CHAPTER 13 “KNIGHT IN SHINING ARMOUR”

1241 Words
UNDENIABLE ang kilig at kasiyahan na nararamdaman ni Ara nang mga sandaling iyon habang mag-isa siyang naglalakad sa kalsada pauwi sa kanilang bahay. Hindi pa naman malayo iyon mula sa bahay nina Daniel nang madaanan niya ang isang grupo ng mga kalalakihan na nag-iinuman sa tapat ng isang tindahan. “Wow, kapag sinuswerte ka nga naman,” ang narinig niyang sinabi ng isang lalaking sa tono ng pananalita ay halatang lasing na. “Gago tumigil ka, dumayo ka lang dito kaya huwag kang gagawa ng hindi maganda,” ang sagot naman ng isang pang lalaking nang sulyapan ni Ara ay napuna niyang may katabaan at katulad ng kasama nito ay pilipit narin ang dila kung magsalita. “Nagsalita ang taga-rito,” ang lalaking nauna nang nagsalita kanina na tumayo. “halika, makipagkilala tayo,” anitong naglakad palapit sa kaniya. Mabilis na niragasa ng matinding kaba ang dibdib ni Ara sa nangyaring iyon. Pero sa halip na magpahalata sa takot na kaniyang nararamdaman ay mas pinagsikapan ng dalaga na maging pormal kaya nagpatuloy siya sa paglalakad. ***** MAGANDA ang ngiting nanatiling nakasunod ng tingin si Daniel kay Ara hanggang nang tuluyan na nga itong naglaho sa paningin niya. Napakasaya niya nang mga oras na iyon at parang nasa puso pa niya ang paghahangad na mas matagal na makasama ang dalaga kaya naman hindi na siya nagdalawang isip pa na muling patakbuhin ang kaniyang kotse para sundan ang dalaga. Agad naman niyang natanawan ang pamilyar na bulto ni Ara. Kahit naman kasi yata dulo pa ng buhok nito ay makikilala niya dahil nga sa lihim niyang nararamdaman para rito. Hindi niya ito hiniwalayan ng tingin kaya naman hindi rin niya napigilan ang biglang pagsikdo ng magkahalong kaba at galit sa kaniyang dibdib nang makita nilapitan si Ara ng isang matabang lalaki saka hinila sa braso. ***** “BITIWAN mo ako! Bastos!” ang galit na galit na palag ng dalaga saka sapilitang sinubukan bawiin ang sariling braso mula sa matabang lalaking lango na sa iniinom na alak. “Ang sungit mo naman Miss, porke ba maganda ka? Halika na, isang shot lang,” anito sa kanya saka iniabot ang baso na may lamang alak. Lalong nag-tumindi ang takot na nararamdaman ni Ara kaya naman mas pinagsikapan niyang makawala mula rito pero mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya. Dahilan kaya tuluyan na nga siyang napatili at parang wala sa sariling inihampas ng malakas sa lalaki ang hawak niyang shoulder bag. “Tulong! Tulungan ninyo ako!” ang malakas niyang tili kasabay ng magkakasunod at patuloy parin niyang paghampas ng bag sa lalaki. Dahil sa takot at panic na nararamdaman ni Ara ay hindi na niya agad namalayan ang paglapit ng isang pamilyar na kotse. Kasabay noon ang paglabas naman ng babaeng may edad na at tindera ng tindahan na kanina ay hindi niya nakita roon. Malamang nasa loob ito ng bahay nito. “Hoy! Bitiwan mo siya! Manang pakitawagan ninyo ang Baranggay!” Noon napalingon si Ara sa pamilyar na tinig ng lalaki. Nang malingunan niya ito, nakita niyang malalaki ang mga hakbang na naglalakad si Daniel palapit sa kaniya. Nasa kamay nito ang isang bagay na kung hindi siya nagkakamali ay tubo na bakal. Pagkatapos ay ang ginang sa loob ng tindahan ang nakita niyang nagdadayal na sa telepono. Sa isang iglap ay mabilis na naglaho sa isipan ni Ara ang Daniel na wala nang ibang ginabi at tila ba wala ring ibang alam kundi ang asarin siya. Dahil sa matinding galit na nakikita niya hindi lamang sa napakagwapo nitong mukha kundi lalong higit sa magagandang mata ng binata. “Bitiwan mo siya!” ang muling galit na galit na sigaw ni Daniel na nakapagbalik ng kaniyang huwisyo. Noon naman mabilis na pinakawalan ng lalaki ang kamay niya. “Ah, sorry boss,” ang mabilis na sabi ng lalaking mataba na kaninang may hawak sa kaniya. “Hindi naman kayo taga-rito ang lalakas ng loob ninyo gumawa ng kalokohan!” ang galit na galit na bulyaw ni Ara. Noon naman tamang dumating ang mobile ng baranggay sakay ang apat na Baranggay Tanod. Agad na bumaba ang mga ito saka nilapitan ang lalaking kanina ay nangha-harass sa kaniya. Malakas ang singhap na pinakawalan ni Ara nang maramdaman niyang biglang hinila ni Daniel ang kamay niya. Hindi iyon dahil sa pagkabigla kundi sa matinding daloy ng kuryente na kaniyang naramdaman. “D-Daniel!” ang halos pabulong na anas ni Ara saka nanginginig sa takot na kusang napayakap sa binata. “salamat, dumating ka,” bulong niyang muli saka lalong isiniksik ang sarili sa binata noon ang mahigpit rin ang pagkakayakap sa kaniya. “Okay ka lang?” tanong sa kaniya ni Daniel nang kumawala siya mula sa pagkakayakap nito. “hindi ka ba niya sinaktan?” ang dugtong pa nitong tanong. Magkakasunod na umiling si Ara. Noon narinig ng dalaga ang buntong hininga na pinakawalan ng binata. Para bang nangangahulugan iyon ng pasasalamat dahil walang nangyaring masama sa kaniya. “Halika na, ihahatid na kita sa inyo?” ani Daniel. Sa pagkakataong iyon ay hindi napigilan ni Ara ang mapangiti kasabay ng isang simpleng pagtango. “Okay,” aniya pang sinundan na ang binata pasakay sa kotse nito. “Oh, bakit parang natatawa ka?” amuse na tanong sa kaniya ni Daniel kaya siya napalingon sa lalaki. “Ah? Naku, wala,” pagsisinungaling niya bagaman ang ngiti niya ngayon ay lalong lumapad at hindi niya iyon nagawang kontrolin. “Ara?” Nasa tono parin ni Daniel ang amusement at iyon nga ang damdaming nakita niya sa mga mata nito at maging sa aura ng mukha nito nang lingunin niya ang binata. At iyon ang dahilan na nakikita niya kaya hindi niya nagawang tanggihan ang gusto nito. Kaya sa huli ay natagpuan na lamang niya ang sariling nagsasalita at nagpapaliwanag sa lalaki. “Naisip ko lang kasi, hindi ba kanina iniinsist mong ihatid ako hanggang sa bahay?” simula niya habang nakatitig sa mga mata ng binata. Tumango si Daniel saka tuluyang binuhay ang makina ng sasakyan. “Pakituro mo ang way sa akin ah?” anito pa at pagkatapos ay nagpatuloy siya. “Thank you talaga, kung hindi ka dumating baka kung ano na ang ginawa sa akin ng manyak na iyon,” totoo iyon sa loob niya kasama ang muling paglamon ng takot sa kaniyang dibdib at may palagay siya na naramdaman iyon ni Daniel kaya ganoon ang tono ng binata nang magsalita ito. “Kaya sa susunod kapag sinabi kong ihahatid kita makinig ka nalang sa akin,” ang binata sa marahan nitong pagmamaneho. “at isa pa, syempre hindi ako papayag na may ibang hahalik sa’yo maliban sa akin,” dugtong pa ni Daniel na kaniyang ikinabigla. “Ano?” ang gulat na tanong ni Ara. Tumawa ng malakas ang binata. “Biro lang, pero pwede mo ring seryosohin,” anitong nang lingunin siya ay kaniya agad niyang nakita ang kakaibang mensahe na kalakip ng ngiting iyon ng binata na humalop ng husto sa kaniyang puso. “Baliw ka talaga,” aniyang hindi narin napigilan ang matawa dahil doon. Hindi nagsalita si Daniel at sa halip ay sandali siyang nilingon at saka kinindatan. At katulad ng dati, agad na naramdaman ni Ara ang matindin pag-iinit ng kaniyang mukha dahil sa pamumula niyon. Pero wala na ang inis at sa halip ay purong kilig nalang ang nararamdaman niya sa ginawang iyon ni Daniel. Ang kaniyang knight in a shining armour.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD