil.....ang anak nito ang bagong target ko para durugin ito katulad kung paano....nadurog ng daddy ang mommy ko dahil sa labis-labis nitong pagmamahal sa first love nitong hanggang ngayo'y....hindi niya pa rin nakakalimutan" anito na nagngingitngit ang mga ngipin. Napalunok akong biglang kinabahan sa sinaad nito. Kahit hindi ko pa kilala kung sino ang mga taong binabanggit nito ay pakiramdam ko'y.....malapit ang mga taong ito sa akin lalo na't....regular costumer sa bar nila Liezel ang sinasabi nitong anak....ng target nito. "No, Imposible namang....isa sa mga kaibigan ko ang tinutukoy nito"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD