Ember's POV
NAG-INIT ako ng tubig sa takore at naghanda ng isang malinis na bimpo at palanggana. Katatapos lamang naming kumain at ang estranghero ay nasa sala namin at namamahinga. Naalala ko na may dugo siya sa noo niya kaya't gusto ko iyon malinisan dahil baka lumala pa. Nasa poder ko siya kaya kailangang alagaan ko siya kahit hindi ko pa siya ganoon kakilala.
Nang makita kong kumukulo na ang tubig ay isinalin ko ang kalahati niyon sa palanggana at nilagayan din iyon ng malamig na tubig para maging maligamgam. Inilagay ko doon ang bimpo bago binuhat at dalhin sa sala.
Napalingon siya sakin at sa hawak ko. Inilapag ko ang palanggana sa lamesita at naupo malapit sa kan'ya.
"Lilinisin ko po muna ang sugat mo pati 'yang mga dugo sa noo at leeg mo bago ka matulog," ani ko. Tumitig siya sakin ng ilang segundo bago isa-isang tinanggal ang butones ng suot niyang polo. Nataranta ako sa ginagawa niya. "A-anong ginagawa mo?!"
"Hindi ba't lilinisan mo ako?" Nalilito niyang sambit.
"O-opo! P-pero hindi mo naman po kailangan hubarin 'yang damit mo," natataranta kong sagot.
Huminga siya ng malalim bago napailing. "Uso pa pala ang mga conservative na babae sa panahon ngayon."
"Ano po 'yon?"
"Nothing! Okay, isusuot ko na ang damit ko." Tumango na lamang ako sa kan'ya at nag-iwas ng tingin.
Nilublob ko sa maligamgam na tubig ang malinis na bimpo bago piniga iyon. Lumapit ko sa estranghero at hinawakan ang noo niya para makita ang sugat niya.
"Medyo mahapdi ito ha. Tiisin mo lang po para malinis ko yung sugat mo," Sabi ko bago nilapat ang bimpo sa noo niya. Tingin ko naman ay hindi siya nasasaktan kaya't ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko.
Hinihipan ko ang sugat niya para kahit papaano ay hindi siya masaktan ngunit napahinto ako't nagulat nang hawakan niyang bigla ang pulsuhan ko. Napatingin ako sa kan'ya at nang magtama ang mga mata namin ay nakaramdam ako ng takot.
"B-bakit po?" Kinakabahan kong tanong.
"Gan'yan ka ba talaga kabuti sa mga estrangherong hindi mo pa nakikilala?" Malamig niyang tanong na ikinalito ko.
"K-kailangan mo po ng tulong ko kaya po---"
"Tsk. Nevermind. Linisan mo na ako. Faster. I need to rest." Napalabi ako sa inasal niya.
Siya na nga ang tinutulungan ang sungit pa niya.
Sa inis ko ay nadiinan ko ng bimpo ang sugat niya sa noo. Napamura siya sa sakit bago ako matalim na tiningnan.
"Leave me alone. I can do it on my own," asik niya bago inagaw ang bimpo sakin. Nang hindi ako kumilos ay tiningnan niya akong muli. "I said, leave." Matigas niyang utos niya sakin na akala mong nasa sarili niya siyang pamamahay para utusan ako.
Tumango na lamang ako sa kan'ya at umalis na nang sala. Dumiretso ako sa kwarto ko at nagpalit ng pantulog bago nahiga sa kama ko. Huminga ako ng malalim at napatitig sa kisame.
Lagot talaga ako kay Lola sa oras na maabutan niya ang estrangherong lalaking iyon. Sana lang talaga ay hapon na siya bukas makauwi. Hindi ko kakayanin makita na magalit si Lola sakin. Napabuga ako ng hangin at tumagilid ng higa bago ipinikit ang mga mata.
Sa kalaliman ng pagtulog ng babae ay may isang taong nakatayo sa kan'yang paanan. Pinagmamasdan ang magandang mukha ng babae bago ngumisi na 'tila may binabalak.
KINABUKASAN ay uunat-unat na bumangon ako. Inaantok pa ako pero kailangan ko ng bumangon agad dahil pauuwiin ko na ang estrangherong lalaki. Hindi siya pwedeng magtagal dito dahil baka kung sino pa ang makakita sa kan'ya at anumang oras ay pwedeng dumating na si Lola. Ayokong magtiwala sa sinabi na hapon na siya makakauwi dahil baka biglang magbago ang ihip ng hangin.
Unti-unti kong iminulat ang mga mata habang nakaupo ako sa ibabaw ng kama ko. Bumungad sakin ang mga paa kong nakabalot pa sa kumot ko pero napatigil ako't 'tila natuklaw nang makita ko ang estranghero sa paanan ko. Nakahiga siya doon at natutulog.
Napatili ako ng sobrang lakas at malakas siyang sinipa dahilan para malaglag siya sa sahig.
"What the hell?!" Singhal niya sakin.
Mabilis kong itinaas ang kumot hanggang sa dibdib ko bago nanlalaki ang mga matang tiningnan siya.
"A-anong gingawa mo sa kwarto ko?! Bakit ka nandito?!" Natataranta kong sigaw sa kan'ya.
Hinawakan niya ang tainga niya na 'tila naririndi siya sa sigaw ko bago tumayo mula sa pagkakabagsak sa sahig.
"Anong gagawin ko dito? Malamang, natulog!"
"Bakit d-dito ka n-natulog?! Sa sala kita p-pinapatulog!" Nauutal kong sigaw sa kan'ya dahil sa nerbiyos.
"Tsk. Ang ingay mo. Gan'yan ka ba kapag nagka-asawa? Bungangera?"
"Argh! Labas! Lumabas kana ng kwarto ko ngayon na! Kung ayaw mong tumawag ako ng mga pulis!" Namumula ang mukha ko sa inis sa kan'ya.
Itinaas niya ang dalawa niyang kamay na akala mong sumusuko bago paatras na lumakad at hinarap ang pinto. Nakahinga ako ng maluwag nang buksan na niya ang pinto upang lumabas pero umangat muli ang mga mata ko sa kan'ya nang tawagin niya ako.
"B-bakit?!" Singhal ko sa kan'ya.
"May muta ka." Nakangisi niyang sabi bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Mabilis akong umalis nang kama at humarap sa salamin. Tiningnan kong mabuti kung may muta nga ba ako pero wala naman. Namula ang mukha ko sa inis. Palalayasin ko na talaga siya!
Naligo ako, nag-toothbrush, at nagbihis ng pangbahay bago lumabas ng kwarto ko. Sabado ngayon kaya wala akong pasok. Mabuti na rin na wala akong pasok ngayon dahil paaalisin ko na ang estrangherong lalaki.
Pagkalabas ko ay naabutan ko siya sa sala namin. Dinudutdot na naman ang cellphone niyang ibinato kagabi.
"Umalis kana," malamig kong sabi at nilampasan siya. Tumayo ako sa gilid ng pintuan namin at tiningnan siya. Naikuyom ko ang kamao ko sa inis na parang hindi niya narinig ang sinabi ko. Ni hindi niya ako tinapunan ng tingin. "Ang sabi ko, umalis kana."
"I can't," sagot niya na sige pa rin sa kakadutdot sa cellphone niya at hindi nag-abalang idapo ang mga mata sakin. "Gan'ya ka ba sa bisita mo mag-good morning?"
"You're not my guest."
Doon ay tumaas ang mga mata niya sakin. Tinaasan niya ako ng isang kilay. "You're mad?"
"Hindi. Umalis kana bago ka pa maabutan ng Lola ko."
"Why? Anong gagawin ng Lola mo sakin kapag naabutan niya ako dito?"
"Basta umalis kana! Bakit ba ang kulit mo?" Iritado kong sabi sa kan'ya na ikina-ngisi niya lang.
"Hindi pa ako kumakain o nagkakape man lang tapos paaalisin mo na ako agad? You're rude." Iiling-iling niyang ani.
"Pinatuloy na kita at pinakain kagabi, abuso kana ah!"
"Fine! Pero ihatid mo ko sa nasira kong sasakyan."
"Ayoko nga!" Kunot-noo kong sabi sa kan'ya.
"Okay." Malamig niyang sagot bago lumakad palapit sa direksyon ko.
Huminto siya mismo sa gilid ko at tiningnan ako. At dahil ang liit ko ay nakayuko na siya sakin habang ako naman ay nakatingala sa kan'ya.
"A-ano na naman?"
Madilim ang mga mata niyang nakatingin sakin bago tuluyan akong harapin.
Napaatras ako sa pagkabigla. "A-anong ginagawa mo?!"
"You messed up with a wrong person and that's me, young lady."
"Umalis kana nga! Ang dami mo pang sinasa---"
Napahinto ako sa pagsasalita at nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
He kissed me.
Oo, hinahalikan niya ako ngayon!
"EMBER ROSE!!!"
Takot at kaba ang rumehistro sa mukha ko nang marinig ang galit na galit na boses ni Lola. Itinulak ko ng malakas ang estrangherong lalaki at naiiyak na tumingin kay Lola na ngayon at nagmamartsang lumapit sakin. Ipinasok niya kaming dalawa sa loob ng sala at isinara ang pinto.
Hinihingal siya na anumang oras ay parang aatakihin sa galit.
"Anong ibig sabihin nito, Ember?!" Matigas niyang tanong. Ngayon lamang niya ako tinawag sa pangalan ko. Laging 'apo' ang tinatawag niya sakin pero iba ngayon. Nanginig sa takot ang mga tuhod ko.
"L-lola, magpapaliwanag po ako." Napaluha ako nang ismiran niya ako at binalingan ang lalaking nasa tabi ko.
Wala akong makitang takot o kaba sa mukha niya kundi cool lang siyang nakatingin sa Lola ko na nagpupuyos sa galit.
"Pakasalan mo ang apo ko! Hindi maaaring hindi mo siya pakakasalanan!"
"Lola!" Gulat kong sambit. Maski ang estranghero ay nabigla sa sinabi ni Lola. Kung kanina ay cool pa siya ngayon ay iba na ang hilatsa ng mukha niya. Seryoso na at madilim ang mga mata.
"I can't do that, madam. Hindi ko po ginalaw ang apo mo para pakasalan ko siya." Bakit 'tila may pumiga sa dibdib ko?
"Imposible na hindi mo ginalaw ang apo ko 'gayong magkasama kayo magdamag! At maliwanag pa sa sikat ng araw ang nakita ng mga mata ko, ang paghahalikan ninyong dalawa! At talagang dito pa sa pinto kung saan maraming makakakita na mga kapitbahay?!"
"S-sorry po Lola. Hindi po ako magpapakasal sa kan'ya dahil wala naman pong namamagitan sa aming dalawa. Hindi ko po siya kilala. Tinulungan ko lamang po siya kagabi dahil naaksidente siya at wala siyang tutuluyan. Promise po, Lola." Umiiyak kong pakiusap sa kan'ya.
Tinitigan niya ako ng mariin bago muling hinarap ang lalaki. "Makakaalis kana at huwag ka ng magpapakita pa sa apo ko. Maliwanag?"
Sinulyapan lang ako ng lalaki bago ngumisi at tumango sa Lola ko.
Tinalikuran niya kaming dalawa ngunit nanatili siya sa tabi ko. Huminga siya ng malalim bago nagsalita.
"Thank you for taking care of me. I will see you again, soon." Mahina lang ang boses niya. Sapat na para ako lang ang makarinig. Hindi ko siya kinibo kaya't tuluyan na siyang lumabas ng bahay namin.
"Siguraduhin mong hindi ka nagalaw ng lalaking 'yon, Ember! Kung hindi, palalayasin kita." Napalunok ako sa matapang na mga mata ni Lola na nakatingin sakin. Ngayon lang siya nagalit sakin ng ganito at naiintindihan ko naman 'yon. Kasalanan ko rin naman.
"Sigurado po ako, Lola."
Napabuga ako ng hangin nang iwan na niya ako. Kinabahan ako at natakot dahil muntik na akong makapag-asawa sa ganitong edad. Tapos ang mapapangasawa ko pa ay ang siraulong muntik na magpahamak sakin.
Bigla ay napahawak ako sa labi ko. At inis na kinuskos iyon ng palad ko. Ang walanghiyang 'yon! Ninakaw pa ang first kiss ko! Sana lang talaga hindi na magkrus ang landas naming dalawa at baka maisumpa ko siya ng wala sa oras...