Wren's point of view "ENGAGED na kami," nakangiti kong sabi kay Sundy. Nandito kami ngayon ni Sundy sa bahay ko. She wanted to invest with my studio kaya pinag-uusapan namin 'yung mga dapat gawin. Napatingin ako sa kamay n'ya tinapat sa akin. "Congrats," nakangiti n'yang bati sa akin. Agad kong tinanggap ang kamay n'ya. "Thanks," sagot ko. "Alam na ni Warren?" tanong n'ya sa akin. Humarap ako sa laptop ko, sabay iling. Wala pang nakakaalam sa pamilya ko. Gusto kong sabihin sa kanila pag kompleto kaming lahat. Siguro pag dinala ko si Ara sa bahay namin. "Bakit hindi mo pa sinasabi?" takang tanong ni Sundy. "Ako na ang bahala," sagot ko kay Sundy. Nasa sala lang si Warren at kausap n'ya sa phone ang girlfriend n'ya. "Sabi sa 'yo eh." Nilipat ko ang tingin kay Sundy. M