Kinabukasan ay sumabay sa amin maglunch si Idol. Gusto niyang siguraduhing wala ako pagsasabihan ng sikreto niya. Kaya itong si Lila ay natulala kay Sean nang makatabi ito ng malapitan. Nabaling lahat ang tingin ng dumating si Kaden habang nakaalalay kay Hannah. Nagtama ang tingin namin ni Hannah pero agad niya rin ito iniwas. Napabuntong hininga ako dahil tila galit pa rin sa akin si Hannah. Palipat lipat ang tingin sa amin ng lahat at mga palihim pa na nagbulungan. Dapat yata ay sa rooftop na lang kami muli naglunch. "Who is she?" Bulong na tanong sa akin ni Sean nang mapansin ang kakaibang tensyon sa paligid. "Uhmm siya si Hannah" Pakilala ko sa kasama ni Kaden. Pinasadahan ni Sean ng tingin ang kabuuan ni Hannah. "Infairness! Pretty ang lola niyo!" Komento ni Sean pero ako lang