Lucas's point of view TINUSOK ko ang isang rose sa gilid ng lapida ni Wren. "Hindi ko alam kung anong bulaklak ang gusto mo, pero okay na iyan," sabi ko sa lupa. Si Wren naman talaga ang dahilan kung bakit hindi ako tinatanggap ni Bella sa buhay n'ya na higit pa sa pagkakaibigan namin. "Alam kong hindi maganda ang pagkikita natin, pero hindi ako masaya na nawala ka sa mundo," sabi ko pa. Umupo ako sa damuhan. Pinili ko talagang pumunta dito para makausap si Wren kahit na para akong tanga na kausap ang hangin. "Payapa pala itong lugar mo ngayon," biro ko. Pero ako lang naman ang natawa, pero baka hindi na ako bumalik dito kung mayroong makikitawa sa akin. Malawak na lupain, pero sa ilalim nito ay pura wala ng buhay na katawan. "Alam mo, Wren ang swerte mo, hanggang ngayon, i