Nang dumating kami sa airport ay sinalubong agad kami ni Tita Yani at Tito Greg. Masayang masaya sila sa aming pagbabalik. Maraming kwento sila tinanong sa amin ni Kaden. Kita sa mukha ni Kaden ang kasiyahan sa kanyang mukha. May kakaibang sigla sa kanya ngayon. Nakikita naman iyon ng kanyang magulang pero hindi na siya kinulit pa. Hindi ko pinagsisihan ang ginawa namin ni Kaden. Masaya ako naibigay ang buong sarili sa kanya. Mahal ko siya at mahal niya naman rin ako. Idagdag pa na mag-asawa na kami. "Namiss ko kayo!" Sambit ni Tita Yani at niyakap ako ng mahigpit. "Namiss rin po kita, Tita." Sabi ko at niyakap siya pabalik. Niyakag nila kami pabalik ng bahay. Agad ko binigay ang mga binili kong pasalubong sa kanila pati na rin ang para kay Manang Lina. Hindi naman umaalis sa tabi ko