-Arabella- BINABA ako ni Lucas sa kwarto namin na basa ang buong katawan ko. Yakap-yakap ko ang sarili ko dahil sa lamig dito sa loob, tinignan ko si Lucas at pinanuod ko s'yang kumuha ng towel sa closet sabay pinalupot sa katawan ko. "Ayos ka lang ba?" nag-aalala na tanong ni Lucas sa akin. Namumula na 'yung mukha n'ya dahil sa alak, basa rin ang buo n'yang katawan dahil sa pagligtas nito sa akin. "Bakit mo naman pinaalis mga kaibigan mo?" tanong ko kay Lucas. Tumalikod s'ya sa akin para kumuha ng damit. "Kanina pa kami magkakasama at maaga pa ako bukas sa office kaya ayokong masyadong gabihin," paliwanag ni Lucas sa akin. Bumalik s'ya sa tapat ko na binigyan ako ng damit na masusuot. "Sigurado ka bang ayos ka lang?" nag-aalala n'yang tanong sa akin. Hinawakan ko ang braso n'ya a