"Bad mood na namam ang prinsipe." Nakasimangot na sabi ni Yuan at pasimpleng kumuha sa kinakain ni Lila. "Basta pagpasok niya kanina ay halos umusok ang ilong niya." Agad naman tinabig ni Lila ang kamay nito palayo sa kinakain niya. Si Kael naman ay hawak hawak sa kwelyo ni Jiro na tila anumang oras ay kakaripas ito palayo sa aming table. Pansin ko lang tuwing nandito si Lila ay tila takot na takot siya lumapit sa table namin. Napanguso na lang ako sa tinuran ni Jiro. "Siya pa may ganang mabad mood" Inis kong bulong sa aking sarili Ngunit tila hindi bulong ang aking nagawa nang napatingin silang lahat sa akin. "Kaya naman pala may LQ sila ni Sachi." Nakangising sabi ni Jiro at tinaas baba ang kilay sa aking direksyon na tila nang-aasar. "LQ kayo diyan." Pag-angal ko at sinamaan si Jir