Chapter 3

2233 Words
Ember's POV           NAGMAMADALI akong lumabas nang bahay namin at pumara ng tricycle dahil sobrang late na ako sa una kong klase. Tiyak na mapapagalitan na naman ako ng prof ko. Ako pa naman ang pinag-iinitan niya ngayon sa klase at hindi ko alam kung ano ang dahilan niya. Ibinigay ko agad ang bayad ko sa driver at hindi na hinintay ang sukli ko. Nagmamadali na akong tumakbo papasok sa main gate. Nakasalubong ko pa ang ilang kakilala ko at binabati ako ngunit puro ngiti lang ang naitugon ko. Hinihingal akong pumasok sa classroom namin at naupo sa table ko. Mabuti at nakaabot ako. Wala pa ang masungit na si Ms. Santos. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. "Hoy, Ember!" Bati sakin ni Cara. She's my bestfriend. "Para kang ginahasa! Ayusin mo nga ang ayos mo," Inayos ko naman agad ang buhok kong nilipad ng hangin sa labas kanina dahil sa pagmamadali ko. "Ayan! Para lagi kang maganda. Sabagay, kahit ano namang ayos mo ang ganda-ganda mo pa roin. Sigurado ka ba na hindi ka anak mayaman?" Inirapan ko siya at inayos ang libro kong dala. "Cara, mahirap lang ako. At hindi ako maganda, okay?" "Ay! Pa-humble si ateng! Ang ganda-ganda mo kaya! Ikaw nga ang pinapangarap ng mga kalalakihan dito sa buong campus, hindi mo alam?" Umiling ako dahil hindi naman ako interesado. Kung pinapangarap nila ako ay hindi ko naman sila pinapangarap, hindi ko rin pinangarap na mapansin nila ako. "Cara, eyes on board. Nand'yan na si Ms. Santos, gusto mong masampolan?" Pananakot ko sa kan'ya pero ngumisi lang siya sakin. "Ember, alam naman natin na ikaw ang pinag-iinitan ni Mrs. Santos ngayon. Paano inggit siya sa ganda mo. Maski kasi ibang teacher natin dito na lalaki ay napupunta sa'yo ang atensyon." Muli akong napailing sa sinabi niya. Ganoon ba ako kaganda para mapansin ng iba? Pero bakit sa tuwing humaharap ako sa salamin ay tama lang naman ang mukha ko. May insecurity rin akong nararamdaman lalo kapag nakikita ko si Ms. Santos. Bagaman lagi niya akong pinag-iinitan ay nagagandahan pa rin ako sa kan'ya. Ang ganda rin ng katawan niya. May malaking hinaharap. Napayuko ako at tiningnan ang hinaharap ko. Napabuga ako ng hangin at napailing. Wala akong malaking hinaharap na pwedeng ipagyabang. Hindi rin ako ganoon ka-sexy. May baby fats nga ako, e. "Oh, bakit tinitingnan mo 'yang dibdib mo? Ember, bata pa tayo. 16 years old pa nga lang tayo kaya 'wag ka muna maghangad ng malaking hinaharap diyan. Lalaki rin 'yang sa'yo." Natatawa niyang sambit sanhi ng pamumula nang mukha ko. Iniwasan ko na ang makipagkwentuhan sa kan'ya at nakinig na lamang kay Ms. Santos. Ayokong mapag-initan niya ulit kaya dapat makita niyang nakikinig ako sa mga lessons niya. "Everyone! Bago ako umalis ay gusto ko lang sabihin sa inyong darating ang anak nang may-ari ng university na'to by next week. Magkakaroon tayo ng kaunting program. May kakanta, sasayaw, tutula, at iba pa. Tanda iyon ng pagpapasalamat natin sa kan'ya at sa mga magulang niya dahil kung wala ang university na ito ay pare-parehas din tayong wala dito. Maliwanag?" Napatango kami sa sinabi niya. "Okay, you can go." Huli niyang sinabi bago kami talikurang lahat. "Uy! Himala good mood si Ms. Santos sa'yo?" Puna ni Cara. Maski ako ay nagtaka. Bakit yata hindi niya ako pinag-initan ngayon? "Hindi ba't dapat matuwa ako?" Sabi ko bago kinuha ang bag ko at isinukbit sa balikat ko. Natapos ang maghapon na walang ibang topic kundi ang pagdating daw ng anak nang may-ari ng school na  pinapasukan namin. Ang excited nila masyado. Next week pa naman ang dating 'nun. Pagdating ko sa bahay ay nagwalis-walis ako sa bakuran namin, naghugas ng ilang pinggan na nakatambak at nagligpit sa sala namin at sa kwarto ko. Maaga kasi ako laging pumapasok  kaya sa hapon ko na ito naaasikaso lahat. Wala si Lola, umuwi sa kapatid niya sa Mindanao at  mag-iisang linggo na siya doon. Aasikasuhin daw niya ang lupang ipinamana sa kan'ya ng tatay niya na Lolo ko na sa tuhod. Kapag naayos na niya 'yon ay tsaka niya ako kukunin dito sa Sta.Maria, Bulacan. Ayoko sana dahil dito na ako lumaki at nagkaisip pero hindi ko naman kayang suwayin si Lola. Kinabukasan ay ganoon ulit ang senaryo. Nagmamadali ulit akong pumasok pero ang nadatnan ko ay mga kaklase kong nag-aayos ng bawat classroom. Ang iba naman ay nagpa-practice ng sayaw, tula, at kanta. Inayos ko ang nagulo kong buhok dahil sa pagtakbo ko bago pumasok sa classroom namin ng tahimik. Nilapitan ko si Cara na tahimik na naggugupit ng mga letters. "Cara, anong meron?" Tanong ko habang binababa ang mga gamit ko sa table ko. "Ano ka ba naman, Ember. Next week na ang dating ng anak ng may-ari nitong university. Malamang na ngayon palang ay maghahanda na ang lahat." Napatango ako sa sinabi niya. Tinulungan ko siyang maggupit ng mga letters na idi-display daw sa mismong gate ng university. Bakit hindi nalang sila magpa-tarpaulin? Sabagay, effort kapag ganito. "Narinig mo na ba ang balita?" Bulong sakin ni Cara. Inilingan ko lang siya at ipinagpatuloy ang paggupit. "Ang anak ng may-ari ng university na ito ay isang ex-convict. Meaning nakulong na siya dati pero hindi pa ako nakakasagap ng tsismis tungkol diyan," napairap ako sa sinabi niya. "Pero si Ms. Santos ay kababata daw nang bisita natin. Kaya naman pala lagi siyang good mood ngayon." Napatango ako sa sinabi niya. Baka nga iyon ang dahilan kung bakit naging mabait ngayon si Ms. Santos dahil darating ang kababata niya. "At alam mo ba na sobrang gwapo daw 'nun?" Kinikilig niyang sambit. Napailing ako sa kan'ya. Ito na naman ang kakerengkengan niya kapag gwapo ang pinag-uusapan. "Kumain na muna tayo, Cara. Hindi ka ba nagugutom?" Tanong ko sa kan'ya pero umiling lang siya at nakatutok lang ang atensyon sa ginagawa niya. Nagkibit-balikat ako at lumabas na nang classroom namin. Lahat ay busy at naghahanda talaga para sa susunod na linggo. Sabagay, anak 'yon ng may-ari ng school. Hindi pwedeng basta mo nalang salubungin ng bulaklak. Dumiretso ako sa labas ng university para sa labas kumain. Ang mahal kasi ng mga pagkain sa loob ng school namin. Ginto ang presyo. Hindi kaya ng bulsa ko lalo at nagtitipid ako ngayon. Wala naman akong trabaho, si Lola lang rin ang gumagastos lahat sakin. Kaya nakakahiya kung magpi-feeling rich kid ako. Pumasok ako sa isang karinderya. Dito ako madalas kumain dahil masarap ang mga pagkain nila dito. Lalo na yung mami. "Hello po, Manang Lucy!" Bati ko sa matandang nagsasandok ng mami. Napatingin siya sakin at napangiti ng maluwang. "Isang order po ng mami sakin." Naupo ako sa isang bakanteng upuan habang hinihintay ang order ko. Iniisip ko kung ano ang magiging buhay namin ni Lola sa Mindanao kapag natuloy kami doon. At hindi ko rin maintindihan si Lola kung bakit pabigla-bigla ng desisyon. Nung araw na umalis sa bahay yung estrangherong lalaki ay tsaka siya nagdesisyon na aayusin niya ang lupa niya sa Mindanao para doon na kami manirahan. Samatalang noon ay hinahayaan niyang magpatayan ang mga iba niyang kapatid para lang makuha ang lupa na 'yon, pero ngayon ay nag-iba ang ihip ng hangin. Ang balak pa nga niya ay isama ako sa Mindanao, hindi lang ako pumayag dahil may pasok ako at hindi ako pwedeng mag-absent. Nakatulala ako sa labas nang karinderya kaya hindi ko napansin ang pag-upo nang isang tao. Napalingon lang ako sa kan'ya nang hampasin niya ang mesa. "J-jarred?" Gulat kong sambit. Numiti siya sakin nang malawak bago tumayo at binitbit ang upuang plastik patabi sakin. "Kumusta na Ember? Tagal nating hindi nagkakwentuhan ha?" Napalunok ako nang maalala ang huli naming pagkikita. Inimbitahan ako ni Jarred sa birthday party niya at isinama ko si Cara para kahit papaano ay may kasama ako. Hindi ko naman kasi ka-close ang mga kaibigan ni Jarred at ayoko namang ma-out of place sa kanila. "Ember, sigurado ka ba na dito ang bahay ni Jarred?" Napalibot ang mga mata ko sa paligid. Ang bahay na nasa harapan namin ay parang abandonado at madilim. Sabay kaming napalingon sa mga bagong dating. Mga kaibigan iyon ni Jarred. "N-nasaan si Jarred?" Tanong ko sa kanila. Ngumisi lang sila sa amin ni Cara at inilahad ang daan papunta kung nasaan si Jarred. "T-teka, Ember! Hindi ka ba natatakot? Hindi mo ba naiisip na baka patimbong lang ito?" Bulong sakin ni Cara. "Abandonadong lugar 'to, Ember. At alam naman natin kung gaano kapatay na patay sa'yo si Jarred. At ilang beses mo na rin siyang binasted, diba? Baka mamaya may gawin siya sa'yo dito." "Tumigil ka nga d'yan, Cara! Mabuting tao si Jarred. Binasted ko lang siya dahil hindi pa ako handa sa mga relasyon na gan'yan at alam naman niya 'yon at naiintindihan niya naman daw." Inirapan lang niya ako at kumapit siya sa braso ko. "Ah basta! Kapag may nangyari satin dito, sasabunutan talaga kita!" Banta niya na ikinatawa ko lang. Dumaan kami sa makipot na daan bago namin narating ang isang pinto na may mga nakabantay. Hinarangan nila ang pinto nang akma kaming papasok. "Let them in. Bisita sila ni Jarred." Tumabi ang dalawang lalaki sa daraanan namin kaya nakapasok kami. Sumalubong sa amin ang napakalas na tugtog at iba't ibang mga amoy. Napatakip ako ng ilong ko nang may bumuga sakin ng usok nang sigarilyo. "Ember, umuwi na kaya tayo? Ang wild ng mga tao dito." Ani ni Cara habang lumilinga ang mga mata sa paligid. May mga naghahalikan sa kung saan-saan. Palibhasa amy kadiliman ang paligid. Sinusunda lang namin nang lakad ang mga kaibigan ni Jarred nang may humila sa braso ko. Hindi agad ako nakapalag dahil sa higpit nang pagkakahawak niya sakin. "Cara!!!" Sigaw ko ngunit tuloy-tuloy ang lakad niya pasunod sa mga kaibigan ni Jarred. Nang lumingon ako sa humihila sakin ay nakahinga ako ng maluwag. "Ikaw lang pala, Jarred! Sana tinawag mo ako para hindi nahiwalay sakin sa Cara." Sabi ko sa kan'ya. Tuloy-tuloy ang hila niya sakin hanggang makarating kami sa second floor. Kumpara sa baba ay wala gaanong tao dito. Kumbaga mas tahimik dito ng kaunti. "Let Cara enjoy the night. This is my birthday, Ember. Where's my gift?" Nakangiti niyang tanong sakin habang nakasandal ako sa malamig na pader at nakakulong ako sa pagitan ng mga braso niya. Gwapo si Jarred at maraming babae rin ang naghahabol sa kan'ya kaya nagtataka ako kung bakit nagkagusto siya sakin 'gayong wala akong panama sa mga babaeng dumaan sa buhay niya. Oo, kilala ko ang mga babae sa buhay niya dahil naging crush ko siya noon. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit biglang nawala ang paghanga ko sa kan'ya nung sinabi niyang gusto niya ako at liligawan niya ako. Ngumiti ako sa kan'ya at kinuha kinuha ko ang isang box na nasa loob ng sling bag ko. Ang alam ko ay mahilig siya sa panyo kaya panyo ang binili ko sa kan'ya bilang regalo. Binurdahan ko rin iyon ng pangalan niya para kahit papaano ay may effort. Inabot ko sa kan'ya iyon at ngumiti sa kan'ya ng alanganin. "Pasensya kana kung 'yan lang ang nakayanan ko ha?" Kinuha niya iyon at napailing siya. "Kahit ano pa ang ibigay mo ay tatanggapin ko ng buong puso, Ember." HInawakan niya ang isa kong kamay at hinila akong muli. "Masyadong maingay dito at may mga tao, ayoko ng istorbo sating dalawa." "Huh?" Ngumiti lang siya sakin. Nagpatianod nalang ako sa kan'ya hanggang sa huminto kami sa isang kwarto. Pumasok kami doon at isinara niya ang pinto. "J-jarred, bakit dito tayo? Sa baba nalang tayo." Kinakabahan kong sabi sa kan'ya. "Scared? Don't be. Wala akong gagawin na ikakagalit mo sakin, Ember," lumakad siya sa sliding window at binuksan iyon. Tumingin sa madilim na kalangitan. "Dinala kita dito dahil gusto kong mag-usap tayo." "Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko na ikinalingon niya sakin. Akala ko ay sasagutin niya ang tanong ko pero kumuha siya ng dalawang kopita at sinalinan iyon ng alak. Inabot niya sakin ang isa na kinuha ko naman. Sumimsim siya sa kopita niya bago namulsa at muling tumanaw sa kalangitan. "Unang kita ko palang sa'yo ay gusto na kita, Ember. Pero para kang isa sa mga bituin na nasa kalangitan ngayon, nakikita ko lang sa malayo at mahirap abutin," sumimsim siyang muli ng alak bago nagpatuloy. "Gustong-gusto kita pero nirerespeto ko ang desisyon mo na hindi ka pa handa sa ganitong bagay at tama ka. Mga bata pa tayo sa bagay na 'to," lumingon siya sakin at ngumiti ng malungkot. "Handa naman akong maghintay sa'yo, Ember. Kahit ilang taon pa 'yan hanggang sa maging handa kana. Pero gusto kong may panghahawakan ako na isang bagay para maging worth it ang paghihintay ko sa'yo." "A-anong bagay naman?" "Ikaw, Ember. Ikaw ang bagay na gusto kong panghawakan." Naguguluhan akong tumitig sa kan'ya. "Anong ako, Jarred? Hindi kita maintindihan." "Ibigay mo ang sarili mo sakin ngayon at iyon ang panghahawakan ko habang hinihintay kita." Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tiningnan ng masama si Jarred. "Umalis ka sa tabi ko." Malamig kong ani sa kan'ya. Ngumisi lang siya sakin bago ako hawakan sa pulsuhan ko. "I'm sorry..." Marahas kong tinabig ang kamay niya sakin dahilan para siya'y mapabitaw. Sinampal ko siya ng malakas dahilan para makaagaw kami ng mga atensyon nung ibang mga kumakain sa karinderya. "f**k! Ano bang problema mo?!" Marahas niyang hinawakan ang braso ko na ikinangiwi ko sa sakit. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at parehas kami ngayong nagsusukatan ng tingin. Hindi ko siya kaklase at hindi rin siya nag-aaral sa university na pinapasukan ko kaya't hindi ko alam kung anong ginagawa niya ngayon dito. May mga bulungan akong naririnig ngunit bigla iyong nawala at hindi ko alam kung bakit. "Nagso-sorry na ako ano pang gusto mo?!" Sigaw sakin ni Jarred at napadaing na ako sa higpit nang pagkakahawak niya sakin. "Leave my girl alone."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD